Chloe Dauden talks about unexpected guests during FHM cover shoot

IMAGE courtesy of FHM Philippines

Chloe Dauden of FHM cover: “...eksenang-eksena na 'yan pag binuksan mo. I think, ito yung longest cover story na ginawa nila. I have 17 pages as compared to the usual 10."


May mga rason kung bakit pumayag si Chloe Dauden na maging cover ng FHM Philippines.
“Hindi ko siya ginawa dahil sa gusto ko mag-bold or anything. It’s also a challenge to myself kung hanggang saan ba ang kaya ko.
"Am I comfortable with it or how would I understand art? Kasi for me, nudity is art, a woman’s body is art.
"Ewan ko sa kanila kung ang tingin nila doon is bastos pero ako, yun ang paniniwala ko,” ang paliwanag niya sa isang presscon na ginanap kamakailan.
Wala ka bang plaster na suot sa mga shoots mo?
“Wala talaga as in, wala akong panty, natatanggal siya pag nag-plaster ako.”


MONKEY STORY. Nangyari ang FHM pictorial ni Chloe sa dulong bahagi ng Subic.
Doon, naglitawan daw ang napakaraming unggoy na tila gusto siyang panoorin.
Kuwento ni Chloe, “May dumating na point na parang nagdumugan sila 'tapos nag-stop kami ng shoot at umusog kami.
"'Tapos bigla silang nagbabaan lahat.
“Natakot yung mga tiga-FHM, 'tapos kami nagtakipan.
"Parang naamoy 'ata nila ako, nakahubad kasi ako e.”
Pabirong tanong namin: Hindi mo ba naisip na baka sugurin ka ng mga unggoy at molestiyahin ka?
“May ganon ba sila? Hindi naman siguro, kasi malalaki naman ang katawan nung mga kasama namin...nakakatakot naman.
“Pero napa-robe ako, nakahubad ako no'ng time na yun e yun yung medyo huling part ng shoot, nakahubad ako. So, napasuot ako ng robe bigla.
“Nagpahinga kami sandali 'tapos nung nagsi-alisan sila, itinuloy na namin kasi patapos na yung shoot, e.
"'Tapos nagbalikan sila uli so ang ginawa namin, 'Tara, alis na tayo!'
"Nakakatakot kasi nangunguha raw yung mga yun ng gamit, kaya ingat kami sa mga cellphones namin at saka alahas.
“Feeling ko nga parang Planet of the Apes yung dating.”
(Ang Planet of the Apes ay pelikulang hango sa 1963 French novel na La Planète des singes ni Pierre Boulle.)


FRONTAL NUDITY. Handa ba siyang gawin ito para sa FHM?
Sabi niya, “Siguro pag huling-huli ko nang mag-pose sa FHM bago ako mag-30, pag ikakasal na ako…
"Bahala na, hindi ko pa alam.”
Sa indie film ba, open siya?
“Ah, hindi pa ako ready kasi sa ngayon, 'eto pa lang yung comfortable ako.
"Pero sa mga pelikula hindi pa.
"Yung love scenes kaya ko, pero pag frontal talaga, hindi ko pa kaya.”
Paano kung may offer na mag-frontal nudity siya para sa isang international magazine?
“Hindi ko pa alam, depende siguro sa mapag-uusapan sa kung paano siya lalabas.
"Hindi ko pa masabi e siguro pag nandun na saka ko lang malalaman kung kaya ko ba o hindi.”
Ilan nga raw sa mga photos niya sa shoot ay labas ang mga maselang bahagi ng kanyang katawan kaya nag-alala raw si Chloe.
“Ipina-edit out ko siya actually,” na ang tinutukoy niya ay yung exposure ng mga private parts niya.
“Kasi hindi pa ako comfortable pa, e. Gusto ko kasi, in light mood lang.
"Hindi pa ako comfortable. Iba kasi pag bottom, e.
“Actually, hindi naman siya masyadong in-edit out kasi nga waxed ako.
"Parang blinurred na lang nila yung part na yun.
"Saka yung shot ko sa beach na nakahiga, masyado siyang nakalabas kaya pina-edit ko,” na ang tinutukoy niya ay ang kanyang nipple."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN