NEWBIE. Grae Fernandez aware of dad Mark Anthony's past: "I feel sad na may mga kuwento pa rin...I would like to defend him."

Grae Fernandez admits the downside of having a famous dad and grandparents: "Like, mataas ang expectations sa akin at hindi ko pa alam kung paano ko maa-achieve yung expectations nila sa akin. Gusto ko rin yung influence ng dad ko at yung mga grandma at grandpa ko, pero I want to make a name for myself."


Ang isa sa mga sinasabing promising bets ngayon among newbies ay ang 12-year-old member ng Gimme 5 na si Grae Fernandez.

Si Grae ay anak ng aktor na si Mark Anthony Fernandez at ng kabiyak nitong si Melissa Garcia. Apo rin siya ng dating sexy actress na si Alma Moreno at ng yumaong award-winning action star na si Rudy Fernandez.

Ang Gimme 5 naman ay ang pinakabagong teen group na binuo ng Star Magic, ang talent and management arm ng ABS-CBN. Kinabibilangan ito nina Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, John Emmanuel Bermundo at Henry Arquiza.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Grae sa nakaraang awards night ng The PEP List sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino sa ParaƱaque City, noong May 20, sinabi nitong may pros and cons ang pagiging anak ni Mark Anthony.

Bungad ni Grae sa PEP, "Siguro may influence po talaga yung siya ang father ko at kilala mo yung name namin sa showbiz pero may downside din po ito.

"Like, mataas ang expectations sa akin at hindi ko pa alam kung paano ko maa-achieve yung expectations nila sa akin.

"Gusto ko rin yung influence ng dad ko at yung mga grandma at grandpa ko, pero I want to make a name for myself."

INSPIRED BY DAD. Hindi raw kontra ang kanyang ama sa pagpasok niya sa showbiz pero lagi raw siyang pinaaalalahanan nito.

Aniya, "Lagi niyang sinasabi po na kailangan ay mag-aral pa rin ako nang mabuti.

"Don't forget school and always keep my feet on the ground.

"Sa pagiging artista naman, sabi niya na kailangang always be myself lang ako and be natural."

Dugtong pa niya, "Kailangang maging magalang, always mag-beso at 'wag isipin na trabaho ito, fun lang po.

"Basta enjoy lang daw muna ako sa opportunities na dumarating sa akin.

"Be passionate with what I'm doing and work hard."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nga ba naisipan niyang pasukin ang showbz sa mura niyang edad?

Sagot ni Grae, "Na-inspire po talaga ako ng dad ko.

"Kasi nung bata pa po ako, lagi ko siyang nakikita sa TV.

"'Tapos sa every party na dinadala niya ako, para talagang gusto ko nang mag-artista na katulad niya.

"Siguro po yung feeling and fondness na marami kang makilalang ibang tao 'tapos yung fans po.

"'Tsaka, yung passion ko rin po talaga na magpasaya ng mga tao."

AWARE OF DAD'S DARK PAST. Sa puntong ito, sinabi ni Grea na hindi lingid sa kanya ang masalimuot na pinagdaanan ng kanyang ama.

Matatandaang ipinasok noon sa rehabilitation center si Mark Anthony. Taong 2007 noong naging visible siyang muli bilang leading man sa primetime block ng GMA.

Sabi ng young actor na student din sa O.B. Montessori sa Greenhills, "Alam ko po yun at sa kabila nun ay lab na lab ko pa rin siya.

"Kahit anong sabihin nila, he's a great dad po.

"So, kahit I feel sad na may mga kuwento pa rin tungkol sa kanya ngayon, I would like to defend him.

"Kasi, hindi naman po lahat alam how supportive he is as a father at mahal na mahal niya po kami."

Dahil nasa edad na rin siya na naiintindihan na ang mga nangyari sa kanyang ama, inalam namin kung napag-usapan na ba nila ito.

Saad niya, "Nababanggit po niya minsan.

"'Tapos he tells me na, 'Don't do bad things in your life.'

"And yun nga po, lesson learned naman po yun at sabi nga niya, 'Wag yumabang at 'wag magluku-luko.'"

Kaya nga raw mas alam na niya ngayon kung paano umiwas sa maaaring maging pangit na impluwensiya ng showbiz sa kanya.

Sabi ng bagets, "Alam ko naman na po how I will counteract with confidence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas mature po ako kahit ganito pa lang ang age ko at saka, yun nga po, siguro kung 'di rin sa lesson na natutunan ng dad ko, baka hindi ko po alam.

"Yung iba kasi, madaling ma-attract sa ganung bagay kasi 'di lang naman po ang dad ko ang may pinagdaaanan na ganung bagay sa showbiz, 'di ba?"

SHOWBIZ CRUSHES. Para maging magaan ang usapan, inalam namin kung sino ang crush niya sa showbiz.

"Si Kim Chiu po," nakangiti pero nahihiyang banggit niya.

"Gusto ko po yung tsinita look niya.

"Sa mga ka-age ko naman, siguro yung closest, si Ella Cruz."

Si Ella ay an gumanap bilang young Cristine Reyes sa teleseryeng Dahil Sa Pag-Ibig sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN