NEWBIE. Vince Velasco set to make a name for himself

IMAGE Noel Orsal

Vince Velasco on having a famous father. "Alam ko naman po kung ano ang nagawa ng dad ko sa industry, pero siyempre, as much as I can, I want to make it on my own."


Hangga't maaari ay ayaw ng baguhang si Vince Velasco na makilala siya bilang anak ng kilalang sports newscaster na si Bill Velasco.

Gusto raw niyang mapansin siya ng publiko sa sarili niyang merito bilang isa sa mga heartthrobs ngayon ng Kapuso network at bilang isang nagsisimulang aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment media si Vince sa pocket presscon para sa mga bagong heartthrobs ng GMA-7 noong Huwebes, May 29.

Ang Kapuso heartthrobs na ipinapakilala sa publiko bukod sa kanya ay sina Gab de Leon, Lance Serrano at Rafa Siguion-Reyna.

Pahayag niya, "It's very private naman po.

"I want to be known as myself.

"Alam ko naman po kung ano ang nagawa ng dad ko sa industry, pero siyempre, as much as I can, I want to make it on my own.

"Ayoko naman po na I will be living in the shadow ng dad ko and I believe na kaya ko naman without really banking on his name.

"At saka, showbiz naman ako while sa sports newscast naman po siya."

INTRO TO ACTING. Unang ipinakilala ang 23-year-old hunk sa phenomenal TV series na My Husband's Lover ng GMA-7 bilang si Mike, live-in partner ng beki character na si David na ginampanan naman ni Victor Basa.

Marami ring tagahanga ang sumubaybay sa kanilang kuwento kaya marami tuloy ang naging curious kung sa totoong buhay ba ay kaya niyang makipag-live in sa isang beki?

Nangingiting saad niya, "That was just a story.

"Hindi ko naman inisip sa totoong buhay ko na it could happen.

"I'm just happy na marami ang nagkagusto sa 'love angle' namin doon ni Victor.

"It was a very big compliment to me 'coz it means I'm doing a good job.

"If they enjoyed something that I did, it means, I'm doing the right thing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya nag-alala na baka magkaroon siya ng confusion sa kanyang sexual preference sa tunay na buhay.

Pagsisiguro ng model-actor, "Ah, hindi naman po.

"Like what I said before, I'm just being very professional with what I'm doing.

"It's just a role, plain and simple."

LIKES ACTION. Kaya nga sa susunod na projects, ang gusto nga raw niyang gawin ay isang action movie o TV project kung saan maipapakita niya ang kanyang kakayahan sa mga maaksiyong eksena.

Sabi niya, "Sana sa susunod, action naman.

"I've always wanted to do action.

"Pagdating sa stunts, medyo daredevil ako kaya gusto ko i-try talaga yung ganun.

"At saka sa action, there's always something na laging may nangyayari.

"Hindi ka lang nakaupo, parating may nangyayari—yun po ang gustung-gusto ko.

"I can't put it into words pero kapag nanonood ako ng movie o serye na may action, hindi po ako makatayo."

Patuloy pa niya, "Pero whatever is being demanded, gagawin ko. Kasi meron naman pong pinaghuhugutan ang sino mang tao.

"Lalo na 'pag determined po sila, may kakapuntahan talaga.

"Ganun din po kasi ako.

"Basta anything na mabilis, excites me a lot."

CRUSHES. Sa babae naman, ano ang nagpapa-excite sa kanya, biro namin.

Natatawang tugon ng Kapuso newbie, "Ang crush ko talaga ay si Solenn Heussaff.

"She is a simple beauty at hindi ako mahilig sa sobrang maarte.

"Simpleng babae na kahit walang makeup ay maganda po.

"Nakita ko na siya sa personal at talagang maganda talaga siya."

Bukod kay Solenn ay nasa shortlist daw ng kanyang showbiz crushes sina Heart Evangelista, Bella Padilla at Kylie Padilla.

Bulalas pa niya, "Lalo na si Kylie, you can't remove her from the list."

Sinasabing single daw ngayon si Kylie. May balak siyang ligawan ito?

"That's very nice to know," natatawang reaksiyon niya.

"If the time is right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malay niyo, kung makilala ko po."

SEXY AND DARING ROLES? Marami ang nakapansin sa maganda niyang katawan nang rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash noong nakaraang taon.

Senyales ba ito na handa na siyang sumabak sa sexy and daring roles?

Ayon sa kanya, "I've done multiple roles na rin po and I'm open to any role.

"Basta, right role and right director.

"Opo, opo, okay lang po sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN