Michael Cinco gown featured in sci-fi movie, Jupiter Ascending

This gown, worn by Mila Kunis (in photo), was created by Pinoy designer Michael Cinco, for the upcoming sci-fi movie, Jupiter Ascending. The Dubai-based Filipino designer has designed red carpet outfits for Hollywood stars.


Napatunayan na ng mga Pinoy designers ang kanilang husay pag dating sa mga red carpet events sa Hollywood.

Ang mga creations nina Monique Lhuillier at Oliver Tolentino ang paboritong isuot ng mga naglalakihang Hollywood celebrities sa mga big awards nights at Hollywood premieres.

Ngayon pati na rin sa costume design sa pelikula ay nakikilala ang husay ng Pinoy creativity.

Ang Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco ang siyang gumawa ng isang couture costume gown na sinuot ni Mila Kunis sa isang malaking eksena sa Jupiter Ascending na pinagbibidahan rin ni Channing Tatum.

Naglabas si Cinco sa kanyang Instagram account ng ilang litrato ng gown na ginawa niya para sa naturang movie na idinirihe ng Wachowski Brothers.

Hindi baguhan si Michael Cinco sa Hollywood red carpet scene dahil nakatrabaho at nadamitan na niya ang mga sikat na celebrities tulad nila Tyra Banks, Naomi Campbell, Sofia Vergara, Britney Spears, Lady Gaga, Chris Brown, Fergie, Paris Hilton, Dita Von Teese, Christina Aguilera, Ashanti, Mischa Barton, at Jennifer Lopez.

Sa mga local artists naman, nadamitan na niya sina Anne Curtis, Angel Locsin, Bea Alonzo at Ruffa Gutierrez.

Na-feature na rin ang kanyang mga creations sa Cycle 16 ng America’s Next Top Model.

Pangarap ng 42-year old designer na madamitan niya ang mga Oscar-winning actresses na sina Angelina Jolie, Julia Roberts at Cate Blanchett.

Ipinanganak sa Catbalogan City, Samar, si Michael Cinco at nagtapos siya ng Fine Arts sa University of the Philippines, Diliman, QC.

Dalawang taon naman siyang nag-aral sa Slim’s Fashion and Arts School.

Sa London ay nag-aral siya ng fashion and pattern-making sa Central Saint Martin’s College of Art and Design.

Lumipat siya sa Dubai noong 1997 at taong 2003 niya itinayo ang kanyang couture house, Michael Cinco Haute Couture.

Noong 2011 ay nanalo si Michael bilang Breakthrough Designer sa WGSN Global Fashion Award na idinaos sa New York. Dito ay nakalaban niya ang ilang mga designers mula sa Europe, Asia at America.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang collection ay nairampa na sa Dubai Fashion Week at Miami Fashion Week.

Dito sa Pilipinas ay naimbitahan siya na irampa ang kanyang koleksyon sa Philippine Fashion Week Holiday 2012. Kasabay nito ang pag-launch ng kanyang Impalpable Dream scent na kasama sa Designer Scents Collection ng Bench.

Nakilala si Michael sa paggamit ng indigenous materials mula sa Pilipinas tulad ng piña at abaca.

Hinangaan din siya sa paggamit ng mga recyclable materials tulad ng kanyang eco-couture collection na ginamit sa America’s Next Top Model Cycle 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN