NEWBIE Ken Alfonso ready to leave corporate world for showbiz

IMAGE courtesy of Jonas Gaffud

Isa sa mga rason kung bakit gustong pasukin ni Ken Alfonso ang showbiz ay para mahanap ang kanyang biological father na ni pangalan ay hindi niya alam.


"Umaasa" ang title ng single ni Kennedy "Ken" Alfonso, na isang marketing graduate mula sa University of Sto. Tomas at newest talent ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist and Model Management.

Na-discover si Ken habang nagbabakasyon ito sa Baguio City noong 2012.

Since then, apat na TV commercials na ang nagawa ni Ken, na gustong maging artista at singer.

Hindi na baguhan si Ken sa showbiz dahil nagkaroon ito ng bit role sa dalawang episode ng Magpakailanman ng GMA noong elementary student pa lamang siya.

Hindi masagot ni Ken ang tanong kung makakatulong ang mga kontrobersiya para makilala agad ng publiko ang isang aspiring singer/actor na katulad niya dahil wala siyang alam sa kalakaran sa showbiz.

“Hindi ko pa po talaga gamay ang showbiz. Sa ngayon, talagang wala akong alam. Pinagsasabihan naman ako ng manager ko kung ano ang mga dapat gawin,” ang pahayag ni Ken nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayaw magpaapekto ni Ken sa intriga na siya ang pinakapaborito ni Jonas sa mga contract star ng Mercator dahil daw pantay-pantay ang trato sa kanila.

“Ako ang pinakabago kaya ako ang nabibigyan ng focus ngayon pero even po ang projects namin. So kung meron po na show yung iba, meron din ako. Even po ang distribution ng project sa amin.”

Gaya ng title ng kanyang single na composition ni Vince Salumbides III at Paulo Zarate, umaasa ang 24-year-old newcomer na makakatulong ang kanyang pagpasok sa entertainment industry para mahanap at makilala ang biological father na hindi niya nagisnan.

Puno ng drama ang kuwento ng buhay ni Ken dahil hindi nito alam ang pangalan ng kanyang ama.

Sa tuwing nagtatanong siya tungkol sa kanyang ina, “Hindi ko kilala dahil madilim nang mangyari," ang consistent na sagot ng nanay niya.

Plano ni Jonas na papirmahin ng kontrata sa GMA Artist Center si Ken na nagtatrabaho pa rin ngayon sa trade marketing division ng isang pharmaceutical company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano ni Ken na mag-resign sa kompanya na pinaglilingkuran kapag nabigyan siya ni Jonas ng “sureball" na project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN