Athena Gana admits big crush on John Lloyd Cruz

IMAGE Rose Garcia

Athena Gana, daughter of Quezon City Mayor Herbert Bautista, recounts her chance encounter with her crush John Lloyd Cruz: “Nakapagpa-picture pa nga po ako sa kanya, e. But we were not formally introduced sa isa’t isa. Nakita ko lang siya tapos tumakbo talaga ako. Ay, tinakbo ko talaga! Fan mode ako bigla!"


Pinasok na rin ng dalagang anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pag-aartista.

May mga naiintriga lang kung bakit Athena Gana (na hango sa apelyido ng kanyang inang si Tates Gana) ang ginamit niyang screen name at hindi Athena Bautista na sunod sa apelyido ng kanyang ama.

“Hindi pa po actually napag-uusapan with my family about my screen name. So for now, Gana po muna,” paliwanag naman ni Athena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, June 10, matapos siyang mag-pictorial sa studio ng photographer na si Edward dela Cuesta.

Kasama si Athena sa cast ng pelikulang Sitio Camcam kung saan pangunahing tampok sina Allen Dizon, Jackie Rice, Jean Garcia, at Sunshine Dizon.

First movie niya ang bagong project ng Heaven’s Best na idinerehe ni Joel Lamangan at ipapalabas na sa July 9.

Ayon kay Athena, “Bago ito, marami na po akong nagawang school plays. Pero sa onscreen po, first ko ito talaga.”



LIFELONG DREAM. Naunang nag-artista ang nakababatang kapatid niyang si Harvey Bautista. Ano ang nag-udyok sa kanyang mag-showbiz din?

“Ako po yung may pangarap talaga na mag-artista!” sabay tawa ni Athena.

“Actually yung brother ko po, taga-Goin' Bulilit kasi siya, 'di ba? Na-discover lang siya pero wala po talaga siyang [balak mag-artista].

“E ako, noong mas bata pa po ako sa kanya... alam ko na talagang... hay naku, gusto ko po talaga!” tawa ulit niya.

Kung hilig na pala niya dati pa ang pag-arte, bakit ngayon lang siya nag-artista?

“E, ngayon lang po kasi ako nabigyan ng chance. Pero kasi, my whole life I was waiting lang naman po.

“Ayoko naman po kasing ipilit yung sarili ko sa showbiz kung ayaw naman po talaga. Kaya naghintay lang po ako.

“Okey lang naman po sa daddy [Mayor Herbert] ko na mag-artista ako. Sila ng mom ko, they’re very supportive naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then sabi ko... kung wala namang offer, ayoko naman pong ipilit ang sarili ko.

“Pero nagwu-workshop naman po ako. I’ve done a lot of acting workshops since grade school pa.

“Tapos nagpi-plays po ako sa school,” kuwento pa niya.

At ano naman ang masasabi niya ngayong nag-aartista na siya?

“Masaya po. Actually yung iba nagsasabi na nakakapagod, ganyan-ganyan.

“E, ako talaga po kasi, gusto ko talaga. Kaya okey lang ‘yon.

“Okey lang na maaga gigising, gano’n. Okey lang po sa akin,” pahayag niya.

Nasa dugo ng mga Bautista ang pagiging artista. Bukod sa kanyang amang Mayor Herbert na nakilala noon bilang komedyante at isang versatile actor, magaling din na artista ang tita niyang si Harlene Bautista.

“Mas gusto ko po na malinya sa drama. Kapag nanonood nga ako ng movies, mas pinapanood ko po ang drama.

“Kasi pinag-aaralan ko rin kung paano po ipinu-portray ng mga actors yung role nila,” sabi pa niya.



STUDIES FIRST. Si Athena ay 17 anyos. First year Political Science major siya ngayon sa Ateneo de Manila University.

Hindi ba siya mahihirapan na pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral niya?

“Right now naman po kasi, wala pa po akong pasok. So nung ginawa ko naman po itong Camcam, bakasyon pa kami sa school.

“Pero ipa-prioritize ko pa rin po ang pag-aaral ko. Usapan namin ng parents ko studies first.

“Studies first talaga,” lahad niya.

Pasundot-sundot lang ang pag-aartista niya?

“Pag merong chance o merong offer, okey po. Maisisingit naman ‘yon.

“Pero priority ko talaga ang studies.

“Iyon din ang kabilin-bilinan ng dad ko... studies first.

“Pareho lang sila ng mom ko talaga ng sinasabi sa akin... 'O sige, mag-showbiz ka pero talagang studies ang priority,'” patuloy pa niya.

Aminado si Athena na kahit maraming beses na siyang sumailalim sa mga acting workshop at lumabas sa mga school plays, nakaramdam pa rin daw siya ng nerbiyos nang mag-shooting para sa Camcam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I tried na ma-overcome yung nerbiyos. Nagpi-pray ako bago mag-take.

“Sinasabi ko sa sarili kong gusto ko talaga 'to. Kahit kapag may ginagawa akong play, yun din lagi ang sinasabi ko sa sarili ko,” wika niya.

Nakaka-pressure din ba na ang unang nakatrabaho niya ay ang award-winning director na si Joel Lamangan?

Pag-amin niya, “Well, noong una po, nakaka-pressure. Pero more than that, I feel blessed po kasi out of all the directors, siya pa yung first na makakatrabaho ko.”

Hindi ba siya natatakot sa mga intriga na nakasanayan na ng marami bilang normal sa mundo ng showbiz?

“Yeah! E, kasama naman po talaga ‘yon.

“Kapag gusto mong mag-showbiz, kailangang handa ka rin sa mga intriga. Ganyan-ganyan.

“Ah... nakakatakot!” tawa ulit ni Athena.

“Pero kasama nga talaga po sa showbiz ‘yong intriga.”



INTRIGUES ABOUT DAD. May mga naging tanong kami kay Athena hinggil sa maintrigang isyu sa pagitan ng dad niyang si Mayor Herbert at ni Kris Aquino. At sinagot naman niya itong lahat.

Yun nga lang, ilang production staff ng Sitio Camcam ang nakisuyo na huwag nang isulat yung mga naging pahayag at saloobin ni Athena kahit wala naman siyang nasabing negative.

Kung sabagay, mahirap nga naman na madawit pa si Athena sa mga kontrobersiyal at sensitibong usapin na hindi naman siya involved talaga.

“Kami naman po kasi sa pamilya, kung ano po yung pamilya... pamilya lang po,” aniya.

“I’ll stay strong for my family na lang.”

Nangiti ulit si Athena nang matanong kung may mga manliligaw na ba siya sa ngayon.

“Ay, hindi puwede!” tawa niya ulit.

“Hindi po pupuwede.

“Bawal pa, sabi ng mom ko. Kasi, studies first daw nga.

“Kaya wala. Hindi pa puwedeng mag-entertain ng manliligaw.

“Hindi puwede.”



CRUSH ON JOHN LLOYD. Medyo kinilig si Athena nang matanong kung sino sa mga local actors ang ina-admire niya nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si John Lloyd Cruz po!” nangiti niyang sagot.

“Oh my God! Favorite ko pong movie niya, yung One More Chance... pramis!

“Paulit-ulit ko pong pinanonood ‘yon.”

Crush niya si John Lloyd?

“Opo!” mabilis niyang pag-amin.

Nagkita na ba sila in person?

“Opo. Nakapagpa-picture pa nga po ako sa kanya, e.

“But we were not formally introduced sa isa’t isa. Nakita ko lang siya tapos tumakbo talaga ako.

“Kasi nando'n ako sa taping ng brother ko noon sa Goin' Bulilit. Tapos nakita kong naglalakad si John Lloyd.

“Ay, tinakbo ko talaga! Hahaha!

“Fan mode ako bigla!

“Opo. Naging faney na haney! Hahaha!”

Bawal pa siyang magpaligaw. Pero paano kaya kung biglang may isang kamukha ni John Lloyd na nagpaparamdam at gusto siyang pormahan?

“Ay! Hindi pa rin puwede. Bawal!” tawa ulit na huling nasabi ni Athena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN