Julia Barretto talks about working with Enrique Gil and possibly falling for him

IMAGE courtesy of San Marino Corned Tuna

Mula sa TV series, nasa TV commercial na ang tambalang Enrique Gil at Julia Barretto. Ang Mirabella stars ang pinakabagong endorsers ng San Marino Corned Tuna.


Marami-rami na ring nagawang TV commercials si Julia Barretto.

At kahit full-time na ito sa pagiging artista at isa siya sa pinu-push ng ABS-CBN bilang lead star, iba pa ring excitement para sa kanya sa tuwing nilalapitan siya para mag-endorso na isang produkto.

Panimula ni Julia nung nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial nilang dalawa ni Enrique Gil sa isang studio sa Makati.

“Of course, I’m very grateful. It could have been anybody. It could have been a different pair."

Sina Julia at Enrique ang mga bagong celebrity endorsers ng San Marino Corned Tuna, at kasalukuyang napapanood ang kanilang TV commercial.

Sa pagpapatuloy ng dalagita, “And with the brand, they trust Quen and I, and coming from the past endorsers, it’s such an honor.”

WORKING AGAIN WITH QUEN. Para nga raw silang hindi nagtatrabaho nang ginawa nila ang TV commercial.

“It’s super fun, super, super fun, especially with Quen, I guess. Sabi ko nga, is this work?” natatawang sabi niya.

Inamin ni Julia na mahilig ito sa junk food, at ang pagkain ng healthy food, gaya ng tuna, ang isa sa mga natutunan niya mula sa Mirabella leading man.

“I learned it from Quen. Because on the set, this guy, he diets. And there are times na ginagamit niya sa diet.

“Sometimes kasi, his face is smaller than mine sa screen, hahaha! So, every time na may taping kami, I have to diet. I have to try what he does.

“Actually, parang one of the first few weeks that we worked together, yun na. And actually, we tried it first, at masarap siya 'tapos, good for the heart pa.”

Concious na rin ba siya sa pagkain niya?

“We don’t deprive ourselves naman pero kailangan talaga healthy foods.

“Actually, I really need to balance. I can’t eat just junk foods.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kapag sa work, I need energy, that’s the time when I eat junk foods.

“Kunwari, I have free days off, that’s when I diet, eat healthy kasi, parang wala namang gagawin, ‘di ba?”

FALLING FOR QUEN. Nagtugma ang sagot nila ni Enrique na ang pagiging "makulit" ang isa sa naging daan upang mapalapit sila sa isa't isa.

Ano ba ang unang impression niya kay Enrique?

“Actually, when I first see Quen, he really looks like a nice guy. I don’t say he’s not a nice guy.

"When you get to know him but, his physique says, good boy, and when you get to know him, he really is.

“Genuine siya and very nice, and he has this makulit side.”

Pareho rin ang naging sagot nila nang tanungin kung may posibilidad bang magustuhan nila ang isa’t-isa.

Sabi ni Julia, “Yeah, I think so.

“Pero it also comes to, you’ll never know if you don’t try. I’m like that din kasi. Unless you experience it yourself, unless you learned from it, you’ll never know.

“Of course, we have set some standards now but you’ll never really know until we’ve gone through the process or something like that.”

Kumusta ang loveteam nila ngayon ni Enrique?

“Some people, na-accept nila. Some people may not like it. Balanced. It’s just the way it is.”

Sanay na rin daw si Julia na hindi niya kayang i-please lahat, at alam din niyang may mga bashers at haters siya sa social media.

“Even before I entered the business, you have to be go-getter, accept the fact na there are some people talaga na you can’t please.

“I grew up with it, so, I’m not surprised,” saad na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN