RJ Padilla veers away from brother Daniel's image and career path

RJ Padilla explains why he wouldn't want to imitate his brother Daniel's look: “Para hindi kami i-compare. Kasi parehas naman naming mahal yung ginagawa namin saka nirerespeto namin yung isa’t isa.”


Kapatid niya sa ama ang male teen superstar na si Daniel Padilla, at alam ni RJ na hindi maiiwasang ikumpara siya dito.

Pero wala raw kaso ito sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay RJ noong June 11, sa taping ng Dading, “Hindi ho, hindi. Actually, madalas nga pag nakikita ako ng tao, kilala ho ako bilang kapatid ni Daniel Padilla.

"Nakakatuwa kasi kahit paano ho, nakikilala ako.

“Yun nga lang, hindi pumapasok yung pangalan ko pero the fact na blessing sa akin yun...

“Kasi maraming puwedeng pumalit sa trono ni Tito Robin [Padilla]. Actually, isa lang naman si Tito Robin.

"Si Daniel, iba yung itinayo niyang trono, e. 'Tapos kapatid ko pa mismo so malaking blessing sa akin si Daniel.”

Wala raw anumang inggit siyang nararamdaman para sa kapatid, “Wala ho, wala ho.”

At sinadya raw ibahin ni RJ ang image niya at career path kay Daniel.

“Para hindi kami i-compare. Kasi parehas naman naming mahal yung ginagawa namin saka nirerespeto namin yung isa’t isa.”

SHOWBIZ DREAMS. Dahil naunang pumasok sa showbiz si Daniel, ito ba ang nakapagpa-encourage kay RJ para mag-artista rin?

“Actually matagal ko na hong gusto, elementary pa lang ho ako nun, gusto ko na talagang mag-artista.

"Si Papa ho ayaw, gusto niya makapagtapos muna ako ng pag-aaral.

“Ang ending, hindi ko nasunod yung gusto ni Papa. Hindi ako pumapasok, ganito-ganyan and nagsawa si Papa.

“Sinabi ko sa kanya na, ‘Pa, ayoko na hong magsayang kayo ng pera, gusto ko na ho talagang mag-artista.’

“So ayun nag-audition po ako, dumating na ako sa punto na natutuwa naman siya sa kinakatayuan ko.”

Inamin ni RJ na noon ay nagbulakbol siya at hindi nagpapapasok sa eskuwela. Bad boy siya noong estudyante siya?

“Opo.”

Pero ngayon raw, pagdating sa trabaho ay seryoso na siya, “Professional po, seryoso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binabawi na raw niya ngayon, “Opo, sobra-sobra po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN