Comedian Pekto Nacua happy playing support roles: "...okay na ako na nandito lang sa ibaba."

IMAGE Allan Sancon

Nang tanungin kung saan mas magaling si Pekto Nacua—magpatawa o magpaiyak? Sagot ng komedyante, "Sinubukan ko nang magpaiyak, natatawa pa rin sila.”


Bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni Pekto Nacua ay isang kiddie party kasama ang mga bata sa Onesimo Bulilit Foundation na matatagpuan sa Quiapo, Manila.

Noong June 20, naganap ang party na pinamahalaan din ng GMA Artists Center sa Rizal Hall ng Quezon City Sports Club, at dito namin nakausap ang Kapuso comedian.

Panimula niya, “Masayang-masaya ako dahil masayang nangyari ito sa buong buhay ko.

"Siyempre hindi basta basta itong nangyayari sa isang artista e kasi yung ganitong pagkakataon, iba sa pakiramdam.

"So, I’m very happy na nakipag-celebrate silang lahat sa birthday namin nina Kevin at Chef Boy.”

Ipinagdiwang din sa party ang kaarawan nina Chef Boy Logro at Kevin Santos.

VIEW PHOTOS GMA Stars Pekto, Kevin Santos, Chef Boy Logro hold joint birthday party with streetchildren

GRATEFUL. Isa pa sa mga ipinagpapasalamat ni Pekto ay ang tuluy-tuloy niyang pagkakaroon ng project sa GMA.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niyang, “Siguro more or less, mga 15 years na rin [sa showbiz].

"Kasi I started behind the camera. Siguro yung nilagi ko sa behind camera, mga five years.

"Then bago ako nag-artista, medyo lumalabas na rin ako sa telebisyon.”


Partly, ang pagtatagal ng kanyang career, aniya, ay may kinalaman sa klase ng roles na ginagampanan niya.


“Siguro yung sa part ko na kadalasan ay support lang yung karakter na komedyante, nandiyan lang palagi.

"Dahil yung sinusuportahan namin, sila yung papalit-palit at iba-iba rin sila.

"Kami bilang support ay nandiyan lang sa oras na kailangan nila.

"Happy na ako na sumusuporta lang ako sa kanila.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi siya naghahangad na maging bida balang araw?


Ang tinuran ng birthday boy, “Happy na ako nangyayari sa career ko ngayon.

"Kasi baka pag naghangad pa ako ng mas malaki or mataas pa ay bigla akong bumulusok ako pababa," sabay tawa nang malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Pekto, "Kasi pag nandun ka na sa taas, mahirap nang bumalik sa ibaba, okay na ako na nandito lang sa ibaba."

BEING A COMEDIAN. Tinanong namin kung saan siya mas nahihirapan—magpatawa o magpaiyak?


“May mga comedian na natural comedian. Pag nagpatawa ka nang pilit, hindi effective, e.

"Sabi nila, natural comedian ako so mas madali sa 'kin magpatawa, kesa magpaiyak.

"Sinubukan ko nang magpaiyak, natatawa pa rin sila.”

Sabi nila, lapitin sa babae ang mga komedyante, totoo ba yun?


“Sa parte na 'yan, hindi ko alam, e. Siguro kasi feeling ko, ang gusto ng babae ay lagi lang silang happy, wala silang nararamdamang kalungkutan.

"That’s why, madali silang ma-fall in love.

"Sa akin naman, hindi ako nag-take advantage sa ganun. Ayaw ko rin namang mang-agrabyado ng tao."

Biro niyang pahabol, "Kung gusto nila, why not?"

Pangungulit namin: pero may babae na bang sobrang na-in love sa kanya dahil sa kanyang pagpapatawa?


“Wala naman yung tipong habol ng habol. Siguro...gusto lang nila ng companion na lagi silang masaya, happy lang.

"Ganun lang siguro yung gusto nilang mangyari.

"Pero yung sinasabi mong medyo malapit na sa relationship, hindi na talaga aabot sa ganung point. Friends-friends lang.”

Happily married si Pekto, at may apat na anak—three boys and one girl.


"Ang eldest ko ay 19 years old, second ko ay 16 years old, third is 11 years old, then yung youngest ko ay 11 months, baby girl.”

TURNING A YEAR OLDER. Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, ani Pekto, “Good health, saka sana humaba pa yung buhay namin, buhay ko, kaming mga comedian para makapagbigay pa kami ng kaligayahan sa mga fans.”

Ano ang birthday gift niya sa sarili?

“Ang regalo ko sa sarili ko ay makapagpahinga at bonding with my family," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN