Joshua Zamora and wife Jopay Paguia put off baby plans for next year

IMAGE Allan Sancon

Joshua Zamora says he is not an emotional person and did not believe when told it's the groom who ends up crying the hardest at weddings. "Pero totoo nga, nung kasal namin, hagulgol talaga,” he concedes.


Wala pang plano sina Joshua Zamora at Jopay Paguia na magkaanak pagkatapos silang ikasal noong June 6.

Sabi ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bago pa lang kami ikasal, yung process pa lang, sinabi namin na gusto naming i-enjoy ang isa’t isa muna.

"Kahit mga one year or six months yung pagiging couple namin na wala pang baby.

"Siyempre kapag may baby na, maiiba na lahat, totally.

"Yun yung sinasabi ko sa kanya pero, siyempre, kung mabuntis na siya, okey lang naman.

"Yung iba kasi ina-advice na, 'Bumuo na kayo, ganyan, you’re not getting any younger.' ‘Di ba?

"Kung makakabuo, why not? Kaya lang, gusto muna naming mag-enjoy."

ADJUSTMENT. Aminado si Joshua na nasa adjustment period pa sila ni Jopay bilang mag-asawa maski na magka-live in na sila dati.

Aniya, “Siyempre may mga konting adjustment… parang nanibago rin kami sa pagsasama namin.

"At least, ngayon, alam na namin ang role ng bawat isa.

"Siya, as wife, parang siya ang pinaka-manager ng bahay.

"Ako, talagang provider, ganyan-ganyan.

“Nararamdaman namin yung blessing, pakiramdam namin, e, 'eto, si Lord na mismo ‘yung umayos.

"Kumbaga, dumaan sa pruning and everything, 'tapos ngayon, sobrang saya ng pakiramdam.”

Ano ang na-discover nila sa isat isa sa pagsasama nila ngayon?

Sabi ng dancer-actor, “Since sobrang tagal na naming magkakilala kaya ang dali na naming nag-adjust sa isa’t isa.

"Kung dati madali kaming mag-away sa petty things, ngayon madali namin siyang i-patch up.

"Ayaw na namin yung dati, ma-pride, isa yun sa tinatanggal namin.

"Although meron pa ring maliit na bagay na pinagtatampuhan, hindi naman mawawala yun sa mag-asawa.

"Pero it’s character-building na rin namin sa isa't isa.

"Kasama yun sa vows namin kaya hindi namin bibitawan si Jesus Christ as the center of our relationship.

“Si Gary [Valenciano], yun din ang ina-advice sa amin. Imagine, ilang taon na silang married ni Ms. Angeli [Pangilinan-Valenciano].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, [kundi kay] Christ matagal na rin daw sila dapat nagkahiwalay.”

Dagdag pa ni Joshua, “Christian wedding kami, pareho kami sa Victory Christian Fellowship, sa Greenhills.

"Si Pastor Tito Almati, siya ang nag-officiate ng wedding namin, kasi parang tatay-tatayan namin siya, advisor namin, mentor and everything.”

OBSTACLES. Masaya rin silang mag-asawa na nalampasan nila ang pinagdaanang hiwalayan nila noong 2010 pagkatapos ng pitong taong relasyon.

Saad ni Joshua, “Kaya yung ceremony namin, very intimate, naging very emotional lahat, kasi siguro dahil sa pinagdaanan namin.

"Nung time na engaged kami, wala akong plano na… although may date, wala pa akong ipon and everything.

"Parang nandun nga ako nakasandal na gusto ko lang dumating sa next level, which was ma-engage na kami.

"Parang hanggang doon na lang, wala akong iniisip na wedding noon.

“Hanggang sa dumating sa nagkaroon na kami… may date na kami, sini-set na namin kung sino ang mga dapat i-involve dito.

“Ine-expect niya na ako na ang lahat gagawa nung ganoon, which was tama naman.

"So, parang dumating sa time na na-pressure naman ako, kumbaga, wala akong ipon.

"Hindi pa ako ready, doon kami nakahiwalay.

“Sinabi ko sa kaya yun, kumbaga, naiisip ko yung nangyari sa akin nung una.

"Kasal ako nung una, civil lang, matagal nang ayos yun, pero wala kaming church wedding.

“Ngayon lang din ako ikinasal. First time lang din lahat ng nangyari.”

Ano ang feeling?

“Wala, iba nga talaga yung feeling, ‘no?

"Sabi nila nung prenup photo shoot namin, ‘Alam mo sino ang iyakin kapag kinakasal na? Yung lalaki.’

"E ako, hindi ako naniniwala. Sabi ko, 'Kapag yung mga taping, hirap na hirap akong umiyak.'

"Hindi ako iyakin kasi hindi ako emosyonal na tao.

"Pero totoo nga, nung kasal namin, hagulgol talaga."



SEPARATION. Paano sila nagkabalikan ni Jopay?

Kuwento ni Joshua, “Nung time na yun, kaguluhan ng utak namin niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nangyari nagkahiwalay kami pero since isa lang ang circle of friends namin from the church, from showbiz, nagkikita-kita naman kami.

“Walang ilangan, kasi sa relationship namin, naging magkaibigan kami kaya minsan magkasabay kami sa trabaho.

"May show na kaming dalawa yung kinukuha pa rin, kaya kapag natanong nila, ‘Uy, puwede ba kayong mag-show pareho?’

‘Yeah,’ sabi namin, 'walang problema.' Yung iba, akala nila kami pa rin.”

Kailan niya na-realize na si Jopay pa rin ang babae para sa kanya?

Sabi ni Joshua, “Ang kwento niyan, e, may nanliligaw sa kanya, mga bandang 2012, foreigner… Norway.

"Norwegian! Salmon, pink salmon, guwapo, chef daw yun.

"'Tapos humihingi siya [Jopay] ng advice sa akin.

"Ako naman, nag-a-advice ako, ‘Naku, unang-una, magkaiba kayo ng lahi, may cultural differences.’

"So, lumalaro sa utak ko yung, 'Sa kanya [Norwegian] siya mapupunta?'

“Kasi magkaiba ng culture, magkaiba ng paniniwala, parang feeling ko e baka pabayaan lang din ‘to.

"Siyempre ako, bilang lalaki, alam ko ang motibo ng lalaki kapag gusto kang ligawan, may gustong kunin sa ‘yo.

"Hindi ko inisip na bibigay siya kasi galing na ako sa mundo na ‘yan… tingin ng isang Christian and a non-Christian.

"Sobrang alam ko na na yung mundo na ‘yan [na] kapag hindi ka Kristiyano, ganito ang perspective mo sa buhay.

“Ako, nung naging Christian ako, naging iba ang perspective ko, doon ko naisip yung kailangan pala ikasal na kami.

"After noong engagement, matagal na pala yung one year, dapat ikasal na.

"Kumbaga, very intentional ka, very deliberate ka sa ginagawa mo, may plano ka na.

“Hindi ko mapiktyur sa sarili ko na mapupunta siya doon sa isang guy na ang plano siguro ligawan siya, then pakasalan siya, but after a while hihiwalayan din."



JEALOUS. Ayon pa kay Joshua, 26 years old daw yung chef at 30 naman si Jopay noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko i-judge, mas bata kasi sa kanya.

At dahil chef nga ang suitor ni Jopay, "Siyempre pakakainin ka niyan… masasarap lagi."

Kaya naman daw siya, "Yung utak ko medyo bombarded at that time,” at tinatanong daw niya ang sarili, "Selos kaya ‘to?"

Pero ayon pa kay Joshua, "That time na alam ko na may suitor siya na foreigner… ako pa ang nagsabi sa kanya, 'Okey lang na magkaroon ka na, basta sabihin mo lang sa akin. Sana mapakilala mo ako,' ganyan.

"Siyempre, ayaw ko nung kung sinu-sino lang. Open ako noon, alam niya yun."

Sa parte naman niya ay wala raw siyang naging nakarelasyon nang mag-break sila ni Jopay.

“Ay, wala, wala talaga.

"May dinate lang ako one time, pero mapilit lang kasi, non-showbiz‘yung babae."



RECONCILIATION. Ano ang nangyari sa attempt niya na balikan si Jopay?

Lahad ni Joshua, "May dumating na isang party ng theater production ko, siyempre invited din siya dahil umaarte rin siya sa production noon.

"Hinaranahan ko ‘to, December 2012, kasama sa program ko na may kanta-kanta ako.

"Kinanta ko sa kanya, ang song ko pa nga, e, 'Maybe this time… two old friends,’ sabi ni Joshua habang inaawit ang lyrics.

“Nauna pa kami kina Sarah [Geronimo] at Coco [Martin].

“So, kinanta ko yun, nagbigay ako ng flowers, so feeling ko napakilig ko siya.

"'Tapos nagpa-edit pa ako ng video noon ng mga pictures namin… reminiscing!

“'Tapos hindi niya tinanggap, feeling niya naka-move on na siya, may nanliligaw.

"Ako naman, ni-respect ko, baka nga naman hindi pa siya ready talaga.

“Masakit, pero ako naman kasi, medyo nire-ready ko na ang sarili ko.

"Kung tanggapin ako, okey. Kapag hindi, wala.

"Bonus na lang kapag tinanggap ako.

“So, dumaan yung Pasko at Bagong Taon, hindi kami magkasama.

"Birthday niya nung January, magkasama na naman kami dahil churchmates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang dumating yung June, July, tinanggap na niya ako, 2013 na yun, siguro after six months.

"Sinabi ko sa kanya na na-realize ko nga na mahal ko pa rin siya, ayokong mapunta siya sa iba.

"Ako rin, ganoon din ang inisip ko [na baka] mapunta ako sa ibang babae.

"Mag-a-adjust na naman ang anak ko, mag-a-adjust na naman ang pamilya namin, sobrang back to zero, kaya itinuloy ko na lang.

“'Tapos sabi ko, kapag nagkabalikan kami, wala na akong ibang motibo kundi kasalan.

"Ano pa ang pupuntahan ng relasyon namin, ‘di ba?

“'Tapos nung mga bandang October, sabi niya, 'Paano tayo ikakasal, e, disengaged nga tayo.'

"Sabi ko, ‘A, yun lang ba ng problema?' Ibinalik ko nang kaswal yung singsing na isinoli niya sa akin nung nag-break kami.

“Sabi niya, ‘Bigay ko na sa ‘yo ‘to, ibigay mo na lang sa susunod mong girlfriend.’

"Malabo 'ata yun, siyempre siya rin ang maaalala ko kapag suot [ng iba] yung singsing, ‘di ba?

“Kasi ako, kapag may ibinigay ako, ayoko nang isinosoli sa akin.

"Pero yun nga, ibinalik niya e ako naman, itinago ko lang.”


DIVINE INTERVENTION? Hindi ba niya naisip na baka may ibig sabihin din yun?

“Oo nga, parang waiting period lang… kumbaga, in-impress din ni Lord sa amin na hindi yung relationship namin ang buhay sa aming dalawa kundi yung relationship namin kay Lord.

"Kinuha ko yung singsing sa bahay, nandoon lang, e. Sabi ko, 'Sandali lang, kukunin ko.'

“Tinanggap naman niya, mga October or towards the end of 2013.

"So nung December, nasa church kami, biglang may in-announce na, ‘O, may wedding preparations ngayong January.'

"Three sessions, parang seminar.

"Sabi ko sa kanya, ‘Uy, mag-register na tayo diyan.' Parang gulat na gulat si Jopay, totoo na ‘to.

“So, nag-register ako and January, nag-seminar kami.

"Doon na nabuo yung plano namin na eto na yung date, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung date na kinuha namin, April, para three months lang ang preparation.

"Biglang meron akong mission trip sa May na matagal na yun, last year pa.

"So in-advice ng pastor namin na, 'Pangit naman na ikasal kayo ng April, 'tapos aalis ka ng May mag-isa, hindi kayo magkasama.'

“Kasi ina-advice nila laging magkasama ang mag-asawa, so ginawa namin June.

"Pag-uwi, sakto, ikakasal na.

"Exact date, June 6, sakto yung date sa birthday ng mommy ko naman na nasa [Las] Vegas.

"Kumbaga, nagkadugtong-dugtong.”



REALIZATION. Sabi pa ni Josuha, ibang experience din yung wedding preparation nila.

"Very stressful pala!" bulalas niya.

"Akala ko, enough na yung naipondong pera. 'O, eto yung naipon ko, bahala ka na diyan.' Hindi pala ganoon.

“Nung time kasi na magkahiwalay kami, nag-iipon na rin ako. Hindi man siya ang makatuluyan ko, at least may ipon.

"Dapat pala ganoon, kapag lalaki ka, may career ka, professional ka, ipon ka na.

"Kasi nga, nag-girlfriend ka na, dapat intentional ka, alam mo na ang kasunod noon.

"Yun ang natutunan namin sa church, hindi puwedeng palikero ka lang."

Nasa bilang na 17 ang godparents sa kanilang kasal at dito pa lang daw ay malaking bagay na kay Joshua.

Ayon sa kanya, “Kasi, as a groom, ako yung unang lumabas, 'tapos paglabas ko, nakita ko agad yung mga principal sponsors namin.

"Parang naging emotional na agad ako, mga high-profile yung kinuha namin.

"Yung presence pa lang nila, naramdaman ko na there’s something na for me.

"Overwhelming yung pakiramdam na ibang klase pala ‘to.

“Totoo na pala ‘to, hindi na taping nung kinakamayan ko sila isa-isa, very grateful, sobrang thank you.

“Talagang natuwa ako kasi nandoon si Sir Gary [Valenciano], Senator JV [Ejercito]... nandoon sila, nagulat kami talaga.

“May mga absent, si Tita Coney [Reyes], wala, pero naramdaman namin yung support niya sa amin, kasi ka-churchmate namin siya at bliness niya kami bago pa ng wedding namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya makakapunta kasi may work siya that time pero talagang looking forward siya na maging godparent.

“Sa amin kasi, nung kinuha namin yung mga ninang at ninong namin, ayaw namin na, ‘Uy, malaki pakimkim niyan,’ ayaw namin ng ganoon.

"Para sa amin talaga, yung tipong malalapitan mo sila anytime, a text away kapag kailangang i-meet mo sila.

"Yung talagang very open ang door nila para sila sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN