Why it's not yet the right time for Alex Gonzaga to have a boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Excited si Alex Gonzaga dahil sa September 2014 na ang target launch ng kanyang libro para “sa heartbroken people and love advice especially for teens.”


Very proud na ibinalita ni Alex Gonzaga na meron siyang ginagawang libro.

Binanggit niya ito sa presscon ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Pure Love, noong June 26.

Bungad ng dalaga, “Totoo yun. [It's] about the journey in finding the one. Nasimulan ko na siya.

"Masarap magsulat. Ano ‘to, libro talaga na bubuksan mo, babasahin.

"Kasi noong bata pa lang ako, mahilig na akong magbigay ng unsolicited advice, mga advice sa lovelife.

"Interesado ako sa ganyan. 'Tapos basa ako nang basa, mga ganyan."

Kaya nga nung nag Pinoy Big Brother house siya, nagmistulang adviser siya ng mga housemates.

“Yes," pag-ayon ng kapatid ni Toni.

"'Tapos nakikinig sila sa 'kin. Sabi ko, ‘Uy, nakikinig sila sa akin, baka may katuturan ang mga sinasabi ko.’

“Bata pa lang ako, mahilig na ako mag-advise. Minsan ina-advisan ko ang Ate ko.

"Akala mo naman, pero sabi niya, may sense ang mga sinasabi ko.”

Dahil dito, naisipan niyang magkaroon ng libro, at ipinaalam niya ang kanyang plano sa lady boss ng Star Magic na si Mariole Alberto.

"...okey naman siya kaya ito, bigla akong gumagawa ng book,” ang kuwento ni Alex.

Para kanino yung book?

“Sa heartbroken people and love advice especially for teens.”

Gaya rin ba ng kuwelang personality niya ang magiging tone ng book.

“Noong bata kasi ako gusto ko na mag-advise-advise, so, parang ang sarap ng feeling na ito na talaga ng gusto ko.

"'Tapos sabi nila, make it fun, your book.

"Sabi ko talaga sa kanila, ‘No, I want my book not entertaining but helpful.’ O, ‘di ba?”

Mahilig ba siya magbasa ng libro? Ano ang type ng books ang binabasa niya?

“Hindi ako mahilig magbasa, haha. Pero mahilig ako mag-advise. So, ang mangyayari rito, lalo na sa mga taong ayaw magbasa, so makukuha nila.

"Ita-try namin na kahit hindi ka mahilig magbasa, maka-catch ang attention mo. So sana talaga, mag-start na kami nana matapos na ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan ang launch ng book niya?

"Ah, ano, mamaya dapat," biro ni Alex.

Dugtong niya, “Baka September po talaga, 2014.”

Sa ngayon, wala pa raw silang working title.

NO-BOYFRIEND RULE? Gaya rin ba siya ni Sarah Geronimo na bawal munang magkaroon ng manliligaw o boyfriend?

“Ang Mommy ko, kapag may pinakilala ka sa kanya at sinabi niya na ayaw niya ‘yan, huwag mo nang ituloy.

"Kasi kapag ayaw, kahit ano’ng gawin mo, walang mangyayari.”

Meron na ba siyang naging boyfriend noon na ayaw ni Mommy Pinty?

“Nagustuhan, pero dahil ayaw niya, ayaw din ng Ate ko, so wala rin. ‘Hmmm, ayaw sa ‘yo, huwag na nga lang,’ ganoon. No choice.

"The choice is not mine.”

Kailan siya puwedeng makipag-boyfriend?

“All in God’s time. ‘Yan ang sinasabi ko talaga.

“E, nasa book ko ‘yan. Kais parang tayong mga babae, lagi tayong nagmamadali. Ay, kailangan na, kasi ito na yung edad.

“Doon sa mga naging experience natin sa ibang nanligaw sa atin or sa mga naka-date natin, hindi natin ina-ano yung ano natin, hindi natin pinag-aaralan kung ano yung nangyari at bakit ganoon?

“Baka hindi talaga meant, ganyan. So, I’m giving myself time to really focus on myself.

“Sabi nga ni Beyonce, 'You have to have a life before you become somebody’s wife,'” pagtatapos ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN