Ellen Adarna shrugs off "sex goddess" tag

IMAGE Noel Orsal

Ellen Adarna on how working out gave her self-confidence: “Honestly, before noong mataba ako, wala akong ipapakita, nahihiya ako. It’s only when I started working out... my body changed and the way I think about my body changed. So, wala… I’m getting more and more comfortable every year.”


Seksing-seksi si Ellen Adarna sa ginanap na launching niya bilang pinakabagong endorser ng Bench Body noong July 14 sa mismong basement ng Bench Tower sa The Fort, Taguig City.

At dahil kilalang gym addict si Ellen, isang boxing ring ang ginawang stage design para sa kanyang launch.

Katulad ng ibang artista, pinangarap din daw ni Ellen na maging isang Bench celebrity endorser.

“Of course,” nakangiting sabi ni Ellen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people.

Masasabi ba niyang kapag napasama na siya sa mga celebrity endorsers ng Bench nakarating na siya sa tugatog ng tagumpay?

Sagot niya, “E, kasi naman, lahat ng malalaking artista, parte ng Bench, ‘di ba? So, to be part of the line-up, parang it’s an honor, ‘di ba?”

Posible rin naman na may ibang maninira sa kanya at may maiinggit na kasama na nga siya sa hanay ng mga Bench endorsers.

Puwede ring may pumintas sa kanya.

Sabi naman ni Ellen, “People will always have something to say. Even nga family member mo, nilalait ka, how much more yung iba?

“Kung yung pamilya nga nagsisisiraan, how much more pa yung hindi pamilya?”

STARTING YOUNG. Sa ipinakitang kaseksihan ni Ellen sa launching, wala pa raw siyang ginawang preparasyon para dito at hindi rin daw siya nakakapag-exercise dahil sa taping niya para sa bagong serye niyang Moon of Desire.

Sabi niya, “Dahil sa taping, wala akong exercise, kain lang ako nang kain. Siguro ngayon, nag-diet lang ako nang konti for the last three days.”

Pero pitong taong gulang pa lang naman daw siya ay nakahiligan na niya ang sports.

“Nagdyi-gymnastics ako, volleyball, soccer, baseball. Nag-karate ako once, pero hindi ako pumasa sa white belt,” natawa niyang sabi.

Ano ang pinakaseksing bahagi ng katawan niya?

“For me, my skin. Kasi, yun ang palaging sinasabi ng mga tao, maganda raw ang balat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, wala akong nilalagay. Nagmana lang ako sa mommy ko. Ever since before, wala akong problema sa balat ko.

“Kahit na mura lang na make-up ang ginagamit ko, hindi ako nagkaka-problem, hindi ako nagkaka-pimples,” pagmamalaki niya.

INSPIRING CONFIDENCE. Kahit na naka-Bench Body underwear lang siya sa video at pictorial niya, makikita na may kumpiyansa at confident siya sa suot niya.

“Honestly, before noong mataba ako, wala akong ipapakita, nahihiya ako.

“It’s only when I started working out... my body changed and the way I think about my body changed. So, wala... I’m getting more and more comfortable every year,” lahad niya.

Hanggang saan ang limitasyon niya lalo na sa mga tagahanga niyang kalalakihan?

Aniya, “So far naman, wala pa akong experience na any guy na binastos ako or anything. For now, wala pa naman akong problema.

“Huwag lang mang-maniac, I guess. I mean, you can look, but you can’t touch.”

SEX GODDESS? Sa palagay niya, “women empowerment” pa rin ba na may maganda siyang pangangatawan dahil sa sports and exercise?

“I guess for me, but others don’t think of me that way,” nakangiting lahad niya.

May pagka-sex goddess ba ang tingin sa kanya ng tao?

“Hindi ko alam kasi, hindi ko rin—well, I don’t really think about it.

“Kung may photo shoot, okey lang na sexy or kung may scene na sexy, I’m just here to do it and finish it, para matapos na. I mean, it’s just a job for me,” patuloy pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN