Luke Jickain tempers his acting with East-West influences

IMAGE Noel Orsal

Luke Jickain on the difference between acting school in the U.S. and in the Philippines: “Magkaiba sila. Parang pag nakita at napanood mo si Keanu Reeves, parang blanko lang, walang emosyon, 'di tulad dito sa Pilipinas kailangan mas expressive na mas gusto ko.”


Ikinuwento ni Luke Jickain sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papaano siya nadiskubre at nagsimula bilang modelo.

Ayon kay Luke, “I started as a model at the age of 16 for print, ramp and TV commercials.

“Bale habang nagdya-jogging ako diyan sa Amoranto [Stadium in Quezon City], may nagpatabi sa akin.

“Sabi sa akin, 'Puwede ka bang tumabi?'

“Sabi ko, 'Bakit naman?' E, yun pala nagsu-shoot sila ng Milo commercial.

“So pagkatabi ko may lumapit sa akin, may binigay na calling card, parang the usual, yung para bang may lalapit sa 'yo, magbibigay ng calling card at aalukin ka.

“Yung nagbigay sa akin yung caster, sabi niya i-try ko raw maging model, magcasting-casting.

“So luckily yung first casting ko nakuha ako kaagad.

“And it's for a fashion show at NBC Tent, so yung first show ko big show agad.

“After that dire-diretso na, so mas payag ang parents ko sa modeling, kasi nagagawa ko siya on the weekend.

“Ang ayaw lang kasi nila yung masasagasaan yung school, yung klase.

“E, hindi nila alam iskul bukol din ako, bulakbolero. Hahaha!

“So sayang nga na nasimulan ko na sana yung pag-aartista nang maaga. Kaso first, tumitira ako sa parents ko so kailangan ko silang sundin.

“Bata pa ako gusto ko na talagang mag-artista, mga panahong Back to the Future.

“Kasi gustong-gusto ko talaga noon si Michael J. Fox, kasi may skateboard kasi ako noong bata pa ako. E, 'di ba nag-skateboard sa Back to the Future si Michael J Fox?

“Yun nga lang yung mom at dad ko mas gusto nilang mag-aral muna ako.

“Pero kung alam ko lang na mag-aartista rin ako, 'di dapat bata pa lang ako nag-artista na ako.

“At saka mas maganda kasing training na bata ka pa lang nag-artista ka na para second nature mo na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ BEGINNINGS. Ibinahagi rin ni Luke kung papaano siya nagsimulang mag-artista.

Patuloy pa niya, “Matigas talaga ang ulo ko noon. Naalala ko nung kahit may klase ako nag-a-absent ako para magpunta sa mga audition, so naalala ko nag-audition ako for Marina, nag-absent ako for my class.

“Siguro mga 19 or 20 years old pa lang ako noon.

“Tapos masuwerte naman na natanggap ako, pasok kaagad. Bale isa ako sa love interest ni Claudine [Barretto].

“Kaso napansin ng parents ko na nasa TV ako, napanood nila.

“Na-disappoint sila, nagalit... pinapahinto nila ako kasi hindi nga ako nakakapasok sa eskuwela kasi nagti-taping kami ng three times a week, tapos sa Batangas pa.

“Pero dahil matigas ang ulo ko hindi nila ako kaagad napahinto. Napapansin nila na hindi na nagiging maganda ang standing ko sa klase kaya kinausap na nila ako at pinahinto.

“Sabi ng parents ko kung titira ka sa amin, sundin mo yung rules namin. Kaya no choice, apektado na studies ko kaya nag-stop ako kahit na gusto ko [ang acting].

“Tapos back to modeling na lang ako, pero after ko grumadweyt ng college sa San Beda kung saan kumuha ako ng marketing.

“Pero gusto kasi ng magulang ko maging abogado ako e, pero hindi nga nangyari.

“First choice ko sana UP Theater para acting din, kaya lang yung magulang ko gusto talagang maging abogado ako.”

Dagdag pa ni Luke, “Actually, after ng exams ko sa college, bumili ako ng ticket sa States [U.S.] kasi yung family ng mother ko taga-New York so nag-apply ako sa acting school for two years [at the New York Acting School for Film and TV].

“Nagkataon na rin na hindi ako nagbabayad ng rent kasi meron akong lolo, dun siya nakatira, meron siyang stock room na ginawa niyang isang room para sa akin, sobrang bait niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya simula noon inangkin ko na yung room.

“Tuwing nag-aaral ako doon, doon ako tumitira."

ACTING WORKSHOPS IN NEW YORK. Para raw mas gumaling pa siya sa pag-arte ay nag-aral si Luke ng dalawang taon sa New York Acting School for Film and TV.

Sabi pa niya, “Kaya naman ako nag-aral ng acting sa New York, for experience na rin kasi gusto ko nga mag-artista.

“Bale ituturo nila sa inyo yung basic acting, kumbaga nasa sa 'yo yun kung pagbubutihin mo o isasadibdib mo.

“Tapos, pagkalapag na pagkalapag ko ng Pilipinas, may friend ako na nagsabi na mag-artista na raw ako.

“Tapos kinuha niya ako for an indie film, ito yung Fling.

“Bale yun ang first indie film ko, tapos kinuha niya rin ako for a music video ni Lara Morena.

“Tapos yun after that nagkasunud-sunod na, tuluyang pumasok na talaga ako sa acting.”

WORKSHOPS IN MANILA. Pagkatapos ng dalawang taong workshops sa U.S. ay nag-workshop din si Luke sa Pilipinas for 1 ½ years.

Pag-amin niya, “Oo, sa Star Magic nag-workshop ako sa kanila ng acting ng about one year and six months.

“Kasi every time na nag-a-audition ako, hindi nila ma-gets yung acting ko, kasi ginagamit ko yung natutunan ko sa New York.

“Kaya inisip ko na iba yung acting dito sa atin at sa New York, kaya naman I decided na mag-workshop sa Star Magic.”

Ibinahagi rin ni Luke ang pagkakaiba ng workshop sa U.S. at sa Pilipinas.

Paliwanag niya, “Magkaiba sila. Parang pag nakita at napanood mo si Keanu Reeves, parang blanko lang walang emosyon, 'di tulad dito sa Pilipinas kailangan mas expressive na mas gusto ko.

“Kasi sa States patay ang acting, e. Kaya ayun nga parang more on culturing things for me.

“Kaya feeling ko kulang yung natutunan ko dun for two years, kaya nag-aral ako ulit ng acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos pinag-combine ko na lang yung natutunan ko sa Amerika at sa Pilipinas, pero mas angat at mas nagagamit ko pa rin yung natutunan ko sa Pilipinas.

“'Tsaka nag one-on-one workshop din ako kay Ms. Vangie Labalan. Ang galing-galing niya.

“Siya yung tumuwid ng acting ko, siya yung nag-combine ng natutunan ko sa Amerika at Pilipinas.

“Sabi niya sa akin, “Luke, hindi sa lahat ng eksena patay. Kasi yung ibang eksena mataas ka, so hanapin mo yung balance na yun, so yun ang ginawa ko.

“Yun yung nagamit ko sa Imortal kung saan kinuha ako ni Direk Jerry Sineneng at ginawa niya akong isa sa mga male vampires at after nun, inalok ako ng TV5 for Boracay Bodies.

“Bale pinapunta nila ako sa TV5, kinunan nila ako ng video tapos after a week nakakuha ako ng text na kasama ako and after nun, nagkasunud-sunod na yung projects ko sa TV5.

“Nag-Misibis Bay ako, Madam Chairman tapos Beki Boxer.

“Sa Beki Boxer, ako si Dyango na bad na boxer na in the end, kumidnap sa pamilya ni Rocky.”

ATHLETIC PURSUITS. Bukod sa pagmomodelo at pag-aartista ay isa ring athlete si Luke kunsaan isa siya sa miyembro ng Pilipinas Aguilas flag football team.

Flag football, according to merriam-webster.com, is "a form of American football in which the player with the ball is not tackled but instead must stop when another player removes a piece of cloth that is attached to the player's waist."

“Bale busy ako sa flag football. Nagri-rigid training ako. Yung flag football, yun yung pinapasa yung bola na oblong.

“So nagti-training ako tatlong beses sa isang linggo, drills and flag football itself, hindi lang masyadong halata.

“Tapos lalaban kami sa international [competition] sa November 13 to 19 sa Phuket, Thailand.

“Tapos kapag nanalo kami sa Asia, magku-compete kami next year towards summer sa Stockholm, Sweden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pangalan ng Team namin Aguilas, meron kaming tatlong divisions – yung Beach Division, All-Male at Coed Division.

“Bale nagti-training ako sa All-Male, Coed at sa Beach Division.

“Kaya naman two times a week kailangan naming pumunta ng beach para maglaro ng beach football,” pagtatapos ni Luke.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN