Sarah Geronimo on what makes a person beautiful

IMAGE Noel Orsal

Sarah Geronimo, this year's Most Beautiful Star of YES! magazine, says having peace in one's heart makes a person beautiful.


Hindi raw makapaniwala si Sarah Geronimo nang tawagan siya ng YES! magazine upang ipaalam na siya ang nangunguna sa listahan ng "100 Most Beautiful Stars" sa taong ito.



"The first time I heard about it nagulat ako. Talagang sabi ko, 'Totoo ba 'yan, nahihiya naman ako,'" sabay halakhak ni Sarah noong July 29, ang press launch ng naturang special issue, sa The Elements Centris, Quezon Avenue, Quezon City.

"Hindi lang one of the most beautiful stars kundi yung most talaga. Kumbaga in-acknowledge talaga ang kabuuan ng isang tao, naming lahat, hindi lang yung beauty na pisikal kundi kung ano yung na-i-offer namin sa industriyang ito," sabi ni Sarah.



BEAUTY SECRET. Nang tanungin naman ng host na si Iya Villania kung paano niya ilalarawan ang isang taong beautiful, ani Sarah,
"Pagka meron siyang peace sa puso niya, pagmamahal, at genuine na happiness, contentment..."

Dugtong niya, "Alam niya kung ano ang strengths niya at alam din kung ano weaknesses niya.

"Kaya dapat mag-focus siya kung ano ang strengths niya kasi yun yung talagang ibubuhat mo kung ano ang meron ka na wala ang iba."



Magsisimula raw ang lahat sa kalooban ng isang tao.

"Kasi kapag may goodness ang heart mo, pag may pagmamahal ka sa Panginoon, everything follows.

"Kung ano ang lumalabas sa bibig mo, kung ano lumalabas sa mata mo, sa kilos mo, nagiging maganda lahat.


VIEW PHOTOS Sarah Geronimo tops this year’s YES! 100 Most Beautiful

VIEW VIDEO Sarah Geronimo tops YES! 100 Most Beautiful Stars 2014

VIEW PHOTOS Sarah Geronimo tops this year’s YES! 100 Most Beautiful

Read more at: http://www.pep.ph/news/44352/sarah-geronimo-kailangan-matuto-na-akong-magdesisyon-para-sa-sarili-ko
Follow Us: @PEPalerts on Twitter | PEPalerts on Facebook


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN