Iglesia ni Cristo Centennial: Celebration, politics, Ang Sugo

IMAGE William Reyes

Ang hudyat ng centennial celebration ng Iglesia ni Cristo ay ginanap sa Philippine Arena, ang "largest mix-use indoor theater" ayon sa Guinness Book of Records. Ito ay may 55,000 seating capacity.


Halos dalawang milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang nagtipun-tipon noong July 27, 2014, para sa selebrasyon ng ika-100 taon ng relihiyong itinatag ni Felix Y. Manalo na opisyal na naipatala sa Pilipinas noong July 27, 1914.

Dumagsa ang mga kaanib sa Philippine Arena, isang indoor theater na may 55,000 seating capacity, at ang katabing Philippine stadium, na may seating capacity na 20,000 to 25,000. Ang dalawang bagong structures na ipinatayo ng INC ay matatagpuan sa Ciudad de Victoria complex, Bocaue, Bulacan.

Ang tanging Pagsamba, na nagsimula ng alas siyete ng umaga, ay pinamahalaan ni Brother Eduardo V. Manalo, INC executive minister.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal sa spokesperson na si Edwil Zabala,"Very conservative estimate ang 1.5 million [attendees]."

Pahayag pa niya, "450,000 came, as of 8 p.m. last night [July 26], na marami pang nagdadatingan, kaya grabe pa ang traffic.

"Meron din kaming in-entertain pa na mga delegates from outside the country, na natagalan sila sa pagbibiyahe."

Sa ngayon, ayon sa nabanggit sa mismong pagsamba, ang Iglesia Ni Cristo ay nasa 102 countries at territories sa buong mundo.

Mahigit sa isandaang lahi ang membership ng sekta, at nasa milyon na ang kabuuang miyembro ng INC, bilang isang homegrown religious sect.

Naging magandang balita rin para sa Iglesia Ni Cristo members ang pagkakasali sa Guinness Book of World Records ng Philippine Arena bilang "largest mix-use indoor theater."

Ang INC Choir na umawit sa Pagsamba naman ay "largest gospel choir" na may 4,745 members, ayon sa Guinness adjudicator.

Ang announcement tungkol sa bagong Guinness Records na naitala ng INC ay ginawa matapos ipinalabas ang Oratorio, isang sacred musical tungkol sa pagkakatatag ni Ka Felix ng INC hanggang sa pagpapasa niya ng pamamahala sa anak na si Brother Eraño G. Manalo o Ka Erdy.

Si Ka Erdy naman ang siya namang nagpasa ng kataas-taasang tungkulin kay Ka Eduardo Manalo, ang kasalukuyang pangkalahatang tagapamahala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago namayapa si Ka Erdy noong August 31, 2009, plinano nito ang ang construction ng Philippine Arena at iba pang structures, kabilang ang hindi pa tapos na Philippine Sports Center, sa loob ng Ciudad de Victoria.

"Matagal nang may plano ang kapatid na Eraño Manalo na magkaroon ng malaking lugar na maaaring magamit ng Iglesia Ni Cristo, para sa mga pagdiriwang na katulad nito," pahayag ni Zabala.

"Kinikilala naming lahat na ito'y gawa ng Diyos.

"At sinasampalatayanan namin na ang lahat ng nangyari sa Iglesia Ni Cristo sa loob ng isang daang taon, sa pag-iral nito, ay gawa o regalo ng Panginoong Diyos.

"Ang nais naming sabihin sa makakabalita na maaaring hindi Iglesia ni Cristo ay Ang Panginoong Diyos natin ay napakabuti at walang kasing bait.

"Na kung lahat tayo ay makakapagpasya na sumunod sa Kanya, bigyan siya ng kaluguran, yung pagpapala ay hindi Niya ipagdaramot sa kahit na sino, na gustong tumanggap noon."

Pahayag pa ni Zabala, "Karamihan ng Iglesia Ni Cristo, nandito [sa bansa] at marami ding nakalatag na sa labas ng Pilipinas.

"Karamihan, mga karaniwang tao lang din.

"Pero siguro naman, kayo mismo ang makakapagpatotoo, hindi naman kami ginawang aba ng Ama sa loob ng 100 taon.

"Na nanindigan ang Iglesia Ni Cristo na maglingkod sa Panginoong Diyos."

POLITICS. Marami ring katanungan hinggil sa pulitika at ang kaugnayan nito sa INC bilang isang relihiyon ang sinagot ni Zabala.

Citing the presence of many politicians, led by President Noynoy Aquino, during the inauguration rites of the Philippine Arena on July 21, tinanong si Zabala tungkol sa papel ng pulitika sa 100-year-old church.

"Palagay ko, sila po ang higit na makakasagot sa katanungang 'yan."

Sa 2015, magsisimula na rin ang campaign period para sa 2016 national elections. May mga plano na ba tungkol sa magiging prayoridad ng Iglesia Ni Cristo?

Ani Zabala, Palagay ko, una, I wouldn't know the answer to the question. Hindi ako kasali sa usapang 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero isang bagay ang natitiyak ko: ang purpose ngayon ng Iglesia Ni Cristo ay sa Centennial celebration.

"At ang Centennial celebration ay nagsisimula pa lang sa araw na ito.

"Ang sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo ay hindi nagtatapos ngayong July 27, 2014. Aabot ito hanggang June of 2015. One whole year.

"So, marami pang announcements na hinihintay namin mula sa namamahala ng Iglesia ukol doon sa mga plano pa nila, para lalo pang paigtingin ang Iglesia Ni Cristo."

May mga pulitiko na bang nagpapahayag ng hangaring masuportahan sila ng kabuuan ng INC?

"Again, I would be misleading if I were to say 'yes'. Personally, hindi ko talaga alam."

Sa mismong centennial celebration noong July 27, kapansin-pansin naman ang hindi pagdalo ng mga kilalang pulitiko. Hindi kaya sila naimbitahan o na-encourage para dumalo sa tanging Pagsamba?

"I wouldn't say na hindi sila in-encourage pero, well, we simply explained.

"Gano'n din naman nung a beinte uno, e. Kasi hindi namin maitago yung aArena, nadadaanan nila sa NLEX, e.

"Maraming nag-i-inquire nung malamang sa Iglesia Ni Cristo ito.

"So sinabi sa kanila yung mga kaganapan, ito yung calendar of activities.

"Many of them chose to attend the inauguration.

"We informed everyone, [but] we did not actively invite anyone.

"Even then [sa inauguration ng Philippine Arena], I think the operative term would be 'inform.'

"Yes, it was a choice on their part to attend that rather than this.

"And, personally, I am not surprised, kasi masyadong crowded ngayon."

Sa mga showbiz celebrities na miyembro ng INC, wala ring masyadong napansin ang PEP at ang tri-media representatives na nag-cover ng event.

Ang sigurado, maraming taga-showbiz ang dadalo sa mga susunod a activies ng INC centennial, tulad ng musical show sa July 29, at Ang Sugo theatrical presentation sa July 31, na pinamahalaan ni Gladys Reyes.

Mauuna rito ang short-film screening on Ka Felix' early life and ministry na ginampanan ng young actor na si Ruru Madrid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANG SUGO (THE MOVIE). Matutuloy pa ba ang pagsasapelikula ng Ang Sugo, ang biopic ni Felix Y. Manalo?

"Ako'y naniniwala na itutuloy 'yan," sabi ni Zabala.

"Maaaring hindi lang naihabol para sa araw na ito, subalit itutuloy."

As backgrounder, naipakilala ang lineup ng major cast ng Ang Sugo sa isang grand presscon ng INC early last year, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, may mga naging pagbabago pati sa inatasang magiging direktor.

Reportedly, walang pagbabago sa ilang major cast members, na kinabibilangan pa rin nina Richard Gomez, bilang Ka Felix Manalo; Albert Martinez, bilang Ka Erdy; at ang kanilang mga maybahay, sina Dawn Zulueta at Liezl Martinez, respectively.

May nakapagbalita naman sa PEP na umano'y si Direk Joel Lamangan na ang magiging direktor ng pelikula at si Gabby Concepcion ang aktor na gaganap, bilang Ka Eduardo V. Manalo.

Unang napaulat na ang obra ay pamamahalaan ni direktor Tikoy Aguiluz. Kasama rin sa orihinal na cast si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at Congresswoman Lani Mercado.

Sa mga nasabing ulat, walang definite answer ang INC Centennial event spokesperson.

"Actually, hindi ako aware sa details talaga," sabi ni Zabala.

"Kasi po, kahit gusto ko pong i-confirm, wala po akong details.

"Pero ako'y naniniwala na itutuloy 'yan, tulad ng nasabi ko kanina.

"Sana, loobin ng Diyos," pagtatapos ni Zabala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN