Vice Ganda, Baby Zion tie for Trendsetter of the Year in Tatt Awards 2014

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda and Baby Zion shared the Supreme Trendsetting Award at the Tatt Awards 2014, which was held at the SMX Convention Centre last August 8. Sarah Lahbati and Richard Gutierrez accepted the award for Zion.


Si Vice Ganda ang itinanghal na big winner sa nakaraang Tatt Awards 2014 dahil sa tatlong awards na hinakot niya.

Ginanap ang awards night sa SMX Convention Centre, Pasay City, nitong nakaraang Biyernes, August 8.

Ang tatlong awards na napanalunan ni Vice Ganda ay ang mga sumusunod: Supreme Trendsetting Awards—ka-tie ang anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Baby Zion—WeChat Choice of the Chatters, at ang major award na Trending Twitter Phenom Award.

Ang Tatt Awards ay pinangunahan ng Globe na naglalayong kilalanin ang mga tao na gumawa ng mga hakbang “for greatness, founded on individuality and a sincere interest to lead by sharing with others,” gamit ang social media.

HIGHLIGHTS. Bukod naman kina Sarah at Richard, dumalo rin sina Annabelle Rama, asawang si Eddie Gutierrez, at anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice para sa award na nakuha ni Baby Zion.

Agaw-eksena naman ang entrance ni Ellen Adarna nang i-present niya ang Best Fit Blog/Microblog Award.

Nakasuot si Ellen ng hooded one-piece bikini nang umakyat sa stage.

Tinilian naman si James Reid, isa sa mga bida ng upcoming movie na Talk Back and You’re Dead nang mag-perform siya sa opening number.

Marami naman ang napaindak sa performance nina Bamboo at KZ Tandingan na umawit ng mga medley ng mga modern hits bago magtapos ang programa.

Sina Bianca Gonzalez naman at Drew Arellano ang host ng event.

VIEW PHOTOS Vice Ganda scores big at the Tatt Awards 2014

Narito ang kabuuang listahan ng mga nanalo.

The One: Kimpoy Feliciano

Trending Twitter Phenom of the Year: Vice Ganda

Youtube Phenom of the Year: Jamich

Instagram Phenom of the Year: Patrick Dee

Best Social Media Movement Award: Move.ph

Best Digital Music Artist: Bamboo

Best Fitness Blog/Microblog Award: Fat Kit Inside

Best Style Blog/Microblog Award: Tricia Gosingtian’s blog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Tech Blog/Microblog Award: YugaTech

Best Lifestyle Blog/Microblog Award: Madhousemnl

Best Podcast Award: The Morning Rush

Philippine Star Supreme Trendsetter of the Year Award: Baby Zion and Vice Ganda

WeChat Choice of the Chatters: Vice Ganda


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN