Venus Raj having the time of her life as university grad student

IMAGE Noel Orsal

Former beauty queen Venus Raj, who entered showbiz after her feat in Miss Universe Pageant in 2010, is taking up higher studies in community development and hoping to become a college professor after completing her master's degree.


Second year na si Venus Raj sa mataas na kursong Master's of Arts in Community Development sa University of the Philippines, Diliman.

“Pangatlong semester na po,” kwento ng 2010 Miss Universe 4th runner-up sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Dapat po kasi dalawang taon lang ‘yan, kaya pong tapusin ng dalawang taon at kalahati.

"Kaso po anim na units lang yung kinukuha ko every semester kaya mga dalawang taon pa.”

“Nakatatlo [na semester] na ako, meron pa akong anim na susunod.”

Anong klaseng estudyante ang isang Venus Raj?

“Katulad din po ng ibang estudyante sa UP,” sabi niya at sinundan ng pagtawa.

“Nakakatuwa kasi pag pumapasok po ako, yung feeling na katulad nung college ka, na kakilala mo lahat.

"Magkakaklase kayo, nagtatanungan kung ano yung assignment or ano yung project na gagawin.

“Siguro yung mga tao pag nakikita nila ako palaging ayus na ayos,” at muli siyang natawa.

Wala raw siyang natatanggap na pagtrato na siya ay isang beauty queen, maliban kapag bagong bukas ang eskuwela.

“Pag first few days ng start ng semester, may mga mangilan-ngilan po, autograph, tapos picture.

"Pero magkakaklase naman po kasi kami kaya sanay naman po sila na makasama po nila ako.

“Actually ang dami ko pong natututunan sa mga kaklase ko kasi mga professionals na.

"Yung iba talagang sa community din nagtatrabaho, yung iba sa mga ibang companies, so ang ganda.

"Yung learning hindi lang sa teacher nanggagaling, pati sa mga kaklase mo, marami ka ring natututunan.”

Nakausap ng PEP si Venus sa isang recording studio sa Panay Avenue, Quezon City. noong August 22.

WHAT’S NEXT? Pagkatapos niyang mag-aral ay gusto talaga ni Venus na makatulong sa community.

“Actually, ngayon po ay may sinimulan na po akong [project].

"Hindi pa po siya foundation kasi hindi pa po siya registered, volunteer group pa lang po siya,” kwento ng beauty-queen-turned-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we are looking forward na mas marami pa pong mga projects yung magawa para pag pina-register namin siya, meron na kaming output.”

Bukod dito ay gusto rin talaga ni Venus na maging isang teacher.




“Gusto ko rin pong magturo talaga ng kolehiyo.

"So kung matatapos ko na po siya, hopefully, pagkatapos ng dalawang taon, maghahanap rin ako ng mga eskuwelahan na puwede ko pong pagturuan.”




Siguradong pag-aagawan siya ng mga eskuwelahan.




“Sana po,” at tumawa si Venus. 




Ano ang gusto niyang ituro kapag naging teacher na siya?




“Kung meron po na mga kolehiyo na in line po sa community development yung kanilang kurso, gusto ko po talaga doon.

“Pero kung hindi man po ganun kadami kasi halos lahat naman po ng kolehiyo mayroong ino-offer na NSTP [National Service Training Program] for first year, first semester.

"Tatlo po kasing sections yan, merong CWTS [Civic Welfare Training Service].

"Iyan yung sa community kayo magtatrabaho, tutulong sa community within the school o outside the school.

"And then LTS [Literacy Training Service], iyon naman ay parang student/teacher [program]… Ganun po yung ginawa namin nung college kami.

"And then ROTC [Reserve Officers' Training Course]. Tatlo ‘yan, so yung mga ayaw sa ROTC, puwede sa LTS or sa CWTS.

“Ganun po yung ino-offer sa first year, lahat po ng first year, sa lahat ng kolehiyo, kumukuha po ng ganun.

"So maganda na pagpasok pa lang nila, unang semester ng unang taon, marami na agad silang matututunan regarding sa community.”

NOT LEAVING SHOWBIZ. Iiwan ba niya ang showbiz?

Saad ni Venus, “Hindi pa rin po, siyempre. Ang pagkolehiyo naman po mga three hours a week lang.

"Ilang units lang so kaya mo pa ring pagsabayin yung trabaho natin dito sa show business and at the same time, yung iba mong trabaho naman.”

Walang kontrata si Venus sa kahit na anong TV network. Pero regular na napanood si Venus sa travel show na Business Flight sa GMA News TV kung saan co-host siya ni Cristina Decena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magse-second season na po kami so nag-iipon na po kami ng mga ipapalabas sa susunod na buwan,” ang masaya pang pagbabalita ni Venus.

“Pero I think this September lalabas na po ulit kami.”

Tinanong namin si Venus kung bakit hindi siya tumatanggap ng teleserye.

“Siguro po para kasing nasanay ako, di po ba noon ang training ko ay hosting?

"Then paunti-unti nasubukan ko din naman ang acting sa pelikulang Pridyider.

"'Tapos may ibang maliliit na roles na ginawa ko.

“Siguro po parang hindi ko pa siya nasusubukan kasi hindi ko alam kung ano yung mae-expect ko sa teleserye.

"Gaano ba katagal yung oras ng trabaho, kung sakali ba makakapag-aral pa ako pag ganun ba yung kinuha ko?

“Or may iba pa ba akong magagawa katulad ng mga gusto kong gawin?

“Siguro po kung may teleserye na hindi naman ganun kalaki yung pangangailangan sa oras, 'di ba?

"Halimbawa sabihin na nating isang beses lang sa isang linggo, iyon, yung mga ganun. 




“Pero so far focused po muna talaga ako sa ganitong career and then studies.

"Pag natapos ko ‘yan hanggang makapag-thesis ako, then tingnan natin kung ano yung mga susunod nating puwedeng pasukin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN