Judy Ann Santos shares own recipes and family stories in her upcoming cookbook

Aug 28, 2014
Judy Ann’s Kitchen is the title of Judy Ann Santos's soon-to-be- published cookbook that will also feature family stories and photographs: “It’s very personal, very personal."

Lumalawak na ang nasasakop ni Judy Ann Santos sa kanyang showbiz career, dahil bukod sa husay sa pag-arte aynakikilala na rin siyang host ng reality TV shows ng ABS-CBN.

Dahil mahusay rin siyang magluto, nagplano rin ang aktres na magtayo ng sarili niyang restaurant pero hindi ito natuloy.

“Ang dami kasing dapat i-consider. From concept to the system, sa food.

“Hanggang ngayon naman naiisip pa rin, pangarap pa rin naman yun.

"Pero kailangan kong matuto muna nang tama kasi malaking pera yung kailangan.

"Hindi ka naman puwedeng magpu-put-up ka ng business tapos itatapon mo lang.

"Yung presence mo kailangang nandun, yung attention mo, nandoon dapat.

“Hindi ka puwedeng babandying-bandying kasi pera mo yun e, 'di ba?

"Kailangan mong palaguin.

“Naiisip pa rin naman, pangarap pa rin siya.

"Kaya hindi ko masasabing hindi ko siya gustong gawin,” pahayag ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Kaugnay dito, isang rebelasyon ang sinabi niya sa amin.

Continue reading below ↓

“Ngayon, bago ako mag-restaurant, maglalabas muna ako ng cookbook!”

Ang title raw ng cookbook niya ay Judy Ann’s KitchenJudy Ann’s Kitchen at puro recipes ng aktres ang laman nito, complete with photos ng mga pagkain at ng pamilya niya.

“It’s very personal, very personal.

“Tapos na yung food shots, tapos na yung pictorial, words na lang, 'tsaka printing.”

Samantala, mapapanood naman si Judy Ann bilang host sa reality-based TV show na I Do na mapapanood sa ABS-CBN tuwing Sabado simula August 30.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann’s Kitchen is the title of Judy Ann Santos's soon-to-be- published cookbook that will also feature family stories and photographs: “It’s very personal, very personal."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results