James Reid kisses Nadine Lustre onstage as fans cheer

IMAGE Allan Sancon

A month before the Cosmo Bachelor Bash 2014, James Reid said that he is preparing for the big event that will showcase his sexy physique.


Dinumog ng maraming fans ang mall show nina Nadine Lustre at James Reid para sa kanilang pelikulang Talk Back and You’re Dead na ngayon ay ipinapalabas sa mga sinehan.

Tuwang-tuwa naman si James sa nasabing meet-and-greet event para sa fans nila ni Nadine nitong August 21, Huwebes.

“I miss doing this. I miss doing this show… singing live.

"I’m happy to see the fans in front of me,” kuwento ni James sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Biniro rin ang sikat na aktor na marami ang kinilig sa titigan nila at paghalik niya kay Nadine sa entablado.

“Kung yun ang ikasasaya nila, gagawin namin to makes them happy.

“Okay naman kay Nadine na i-kiss ko siya. So, we do it for the fans,” paliwanag ng 21-anyos na aktor.

Pero nilinaw niya na sa ngayon ay walang namamagitan sa kanila ni Nadine na higit pa sa magkaibigan.

“We’re just friends, and we are happy being a love team.

"We want to concentrate on our career. But let’s see soon.”

Tinanong din sa aktor kung ano ang pakiramdam niya na marami ang nanood sa latest movie nila ni Nadine.

“All the fans dun sa Diary ng Panget supported also the Talk Back and You’re Dead. They love our movies.”

Samantala, sa nasabing event ay nagpakita rin ng katawan si James sa pamamagitan ng paghubad ng kanyang sando pero aniya, dahil nga sa busy schedule ay hindi na siya masyadong nakakapag-work out.

“I haven’t doing work out much, I don’t have time to do work out just a diet.

"I just eat chicken meat without salt, just calamansi. If I have time to work out I do. I just do weight lifting for my muscle to develop.”

Masaya ring ibinalita ni James na rarampa siya sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash 2014 sa darating na September 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes! I will ramp on Cosmo Bachelor Bash. Watch out for it.

“I started doing dieting. I started doing work out. Maybe after all the promotions for these Talk Back and You’re Dead, I [will] have more time to do work out preparing for that Cosmo Bachelor Bash,” lahad ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN