Nadine Lustre says she is more into shoes than bags

IMAGE Allan Sancon

Comfort dictates the fashion style of Nadine Lustre, the female star of the hit movie Talk Back and You're Dead, and it all depends on her mood: "Iba-iba, basta when I dress up I can be myself.”


Nagkaroon ng pagkakataong makausap si Nadine Lustre ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang mall show kamakailan.

Isa si Nadine sa mga bida ng successful romantic comedy movie na Talk Back and You’re Dead kaya natanong ito tungkol sa kanyang style bilang celebrity.

“I can’t really say kung ano talaga yung style ko, depende kasi sa mood ko.

"Sometimes I feel like dressing up like an anime girl.

"Iba-iba, basta when I dress up I can be myself,” sabi ng aktres sa mall show nila ni James Reid sa SM Fairview nitong August 21, Linggo, para sa promotion ng kanilang pelikula.

Pahayag pa nito, “Pero when I’m in the house lang, I just wear comfy short and shirt lang… parang nagre-relax lang ako.”

Ano naman ang usual outfit niya kung ordinaryong araw, kagaya na lamang ng papasyal sa isang mall?

“The usual, like jeans or t-shirt lang, sometimes shorts.

"Something comfortable lang…”

Mayroon ba siyang kinahihiligang collection?

“Actually, I love shoes, more on shoes ako, konti lang yung bags ko.

"Mas marami talaga akong shoes… like sneakers, heels, and boots.

"Yun ang mga hilig ko pero hindi naman ako bumibili ng talagang sobrang mahal talaga.

"So far I have a pair of sneakers na nagkakahalaga ng P7,800.

"I bought from Hong Kong pa, ang brand niya ay Adidas,” dagdag ng aktres.

Ano’ng meron kung bakit napagdesisyunan niyang bilhin ang nasabing sapatos?

“Wala lang, gusto ko lang yung design niya.

"Pero bihira ko siyang isuot kasi ayaw ko siyang magasgasan or madumihan.

“Ginagamit ko naman siya pag chill lang yung lakad or 'di masyadong nilalakad sa labas.”

How many shoes does she have in her collection?

“I’m not sure! Pero, it’s like 40 pairs.

"Sometimes I sell them kasi pag hindi ko ginagamit, nasisira din pag naka-display lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOX-OFFICE SUCCESS. Samantala, natanong din ang dalaga sa kanyang reaksiyon hinggil sa tagumpay ng second movie nila ni James.

“I feel good, I’m so thankful na ganyan kadami ang sumusuporta sa amin to watch the movie.

"Tapos ang dami-daming pumupunta sa mall show namin para makita kami.”

Natanong din ang dalaga kung inasahan ba niya na magiging matagumpay rin ang Talk Back and You’re Dead tulad ng una nilang pinagtambalan ni James, ang Diary ng Panget.

“Kind of, kasi madami rin namang supporters yung Diary ng Panget.

"Siguro they want to see yung another kind of Nadine and James dito sa Talk Back and You’re Dead.

"Hindi nga namin ini-expect na mas marami ngayon ang mga sumuporta sa amin dito. "

Maraming tagasuporta nila ang kinikilig sa tuwing nagkakaroon sila ng sweet moments ni James, kagaya na lamang ng malagkit nilang titigan sa nasabing mall show.

Saad ni Nadine tungkol dito, “Always naman!

"Actually nagulat ako dun sa sinabi niya na pwede ba kiss na lang.

"Na-shock ako. Pero okay lang naman sa akin… para sa mga fans.”

Ano pa i-eexpect ng mga fans nila ni James?

“We have more projects coming up, abangan na lang nila.”

May pangatlong movie sila?

“We don’t know yet, we’ll see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN