Bettina Carlos proud to be a stage mom to daughter Gummy

IMAGE Rose Garcia

Bettina Carlos feels proud about her latest endorsement with daughter Gummy: “Super, super! Kasi, she super loves pancit canton. She’s super happy and she super loves it at magandang bonding sa amin. Kasi, with Indomie, we dress it up. Dinadagdagan namin ng vegetables, ng chicken and egg. She loves cooking!”


Sa unang pagkakataon ay nagsama sa isang product endorsement ang mag-inang sina Bettina Carlos at Gummy Carlos. Noong nakaraang Huwebes, September 4, ipinakilala sila sa pamamagitan ng isang press conference sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Walang duda na nakuha ni Gummy ang pagiging ismarte ng Mommy niya. Halatang matalino ito sa edad pa lamang na tatlong taon mahigit. Bukod sa kanilang dalawa, endorsers din ng Indomie noodles ng Indofood na mula sa pinakamalaking noodles manufacturer sa Indonesia ang mag-amang Dino at Joaquin Gueverra.

Masayang pahayag ni Bettina, “I feel very blessed kasi, this is our first product endorsement and it’s an imported brand pa. So we feel very, very blessed and feeling so overwhelmed with this endorsement.”

Pero sabi nga ni Bettina, ang talagang main endorser raw ay ang anak niya kesa sa kanya. At masaya raw ito na ang Indomie talaga ang ine-endorso.

“Super, super! Kasi, she super loves pancit canton. She’s super happy and she super loves it at magandang bonding sa amin. Kasi, with Indomie, we dress it up. Dinadagdagan namin ng vegetables, ng chicken and egg. She loves cooking!” pagmamalaki niya.

Tinanong namin si Bettina kung aware ba ang anak niya na endorser na nga ito ng isang produkto?

“I’m not so sure. I’m not so sure if she knows what endorsement is, pero kailangan kasi siyang i-brief na, 'Baby, tomorrow or two sleeps from now, we will have pictorial. You smile, okay? Don’t be sungit.'

“So kailangan sina-psych mo siya. Pero it helps na kilala niya ang product,” lahad niya.

EVERYTHING IN MODERATION. Tatlong taon mahigit pa lang daw si Gummy. Pero mahigit isang taon na raw bago pa makuhang endorser si Gummy ng nasabing produkto.

Pero, ‘di ba sinasabing ang instant noodles ay hindi healthy na pagkain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, katulad nga ng sabi, too much of anything is bad. Even a good thing is bad if it’s consumed too much.

“Ito naman po, we don’t market it as kanin na araw-araw na kakainin mo, na bitaminang wala sa diet mo, we’re just offering a good snack, a good meal for Filipinos.

“Nasa sa atin din naman yun kung gaano natin kadalas kakainin. Kahit na ano naman, basta masobrahan ka ng softdrinks, masama.

“Kapag nasobrahan ka ng junk foods, masama. Kapag nasobrahan ka ng kanin, masama rin. So kahit anong bagay, moderation lang naman,” pahayag pa ng concerned mom.

BETTINA, STAGE MOM? Aminado si Bettina na mas kabado pa raw siya sa anak habang ang anak, mukhang nag-e-enjoy lang sa ginagawa. Noong Huwebes ay nag-guest din sila sa morning show na Basta Everyday Happy, ang daytime talk show sa GMA Network.

Pag-amin niya, “Ako actually, talagang ninenerbiyos ako.

“Naiintindihan ko ngayon ang tinatawag nilang stage mother kasi siyempre, gusto mo yung best mood ng anak mo sana yung maging mood niya that day.

“Siyempre, hindi mo pa matitimpla lalo na kung bagong gising, konting tulog.

“I’m just really happy that the people we are with are easy to work with, so parang play lang sa kanya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN