Erwin Tulfo says death threats and lawsuits are a way of life as journalist

IMAGE Noel Orsal

Erwin Tulfo says "Tatak Tulfo" has a lot to do with his upbringing. "Ang mali, mali… ang tama, tama. Kapag mali ka na minumura namin, ganun. Kasi iyon lang minsan ang lengguwahe na naiintindihan ng mga luko-luko. "


Isa si Erwin Tulfo sa isa most admired male TV personality ngayon.

Bukod sa kanyang husay bilang isang broadcast journalist, marami rin ang bilib sa kanya pagdating sa tapang at paninindigan, 'tulad ng kanyang mga kapatid na sina Mon, Ben, at Raffy Tulfo.

“Well, it’s a compliment. Nagpapasalamat naman ako,” nakangiting reaksiyon ni Erwin nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon ng tanghali, Miyerkules, October 1, sa Max’s Restaurant, Robinson’s Galleria.

Dagdag niya, “Kaya nga, as much as possible, kapag may mga nagpapa-picture, I never say no sa kahit na sino.

"Kasi nakakahiya dahil hindi ka naman sisikat kung hindi ka nila pinapanood.

“Hindi ka naman makikilala kung wala kang viewers.

"Kagaya nung sa Zamboanga nung nag-live feed kami doon, nakapila yung mga tao.

“Sasakit ang panga mo sa kaka-smile na magpa-picture.

"Pero wala kang magawa kasi number one yung Aksyon doon sa Zamboanga,” pagtukoy niya sa news program ng TV5 kung saan sila ni Sheryl Cosim ang anchor.

TATAK TULFO. Kapag sinabing Tulfo, ang pumapasok kaagad sa isip ng tao ay "fearless, palaban, sumbungan, at tagapagtanggol ng mga naaagrabyado."

Ganito ang naging tatak niya pati na rin ng mga kapatid niyang sina Ben at Raffy, lalo na nang magkaroon sila ng public service program sa Kapatid network na T3.

Sabi niya tungkol dito, “Siguro yung pagiging matapang, in a sense na sa mga mali at mga luko-luko, because we were brought up like that by our parents.

"Na ang mali, mali… ang tama, tama.

“Matapang lang kapag mali ka na minumura namin, ganun.

“Kasi iyon lang minsan ang lengguwahe na naiintindihan ng mga luko-luko.

“Lagi nga kaming nabibigyan ng memo dahil dito!” natawang pag-amin ni Erwin.

Dagdag pa niya, “Marami... sa Legal [department ng TV5] minsan, sumasakit na ang ulo ng Legal namin.

“Kami lang ang nakakagawa nun, pero after work, iba na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the end of the day, parang we change yung image in front of our family, our loved ones, even with our friends."

FUSSY DADDY. Hindi lang daw alam ng marami, pero sa likod ng camera, he is a loving and caring family man sa kanyang asawa at mga anak.

“Kasi as you grow old, you mature e.

“I mean, when you are younger, marami kang mga fling when you are single.

"But when you settle down… kasi napapanood ka ng anak mo, lalo yung panganay ko, she’s ten years old.

“Nakakabasa na siya, sasabihin niya, 'Dad, what is this? Ano na namang intriga ito?'

“You tend to behave when you grow old.

“I have two kids, five years old ang pangalawa, both of them are girls.

“Sinasabi nga sa akin, pambayad daw sa utang!” natawang biro pa ni Erwin.

“E, sabi ko, wala naman akong utang.”

Wala na ba silang plano ng misis niyang madagdagan ang dalawang anak nila at magbakasakali na baby boy ang maging kasunod?

Sagot ni Erwin, “No, that’s it.

“I’m getting older, parang tama na ‘yon.”

COURTSHIP. Pero bigla nabago raw ang pagiging maloko niya nang magkaasawa na siya. At naikuwento nga niya kung paano sila nagkakilala ng misis niyang si Karen Padilla.

“We met sa ABS. She was a reporter that time, fresh graduate siya from UP [University of the Philippines].”

Na-love at first sight daw siya. Paano ba manligaw ang isang gaya niyang may image na matinik sa chicks?

Sabi ni Erwin, “Medyo conservative kasi yung mom niya, so medyo ayaw sa akin nung primero.

“Sinasabi na, 'I don’t like that guy, kasi hindi maganda yung reputation...'

“Kasi yung drinking every night, parang hindi nga maganda, 'di ba?

“Niligawan ko siya for about a year.

“Sinagot niya ako nung mismong birthday ko, nandun lang kami sa may parking lot ng ABS,” nangiting pagbabalik-tanaw ni Erwin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECURITY. May mga pagkakataon bang nag-aalala rin siya para sa kaligtasan ng kanyang dalawang anak?

Saad niya, “May security naman yung mga anak ko.

"Hanggang sa school, nababantayan naman ang kanilang seguridad.

“Same school nga sila ng mga anak nina Ruffa Gutierrez at saka ni Richard Gomez sa Everest Academy sa Global.

"It’s an international Catholic school.

“Actually, magkaklase nga yung anak ko at saka anak ni Ser Chief [Richard Yap], magkaibigan kami.

“One time, I think two months ago, may activity sa school, magka-teammate kami ni Sir Chief.

“He’s very soft-spoken... Nahihiya nga ako dahil parang nahihiya o natatakot yung mga school staff doon.

"Pati mga janitor at guwardiya, sa akin nagpapa-picture.

“Hinatak ko si Sir Chief, sabi ko, 'Pa-picture tayo.' Sumama naman.

“Na-intimidate lang sila, but he is very soft-spoken, very nice guy.”



DEATH THREATS. Dahil sa nalinyahang trabaho, hindi na raw bago kay Erwin na makatanggap ng death threats. Nasanay na nga raw siya rito.

“Yung number ng personal phone ko, I have to change it every six months.

“Noong una, two years ago, nagpa-personalize pa ako na… I have to pay something like twelve thousand pesos.

“After six months, I have to pay another twelve thousand pesos.

"I just don’t know kung bakit nakukuha yung number ko.

"Dun lumalabas yung mga death threats.

“I got used to it, e!” napakibit-balikat pang sabi ng broadcast journalist.

Hindi lang sa mga death threat daw nasanay si Erwin. Pati sa mga demanda ng mga taong nakakabangga nila na naging pangkaraniwan na rin daw para sa kanya.

“Iyon nga ang problem sa T3, we have a lot.

“Right now, nag-a-attend kami ng hearing every week, puro libel.

“Ang problema kasi, backed up by documents and evidences by the complainants.

"Pero ganun pa rin, yung mga nababanatan, nagrereklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung bakit pinipilit nila. Meron ka namang ebidensiya at may complainant.

“Yung mga nagiging libel cases against us, nadi-dismiss naman, sa awa ng Diyos.

“Meron nga pati yung mga wanted-wanted ng PNP…

"Ito na nga ang ironic, yung mga nasa poster ng PNP na wanted, binasa lang naming na wanted.

"Ipinakita lang naming yung mga litrato na wanted na sabi namin, carnapping syndicate.

“In-announce namin sa TV na nasa top ten ng most wanted.

"Kinasuhan ba naman kami ng libel ng carnapping syndicate na ‘yon. Pati ang PNP chief, kinasuhan."

FAMILY BACKGROUND. Nalalagay man daw sa alanganin ang buhay niya nang dahil sa nature ng kanyang trabaho, hindi raw naiisip ni Erwin na mag-iba ng linya.

Hindi lang daw kasi hilig at pangarap niya ang pagiging journalist kundi nasa puso talaga niya.

“Actually, the reason why I’m a journalist is because of my brother Mon.

"Siguro kung si Mon became a policeman, pulis kaming lahat.

“Apat kami ngayong nasa media because of Mon na nakikita namin, nagsusulat siya, nababasa namin, sumunod kami lahat.

“Actually, we grew up in a lot of places, e. Yung daddy ko kasi military.

“Na-assign siya sa Mindanao, sa Jolo, sa Basilan. At saka sa Palawan.

“And then I went to the seminary!” natawang rebelasyon ni Erwin.

“Nag-four years ako sa minor seminary, and one year sa major.

"Doon sa Seminario de San Jose sa Palawan, four years ako, 'tapos one year sa Philosophy sa Iloilo.”

Bakit hindi siya nagpatuloy sa pagpa-pari?

“Ayaw ng pari na mag-pari ako!” tawa niya ulit.

“Sakristan ako simula grade two hanggang grade six.

"'Tapos sabi ng mommy ko, baka gusto kong mag-pari.

“Nakikita ko ang mga pari, sabi ko, mukhang maganda ang suot nito na naka-sotana. Sabi ko, magpa-pari ako.

“And then I realized na yung mundo ay mas malaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After sa Iloilo, I went to UE [University of the East] sa Manila. Gusto ko na ng Journalism.

“Sabi ni Mon, 'E, lintek, ako ang magpapaaral sa ‘yo, bakit Journalism? Wala kang kikitain diyan! Tingnan mo ang mga journalists, sikat ka nga, pero mamamatay kang dilat ang mata mo diyan!'

“So, nag-Accounting ako, naku, muntik na akong mapatay ni Mon!” natawa na namang pagbabalik-tanaw niya.

“Nung fourth year na ako, 'Tingnan ko nga ang mga classcards mo, yung grades.'

“Dyuskupo po! E, nakita niya yung Accounting major ko, tres!

“Sabi niya, 'Mag-a-Accounting ka tapos ang grade mo sa Accounting 12 major, tres?'

"'Paano ka magiging CPA niyan, hayop ka?'

“Lahat ng mura! Alam mo, ipinalamon niya sa akin yung class card!"

Ganun kaistrikto at katapang si Mon bilang nakatatandang kapatid niya?

“Siyempre makulit ka rin kapag ganung 17 o 18 ka, puro batok ang aabutin mo, puro sipa.

“E, napasok ako sa ilalim ng lamesa kasisipa niya, e.

“Pero nung time na ‘yon, nagsusulat ako sa newspaper sa UE.

"And at the same time, kinuha na ako ni Joe Burgos sa Malaya, 1983 ‘yon.

“So, nagsulat ako sa Malaya habang college ako. That’s how it all started.

“'Tapos nung pag-graduate ko ng accounting, 'Mag-board exam ka.'

“E, paano pa magbu-board e nasa Malaya na ako?

“But then, ngayon, very professional na kami. Nagkukonsulta sa akin si Mon.

“Kumukonsulta rin kami pagdating sa larangan ng media, something to do with our work.”

BROADCAST JOURN. Mula sa pagsusulat sa diyaryo, paano naman siya napasok sa broadcast media?

Kuwento ni Erwin, “After Malaya, I went to U.S., nag-migrate kami.

“Namatay yung father ko and then ang mother ko nag-migrate ng Amerika.

“So, halos lahat kami nag-U.S., ang naiwan na lang dito ay si Mon at saka yung isa kong Ate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ten years ako sa U.S., nag-U.S. Army ako.

"Gusto ko sanang maging career ko yung U.S. Army, pero after ng Desert Storm, nag-downsizing sila, nagbawas ng tao.

“Eight years ako sa U.S. Army, nung nag-downsizing, may in-offer silang bonus na $15 thousand. Kinuha ko.

“Pagkatapos nun, kung sino raw ang gustong umalis, e, di umalis ako.

“Nagbabakasyon lang ako dito sa Pilipinas noong 1996, may opening yung ABS-CBN… they needed a reporter.

“Nasa ABS ako from 1996 to 2004.”

Bakit nga ba siya umalis sa ABS-CBN?

“A… politics, e,” nakangiting sagot ni Erwin.

“Halo-halo na... at saka downsizing din.

“After ABS, kinuha ako sa RPN-9. And then nag-DZXL ako. 'Tapos finally sa TV5.”

Aminado siyang maloko talaga siya during his younger years. Ano ang masasabi niyang pinakamatinding naging kalokohan niya?

“Naku, hindi ako halos umuuwi ng bahay!” tawa na naman niya.

“When I was with ABS, when I was still single, puro inom ‘yan amost every night.

“Minsan, may program pa akong morning show noon, magkakasama kami ni Edu [Manzano], magkakainuman kami…

"Aabutin kami hanggang alas-tres ng umaga doon sa isang kilalang lugar sa Quezon Avenue."

Kaya siguro dati ay nagkaroon siya ng image na babaero?

“Hindi naman. E, nagkasabay-sabay lang siguro nun!”



PUBLIC SERVICE. Successful na siya sa kanyang career, masaya at kumportable ang pamumuhay nila ng kanyang pamilya. Ano pa ang gusto niyang ma-achieve?

Sagot ni Erwin, “I’m concentrating more on public service, that’s what I’m planning to do.

“Siguro to share what I have with others, lalo na po yung mga less fortunate.

“Because, kumbaga, na-attain mo na yung tugatog. So, what do you have to do when you’re up there?

“The only way now is to look where you came from and probably share what you have.”

Marami ang naghihikayat sa kanya na pumasok sa pulitika. Hindi pa rin ba siya naeengganyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t... I don’t.

“Sometimes it gets frustrating, e. Na parang you feel you can do something about it.

“Pero at the same time, there’s part of your mind or your brain saying na, 'Huwag kang pumasok diyan.'

“But nakikita mo yung mga helpless na kababayan mo. There’s a lot of things to be done lalo na kung presidente ka o senador.

“Pero hindi nagagawa, e.

“Sabagay, madaling sabihin. Wala ka sa posisyon.

“Pero there’s a lot of ideas and thoughts that you can share. That you can do.

“For now, I just want to continue… I love what I’m doing. I love being a journalist.

“For me, being a journalist, it is not just a source of income, e. It is a way of life, e.

“Because we love what we’re doing. It is our art po, e.

“Mula noon na nagsimula akong magsulat sa Malaya, and even right now when I write my column sa Manila Times and People’s Tonight, I still make sure that I buy and look at my copy.

“Na ako naman ang nagsulat nun, pero bakit ko pa babasahin?

“Because it is the passion, e. Writing and broadcasting for me is an art.

"And we appreciate what we are doing," pahayag ni Erwin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN