Kristel Moreno’s “controversial gown” praised at UK, US Fashion Week events

IMAGE Rocky Gathercole (upper photo)/Ihman Esturco (lower photo)

Upper photo: Kristel Moreno (center) wearing Rocky Gathercole’s creation at the Star Magic Ball last September. Model (left) wears same gown by Gathercole at the UK Fashion Week; (rightmost) the same gown at the Phoenix Fashion Week in Arizona. Lower photo: Rocky Gathercole onstage at a fashion event that featured his designs.


Malayo na ang narating ng controversial gown na ginamit ng sexy star na si Kristel Moreno sa 8th Star Magic Ball na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel noong September 6.

Ang internationally renowned Filipino fashion designer na si Rocky Gathercole ang creator ng black see-thru beaded gown ni Kristel na nakatikim ng mga batikos mula sa mga kapwa Pilipino.

Hindi nagpaapekto si Rocky sa mga panglalait na natanggap dahil ipinagmamalaki niya ang gown na ginawa niya para kay Kristel.

Ilang araw matapos ang Star Magic Ball, muling nakita ang gown na ginamit ni Kristel sa London Fashion Week na idinaos noong September 12 hanggang September 16 sa United Kingdom.

Kung nilait sa sariling bansa ang gown ni Kristel, pinuri ito sa London Fashion Week at sa Phoenix Fashion Week na ginanap sa Phoenix, Arizona, noong October 2 hanggang October 4.

Vindicated si Rocky dahil sa mga positive feedback sa kanyang mga damit, kabilang ang gown na ipinasuot niya kay Kristel sa Star Magic Ball.

Saksi ang former actor-turned- photographer na si Ihman Esturco sa tagumpay ni Gathercole sa Phoenix Fashion Week.

Ayon kay Esturco, jaw-dropping ang finale ng Phoenix Fashion Week dahil sa mga likha ng international Filipino designer na gumawa ng mga damit nina Paris Hilton, Britney Spears at ng mga costume na ginamit nina Katy Perry at Lady Gaga sa mga music video ng famous international singers.

Sa kabila ng mga papuri na natatanggap niya sa ibang bansa, nananatiling down-to-earth si Rocky dahil maligaya na siya na napapansin ng mga tao ang talent na ibinigay sa kanya ng Diyos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN