Lovi Poe plans to travel alone: "...gusto ko magkaroon ng alone time at magsulat-sulat, magbasa-basa ng libro..."

IMAGE Noel Orsal

Before the year ends, Lovi Poe plans to travel sans boyfriend Rocco Nacino. She says, “Gusto ko, ako lang mag-isa talaga.”


Kahit hindi Araw ng Undas, basta may libreng oras, ay nakaugalian na raw ni Lovi Poe na bumisita sa puntod ng namayapa niyang amang si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery.

“Basta may time ako, pumupunta ako,” ang bungad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, Ocotber 26.

Dagdag niya, “I bring flowers, and lagi akong nagdadasal.

“At saka hindi lang kapag Undas kundi kapag meron akong good news or meron akong…like mga problema.

“Parang sa kanya ko, inili-lift up ko ‘yon sa kanya.”

Naisama na ba niya ang boyfriend na si Rocco Nacino sa pagdalaw niya sa libing ni FPJ?

“Hindi pa. I’m thinking.”

Iniisip ba niyang isama si Rocco sa susunod niyang pagpunta sa sementeryo?

“Parang isama para ipakilala?” sabay tawa ni Lovi.

“Feeling ko naman, dinadalaw na siya ng Dad ko!” tawa ulit ng aktres.


NEXT VACATION. Dati, nabanggit ni Lovi na pagkatapos ng kanyang soap na Ang Dalawang Mrs. Real ay nagpaplano siyang magbakasyon. Tuloy na ba ito?

“If given the opportunity, siguro itong November. Hopefully bago mag-December.”

Out of the country ba ang kanyang magiging vacation?

“I'm still thinking e kung ano. Kasi gusto ko magkaroon ng alone time at magsulat-sulat, magbasa-basa ng libro, gano’n.

“Gusto ko, ako lang mag-isa talaga.”

Hindi ba nakakatakot bumiyake nang nag-iisa?

“Sila ang matakot sa akin!” sabay halakhak ni Lovi. “I’m just kidding. I’m just kidding.”

Samantala, katatapos lang mag-shoot ni Lovi ng pelikulang Shake, Rattle, & Roll 15, kung saan tampok siya sa episode na "Flight 666."

“Excited ako dahil nga sa eroplano kami nag-shoot, as in sa loob ng eroplano.

“Maganda kasi first time ko...na parang na-amaze ako.

"Parang napapanood ko lang sa movies ‘yong gano’n na nasa eroplano.

“Kasama ko sa episode na ito sina Matteo Guidicelli, si Kuya Kim [Atienza], si IC Mendoza, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Balik-horror na naman ako. Yes!” nangiting sabi pa ni Lovi.

Bukod sa horror film na Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan naging leading lady siya ni Dingdong Dantes, nagbida rin siya sa Aswang kasama si Paulo Avelino.

Okay lang daw kay Lovi kung talagang nakakatakot ang karakter na gagampanan niya gaya no’ng sa Aswang.

“Masaya. Magaling kasi ang director naming si Jerold Tarog.

“Para mai-portray ko raw na mabuti ang role bilang aswang, kailangan daw isipin ko na isa akong animal para ma-pull off ko raw 'yong pananakot ko.

"So, in-enjoy ko naman ‘yon kasi minsan-minsan lang naman ako mananakot!” tawa ulit ni Lovi.

“Nakakatakot din ‘yong nagging role ko sa Guni-Guni before na medyo psychological siya. May kakambal ‘yong character ko.”

Mas mahirap ba kapag horror movie ang kanyang ginagawa?

“Mahirap. Kasi ginagamit mo ang imagination mo, e."

‘Yong ibang artista, may kuwento ng kababalaghang kanilang naranasan habang nagshu-shoot ng horror movie. Siya ba meron din?

“Wala naman. Wala naman. Buti na lang. Ayokong maka-experience ng gano’n,” aniya.

Naniniwala ba siya sa mga superstition?

“I don’t want to believe.

“But then, I believe in like everything. That things do exist.”

‘Yong dad ba niya, hindi nagparamdam sa kanya mula nang pumanaw ito?

“No!” nangiting mabilis na sagot ni Lovi.

“Kapag nagpasaway ako, baka magparamdam siya sa akin!” pagtatapos ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN