Gardo Versoza's baby Uziel turns one

IMAGE William Reyes

Gardo Versoza with his baby, Deity Uziel, who turned one last October 28.


Pinagsabay ni Gardo Versoza at ng partner niyang si Ivy Vicencio ang selebrasyon para sa baptismal at birthday ng baby nilang si Deity Uziel V. Polintan.

Ginanap ang kiddie party kahapon, October 26, 2014, two days before the actual 1st birthday of baby Uziel.

Sa second-floor ballroom ng Semicon Building sa Barangay Dela Paz, Marcos Highway, Pasig City, ito ginanap.

Ang officiating priest sa binyag ay si Monsignor Juny Aliwalas.

For some reason, hindi nakadalo si Nora Aunor, isa sa mga ninang. Pero nagkaroon na ng ilang pagkakataong makasama nito ang inaanak sa set ng Hustisya, kung saan miyembro ng cast si Gardo.


Tuwang-tuwa si Ate Guy sa bata.

Ang wika raw nito, "Maganda ang kumbinasyon nina Pareng Gardo at mareng Ivy!"

Bukod kay Ate Guy, hindi rin nakadalo sa mismong binyag ang iba pang ninang: Sherilyn Reyes, Yayo Aguila, Ayen Munji-Laurel, Irma Adlawan, na personal na inaalagaan ang mga magulang, at LJ Reyes, na may taping noong araw na iyon.

Sa mga ninong naman, hindi nakarating sina Gabby Eigenmann, na nagbabakasyon sa Hong Kong pagkatapos ng trabaho nila ni Gardo sa Dading, at si Direk Joel Lamangan, na mayroon ding personal na pinagka-abalahan.

Bukod kay Tonton Gutierrez, ang iba pang godparents ni Uziel na naka-attend ay sina Glydel Mercado, Joyce Ching, Rita Avila, at Ricky Davao.

Nandoon din si Chanda Romero at asawa nito, si Jopay Paguia, at ilang executives ng GMA.

GRATEFUL GARDO. Malaki ang pasasalamat ni Gardo sa lahat ng dumalo.

"Thank you sa lahat ng mga ninong at ninang," sabi ni Gardo.

"Yung presence ninyo, sobrang [magandang] memories ngayon para kay Uziel na hindi matatapatan ng materyal na bagay.

"Maraming, maraming salamat sa inyo, mula sa families namin, both sides.

"Salamat kay Lord at sa lahat ng mga nakiisa at sumuporta.

"Sa lahat ng mga cupcakes at mareshkis, mga dadings, mabuhay kayong lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nang inaagaw ni Uziel sa actor-dad niya ang mikropono, sabi ni Gardo, "O, what's your birthday wish?"

Then nagbiro ang aktor kay Ivy, "'Mommy, sana 'wag ka na mabuntis ulit!' Patali ka na, Imma [mother]."

Sumegunda naman ng biro si Tonton, na nasa harapan ng couple, "Isa pa lang, e. Walang kapatid?"

Natatawa lang si Ivy, pero nagsabi na rin ito na ayaw na niyang masundan pa si Uziel dahil hirap siyang manganak by caesarian section.

Sa pagpapatuloy ni Gardo, "Thank you everybody. I love you all, and I hope to see each and everyone of you on my 7th birthday!

"Salamat po!"

EMOTIONAL DAD. Pagkatapos ang event ay nagpaunlak ng maikling panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo sa kanilang tahanan sa Mabuhay Subdivision, Pasig City.

Hindi naitago ng aktor ang emosyon nito noong binibinyagan ang anak.

VIEW PHOTOS Gardo Versoza baby Uziel turns one

Ito raw kasi ang unang pagkakataon na natutukan niya ang pag-aalaga sa sariling anak, mula nang ipaglihi ito hanggang sa mailuwal ni Ivy last year, October 28, at around 12:19 p.m., sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.

Present sa event ang TV crews ng Tunay na Buhay at Startalk.

"Wala pa kasing mga ganyan [coverage] noon, kaya feeling ko, nakakaiyak, kasi makikita 'yan ni Uziel paglaki niya," sambit ni Gardo.

"Nung bata pa ako, mga get-together ng families lang. Yung party, siguro nung mga grade 2 o grade 3 ako [sa Mandaluyong Elementary School].

"Nung time na yon, hindi ko pa masyadong na-enjoy ang parties.

"Kaya kino-congratulate ko si Manager [Ivy] ngayon, para siyang si Mommy (Purisima, Gardo's late mother)... yes, she did it, with flying colors! Siya lahat!"

Pahayag pa ni Gardo: "Magiging artista din [si Uziel], tulad ng tatay niya.

"Kung interest niya, okay lang. Pero hangga't maaari, sana, studies muna ang tapusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko rin, kung mahihilig siya, sana maging musically-inclined si Uziel.

"Tulad ni Mommy, mahusay tumugtog ng piano, na hindi namin pareho namana ni Elite [Gardo's brother]," aniya pa.

But as fate would have it, nakilalang aktor sa pelikula at TV si Gardo, at nagpapatuloy rito.

After Dading, na kinagiliwan siya ng manonood sa papel na gay bestfriend ng bida, tampok naman si Gardo sa More Than Words, kung saan asawa siya ni Yayo Aguila at daddy ng young actress na si Janine Gutierrez.

Bale reunion nila ito ni Direk Andoy Ranay, na naging direktor niya, for a while, sa Hiram Na Puso.

Excited rin daw si Gardo sa bago niyang assignment, for GMA.

"Bilang tatay, oo, dahil makaka-work ko naman ang mga bagong artista na mas bata, tulad nina Janine at Elmo, my first time to work with them," sambit ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN