Regine Velasquez relates how she and Michelle Van Eimeren became close

IMAGE Photo courtesy of GMA Corp Comm

Malaki raw ang naging papel ni Ogie Alcasid upang mabuo ang pagkakaibigan sa pagitan ng kanyang dating asawang si Michelle Van Eimeren at kasalukuyang asawang si Regine Velasquez.


Hindi man pangkaraniwan pero pamilya ang trato sa isa’t isa nina Regine Velasquez at Michelle Van Eimeren.

Si Regine ang pangalawang asawa ni Ogie Alcasid matapos ang divorce nito sa dating asawa na si Michelle.

Sa October 25 episode ng Sarap Diva, ang cooking/talk show ni Regine Velasquez sa GMA Network, ipinalabas ang second part ng guesting ni Michelle at dito ay ipinahayag ng dating Miss Australia na ikinokonsidera niyang pamilya si Regine at wala siyang pakialam sa sabi-sabi ng ibang tao.

Read: Michelle Van Eimeren to doubters of her closeness to Regine Velasquez: “Kung ayaw maniwala na close kami, problema niyo 'yon.”


Noong October 28, Martes, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa Vigan, Ilocos Sur, para sa Northern Luzon regional finals ng Bet ng Bayan, ang reality-talent search ng Kapuso Network na hinu-host ng Asia’s Songbird.

Tumaon din ang nasabing episode sa Raniag Twilight Festival sa Vigan.

Ang sabi ni Regine sa closeness nila ni Michelle: We have a good relationship. We built this friendship and hindi na siya [Michelle] iba sa amin, sa akin.

“She is family because she is the mother of my two step-daughters, so family na kami,” ang tinutukoy ni Regine ay ang anak nina Michelle at Ogie, sina Leila at Leila.

Dugtong pa ng singer, “Ninang na siya ni Nate,” ang anak nina Regine at Ogie.

“Nanay-nanayan siya ni Nate.”

Inaasahan ding magkikita-kita sila muli ngayong darating na Pasko.

“Actually, we have a tradition. Every Christmas, we spend it in Australia,” kung saan nakatira si Michelle ang kanyang pamilya. Dalawa ang anak niya sa asawang si Mark Morrow.

Sabi pa ni Regine, “And my husband and I were talking we wanna give our son a choice someday.

"If he wants to study abroad, we would prefer for him to go to Australia because family is there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ganun kami ka-close na kaya kongipagkatiwala yung anak ko kay Michelle.”


THE PROCESS. Tungkol sa pagiging magkaibigan ng dalawang babaeng nagmahal sa isang lalaki, ang sabi ni Regine, “Pwede naman. My husband really worked hard for all of us to have a harmonious relationship.

"Pero hindi namin yan nagawa by ourselves. God was with all of us, God made it right for all of us and that’s why maganda yung naging resulta kasi we really prayed for that.”

Gayunpaman, may proseso raw silang dinaanan.

“Di naman agad-agad. Syempre may process din yon but it’s not as hard as I thought it would be kasi mabait na tao din si Michelle.

“Hindi siya mahirap pakisamahan. I don’t think I’m a bad person either and as I said my husband really worked on it.”

Ito naman daw ay para sa kabutihan ng kanilang mga anak.

“Primarily, that’s the reason why we really worked on our relationship.

"We wanted our kids to know each other, to see that they have parents na talagang mahal na mahal silang lahat.

“We wanna be good parents so more than anything else that was the priority, that’s why we had a good relationship,” pagtatapos ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN