I Do finalists give advice to single women

IMAGE Noel Orsal

The finalists in reality show I Do: couples Jimmy and Kring (left), Sheela and Chad.


For every woman who has been waiting for her prince to show up and sweep her off her feet, future brides-to-be Kring and Sheela give their take on finding your ideal man and the things to consider before saying “yes” and “I do.”



COMPLETE YOURSELF. “Bago kayo makipagrelasyon, kailangan bilang tao buo ka.

"Kailangan harapin mo yung fears mo, hilumin mo yung sarili mo, bago ka ikasal or i-share mo yung buhay mo sa ibang tao,” blogger and host Kring explains.

Sheela agrees, stating, “Sa amin naman po, kagaya yung answer ni Kring, talagang tumatak sa amin ni Chad yung turo ni coach Pia na bago ka pumasok sa isang relasyon, lalong lalo po sa marriage, dapat kumpleto ka as a person.

“Para yung ibibigay mo yung pagmamahal sa asawa mo, sa magiging anak mo, kumpleto.

“Kung anong bagahe ang dinadala mo, lahat ng dark na nakaraan mo, dapat matuto ka tangapin yun and from there matuto ka.

“Tapos learn to let go yung nakaraan para once mag-asawa na kayo, yung buong ikaw, yung buong puso mo, buong pagkatao mo, buong pagmamahal mo, maibibigay mo sa asawa mo pati sa pamilya mo.”

FORGIVE. The soon-to-be Mrs. Jimmy Kim relates an incident when she told her beau, “Hindi kita papakasalan hangga’t di mo inaayos problema mo sa nanay mo.”

Kring reveals, “Sa I Do lang po niya naisipan harapin yung problema na yun.

“Kaya po talaga natutuwa ako na bumukas po yung puso niya at natuto siya magpatawad.”

She adds that's she has been urging Jimmy to resolve the conflicts in his family and make peace with himself.

To this end, she says her family played a big role in helping Jimmy tie up loose ends with his own family.

“Winelcome rin po siya ng magulang ko, and I’m very proud to say that I’ve come from a well-adjusted and very loving family, so yung mga magulang ko po yung tumayong pamilya niya dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So my parents talaga sinasama siya sa simbahan, pag kumakain kami, kung baga parang ginawa rin siyang part ng family.

“And sabi po sa akin ni Jimmy nakita rin po niya yung hinahanap niyang pamilya sa family po namin.

“And that allowed him na matuto... therefore dapat din siyang maging bukas sa pagbabago na balang araw po ay magbalik din yung relationship nila ng pamilya nila na ganun,” Kring concludes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN