NEWBIE Stephanie Sol relishes big break even as kontrabida

IMAGE @iamstephaniesol on Instagram

Stephanie Sol on tackling villain roles: “Kasi 'di ba nakakatakot maging kontrabida kasi parang baka awayin ka or baka mainis yung tao sa iyo. Pero dun mo makikita kung effective ka as an actress.”


“Before po talaga, naghu-host po ako ng mga events.

“Sa commercials po ako na-discover 'tapos kasi yung relative ko po kilala si Tita Becky [Aguila]

“In-introduce po ako kay Tita Becky 'tapos si Tita Becky po pina-audition po ako dito sa GMA at natanggap naman po ako,” umpisang kuwento ng female newcomer na si Stephanie Sol nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng More Than Words sa GMA Network Center.

Pareho sila ng manager ni Empress Shuck na ngayon ay nasa GMA na ulit.

Wala raw insecurities sa pagitan nilang dalawa.

“Wala po! Actually kasama ko po siya last time, nag-folio shoot kami pero hindi po talaga kami nagkakasama kasi siyempre nasa kabila siya [that time].

“Pero ngayon po na andito na rin siya sa GMA, masaya po kasi mas magiging close kami at for sure magkakasama kami sa work,” lahad niya.

Ang ka-close raw niya sa mga co-talents niya kay Becky ay si Mikoy Morales na kabilang din sa cast ng More Than Words.

“Iba-iba po kasi yung projects namin nung ibang talents ni Tita Becky pero nagkikita kami sa photo shoot,” sabi pa niya.

BOYFRIEND. May boyfriend na ang 20-year old na si Stephanie—ang modelong si Jovic Susim na nasa pangangalaga ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management.

“Matagal na kaming magkakilala pero medyo bago pa lang kami, mga more than six months,” pahayag niya.

Pinagsasabihan raw sila ni Jonas tungkol sa kanilang relasyon.

“Pinagsasaabihan niya po kami na huwag na masyadong mag-post ng pictures pero okay naman po,” at natawa si Stephanie.

Dahil kilalang discoverer at mentor ng mga beauty queens si Jonas, tinanong namin si Stephanie kung hindi siya hinihikayat ni Jonas na sumali sa mga beauty pageants.

Ani Steph, “Siguro po kasi kulang ako sa height.

Five feet three inches lang ang height ni Stephanie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pangarap raw niyang maging beauty queen sana.

“Actually po, nag-Miss Teen Philippines po ako, yung pinaka-una, noong 2004, pero iyon na po yun, masaya na po ako dun.

“Hanggang dun na lang po yung kaya ng height ko!” natatawa niyang pag-amin

Napanood na dati si Stephanie sa Carmela, Niño at Sa Puso ni Dok.

“Ito pong More Than Words yung pinakamalaki so far.”

HAPPY WITH KONTRABIDA ROLE. Kahit kontrabida siya sa More Than Words ay masaya si Stephanie.

Ayon kay Steph, “Kasi it’s my chance to open an opportunity, 'di ba? 'Tsaka feeling ko po, happy ako na kahit kontrabida yung binigay nila sa akin, kasi it means na malakas yung loob ko.

“Kasi 'di ba, nakakatakot maging kontrabida kasi parang baka awayin ka or baka mainis yung tao sa iyo.

“Pero dun mo makikita kung effective ka as an actress. Para makita nila yung other side.”

Going back to her boyfriend, mahirap ba na may karelasyon na male model?

“Supportive naman po sobra si Jovic. Actually minsan kapag ano pinagda-drive pa niya ako, sa taping ganun.

“Kaya mas okay din po siguro yun kasi naiintindihan niya yung trabaho ko, na minsan umaga na.

“So hindi kailangan i-explain kasi iyon din ang ginagawa niya.”

NOT THE JEALOUS TYPE. Ang male models, lapitin ng mga babae… at bading.

“Okay lang po sa akin yun!”pakli niya.

Hindi raw siya nagseselos.

Paliwanag niya, “Kasi alam ko din na part yun ng trabaho, na siyempre guwapo yung boyfriend ko so, 'di ba? Mas okay na yun.”

Kapag niligawan ng bading si Jovic?

Kuwento niya, “May narinig na po ako. Okay lang, okay lang sa akin yun, at least alam ko na, sinasabi naman po niya sa akin kapag may nagpaparamdam.

“Sinasabi ko sa kanya, ‘Basta ikaw ang bahala, alam mo na kung ano yung grounds mo, kung ano yung gusto mong gawin.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya selosa.

Rason niya, “Basta open and honest lang yung communication, iyon na yun, e.

“Parang kailangan ng trust, lalo na dito sa industriya natin.

“Kung hindi ka magta-trust, kung selosa ka, baka matsismis ka lang, mag-aaway na kayo, maapektuhan yung trabaho mo, so hindi ito nakakatulong.

“So hindi na. Alam naman natin na nasa showbiz kami, trabaho namin ito, so wala, understanding lang, like any other relationships, ganun.”

SHOWBIZ IDOLS/CRUSHES. Sa tanong kung sino among our actresses ang nais na maging, deklara niya, “Gusto kong maging ako, si Stephanie Sol!”

Pero may mga idolo raw siya.

“Sa ganda at sa galing sumayaw, sa aura, si Ate Marian [Rivera]. Pero sa, like sa acting na versatile, gusto ko si Chynna Ortaleza.

“Nakita ko yung Dementia niya, yung #Y niya, nag-iiba siya so iyon, yun ang gusto ko,” lahad din niya.

Crush naman ni Stephanie si Dennis Trillo.

“Pero si Tom Rodriguez, nakita ko nung nag-guest kami sa Don’t Lose The Money, as in nahiya ako sa kanya,” ang natatawang kuwento ni Stephanie.

Alam naman raw ng boyfriend niya na may mga crushes siya sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN