Aubrey Miles reveals why she and Troy Montero remain unmarried after 11 years

IMAGE File

Aubrey Miles on why she and Troy prefer to remain unmarried: “Lagi naman naming napag-uusapan ni Troy ang tungkol diyan. But we feel na okey naman kami—maganda naman ang pagsasama namin."


Eleven years na palang nagsasama ang showbiz couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.

Na-feature sila sa programang Power House ng host na si Kara David sa GMA NewsTV last November 19.

Pero bakit hindi pa sila magpakasal?

Rason ni Aubrey, “Lagi naman naming napag-uusapan ni Troy ang tungkol diyan. But we feel na okey naman kami—maganda naman ang pagsasama namin.

“'Tsaka kung mag-decide kaming magpakasal ni Troy, kailangan na maging American citizen ako at kailangan tumira kami sa U.S.

“Paano na ang work ni Troy dito? Paano rin ang negosyo namin dito?

“Mahirap din na i-uproot ang mga bata sa nakasanayan na nilang buhay dito sa Pilipinas, ‘di ba?

“Maybe someday, mangyayari din ang magsusuot ako ng wedding gown.”

POST-PROD WORK. Si Troy ay matagal nang inactive sa kanyang showbiz career, at pinasok na nito ang pagtatrabaho bilang isang producer sa isang post-production company na humahawak ng high-end TV commercials, movies at kung anu-ano pang mga requirements ng mga top agencies na kliyente nila.

More than five years nang ginagawa ito ni Troy, at kita naman na masaya siya sa kanyang ginagawa.

BEGINNINGS. Pinasok ni Troy ang mundo ng showbiz noong 1998 at naging mabilis ang pagsikat niya.

Nabigyan siya agad ng hosting job via Keep On Dancing sa ABS-CBN at naging leading man siya ni Jessa Zaragoza sa pelikulang Bakit Pa? The Movie noong 1999.

Nakapareha rin niya sa mga pelikula sina Rufa Mae Quinto (Super B), Keanna Reeves (Binibining K), Vina Morales (Eto Na Naman Ako) at Judy Ann Santos (Dito Sa Puso Ko).

Ani Troy, “It’s a lot quieter life now.

“And it’s something stable because I already have a family.

“Compared to being in showbiz, you don’t get the same amount of projects unlike before.

“Times have really changed and there are new actors coming out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We need to work on something else in order to provide for the family."

MISSES SHOWBIZ LIFE. Paminsan-minsan naman daw ay nami-miss din ni Troy ang showbiz.

“I miss it sometimes. Konti lang.

“I used to be so busy with my career before. But now everything’s different.

“Minsan, I guested in this show last year and it’s the waiting that really gets me.

“I said to myself, ‘This is the reason I left this job!’

“I would rather be doing other stuff like work in an office where there are proper working hours.

“But I don’t regret anything at all.

“Showbiz was a big part of who I am today. Pero ngayon, I chose a different life and I am much happier with this one,” diin niya.

DADDY DUTIES. Masaya si Troy sa daddy schedule sa anak nila ni Aubrey na sina Maurie at Hunter.

“I get up at 5:30 in the morning and I wake up the kids. I fix their breakfast and I drive them to school.

“That’s what I do every day and I don’t get tired of it,” pagmamalaki ng proud daddy.

PAWNSHOP BUSINESS. Si Aubrey naman ay mas gustong asikasuhin na lang ang kanyang negosyong pawnshop kesa sa magpakapagod siya sa showbiz.

Nagsimula itong magtrabaho sa edad na 16, at nakasama siya sa dating show ni German Moreno na Best Friends sa GMA-7. Ilang beauty pageants din ang sinalihan ni Aubrey bago siya nabigyan ng break ng Regal Films in 2002 sa pelikulang Prosti.

Naging in-demand sexy leading lady si Aubrey at nakapareha niya sa pelikula sina Bong Revilla (Exodus), Vhong Navarro (Gagamboy), at Jon Hall (Xerex).

Lumabas din siya sa mga teleserye na Rounin at Amaya.

“Noong pumasok naman ako sa showbiz, wala sa intensiyon ko na forever akong nasa trabahong iyon. Ayokong tumanda sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yung buhay na magpapasaya sa akin habang-buhay. At tama naman na napili ko ang buhay na ito with Troy and my kids.

“Sila ang happiness ko ngayon,” ngiti pa ni Aubrey.

SECRET TO LASTING RELATIONSHIP. Ang secret nga raw ng magandang pagsasama nila ni Troy ay ang malaking respeto nila para sa isa’t isa.

Ayon kay Aubrey, “We don’t embarrass one another in public. Nandoon parati ang respect namin for one another.

"Kung may problema, sa bahay namin pinag-uusapan at hindi sa labas.

“And siyempre, we have unconditional love for one another.”

Dagdag naman ni Troy, “We give each other time and space.

“If one of us is having a bad day, we go to our respective corners to chill out. We’ll talk if things are okay.

“And I believe in the saying, 'Happy wife, happy life.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN