NEWBIE Coleen Perez doesn't mind being mistaken for Coleen Garcia

IMAGE @coleengarcia on Instagram

Coleen Perez says she doesn't mind being mistaken for Coleen Garcia: “Hindi naman po. Kasi ako I have my own identity, I have my own personality, and I have my own skills din naman po to show.”


“Actually po, I was singing in a concert and then one handler handed me his card, sabi niya, ‘VTR ka sa agency namin.’

“And then iyon po, nag-VTR ako and then after that nabigyan nila ako ng mga commercials.

“And then after po ng commercials, nag-try out ako for GMA Artist Center.

“So siguro mga five to six months din bago ako natanggap ng Artist Center.

“It was really worth the wait for me.

“November po ako nag-audition, last year po, so siguro na-sign in ako mga April.”

Pinakaunang regular show ni Coleen Perez ang More Than Words na kasalukuyang umeere ngayon sa GMA.

“But then lumabas na rin naman ako sa kanila, I joined the Bagong Gang search of Bubble Gang but unfortunately I wasn’t able to make it to top six, top eight lang po ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen sa presscon ng More Than Words sa GMA Network Center.

Ang serye ay pinagbibidahan nina Janine Gutierrez (as Ikay/Katy Perez] at Elmo Magalona (as Hiro/Juan Sebastian Santillan III).

Nasa More Than Words din sina Ms. Jaclyn Jose bilang Precy; Gardo Versoza bilang Victor; Yayo Aguila bilang Marissa; Enzo Pineda bilang Nate; Stephanie Sol bilang Belle; Mikoy Morales bilang Chester; Mayton Eugenio bilang Chelsea at si Coleen bilang Molly.

Balik-tambalan din dito ang sikat na loveteam noong '80s na sina Leni Santos (bilang Rose) at Rey “PJ” Abellana bilang si Emil.

FIRST SERYE. Ano ang pakiramdam na sa wakas ay mayroon na si Coleen na regular drama series?

“Very happy! Very overwhelmed po ako and very thankful kasi ang ganda po ng ibinigay nila sa aking character.

“She’s not just a mean girl pero, medyo slow kasi siya, so naging happy ako na I get to work with a craft na I can bring more life kahit na lagi lang siya lost, I can bring more life to the character.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH JANINE. Kontrabida siya kay Janine sa show.

“Yes po, kaming tatlo po nina Stepahnie Sol and Mayton Eugenio. Kontrabida po kami,” ani Coleen.

Kumusta maging kontrabida kay Janine na isa sa mga prinsesa ng GMA?

“Actually very, okay naman siya kasi si Janine, personally mabait so parang yung rapport, na-build namin agad.

“And then when you step into the character naman, okay we’re mean girls, get naming lahat yun, na,

‘Uy masama kami, wala nang anuhan, ha? Basta bu-bully-hin ka namin!’

“And she’s very ano, kumbaga with acting, give and take lahat ng feelings kaya madaling nagagawa po yung mga eksena,” patuloy pa ni Coleen

NOT WORRIED ABOUT BEING COMPARED TO HER NAMESAKE. Hindi naman raw siya worried na maikumpara sa young female star ng ABS-CBN na si Coleen Garcia.

Tanggi niya, “Hindi naman po. Kasi ako I have my own identity, I have my own personality, and I have my own skills din naman po to show.

“And she’s more of like I think hosting. Though I do host but then I’m more of, I wanna incline and go on more to the acting side.

“That’s what I want to explore kasi I love doing that.”

Nakagawa na rin ng indie movie si Coleen, ang First Ko Si Third kunsaan gumanap siya bilang young Nova Villa.

SHOWBIZ IDOLS. Nais sundan ni Coleen ang mga yapak ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sabi niya, “She’s really versatile and I’ve been watching her ever since Dyesebel, iyon po kasi yung una na parang pansin na pansin ko talaga siya.

“And then yung after niya ng Temptation Of Wife, kumbaga yung character niya, kahit saan siya ilagay, bagay na bagay, puwedeng-puwede siya, nagagawa niya ng mabuti.

“Plus sila Carla Abellana, isa pa po yun very versatile tsaka yung emotions kasi niya laging solid na nakikita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then one more that I really like po na pinapanood ko kasi siya sa Hiram Na Alaala, si Kris Bernal.

“Ang galing niyang umiyak so parang sabi ko, ngayon Molly [Coleen’s character in More Than Words], is very cheerful, very light, kontrabida pero gusto ko ring mapakita yung talent ko in drama.

“Just like what I did in Magpakailanman, in Magpakailanman I played a role of a tomboy na unaccepted. Na may kapatid na gay, si Rodjun [Cruz].

“So yung mga ganung character po, gusto ko yung mga ganun.

“Gusto ko lahat ng genre ma-try ko.”

Pero ayos lang raw kay Coleen kung sa una niyang drama series ay kontrabida siya.

“Yes po, why not?

“Kahit naman pong anong ibigay sa akin ng GMA na role, e gagampanan ko po yun sa pinag-aralan ko na craft, sa workshops, sa lahat ng makakaya ko,” pagmamalaki niya.

CRUSH ON ALDEN. Showbiz crush ni Coleen si Alden Richards.

“Kasi ano siya, he’s really a good actor, ang galing niyang umiyak. Plus he’s really nice.

“When you see him around, he smiles at everybody,” pagpuri niya kay Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN