Daniel Matsunaga makes football one of his advocacies

Daniel Matsunaga is set to hold a concert titled Hot Spot, which will benefit kids who want to learn football.


Sariling initiative ng PBB All-In grand winner na si Daniel Matsunaga ang magkaroon ng benefit concert sa Huwebes, December 4, sa Music Museum.

Puwede na ring sabihin na paraan niya ito ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong November 28.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel noong November 29, sa isang recording studio sa Kamuning, Quezon City, kunsaan nagre-record siya ng mga kantang kakantahin sa concert kasama ang mga Mercator talents at ilang PBB housemates.

Ang naturang benefit concert na may titulong Hot Spot, at mga bata ang kanyang magiging beneficiaries.

Pahayag ni Daniel, “May bago akong ano… Football Academy para sa mga bata, dito sa Pilipinas.

"Ang makukuha sa concert, para sa libreng training ng mga bata para matuto silang mag-football, mag-soccer and, at the same time, have fun.

“I love kids, that’s why.

"I always want to work with kids and it’s a big opportunity.

"It’s nice to have that and if it’s going to be successful, sana people will also join the Football Academy, and it’s going to be a lot of fun.”

BOOSTING FOOTBALL. Nasa Brazil pa lang si Daniel, mahilig na raw talaga siyang maglaro ng football.

At nadala niya ang hilig niya sa naturang sports dito sa Pilipinas.

Aniya, “Since noong bata ako, nag-football ako sa Brazil and sa ibang bansa.

"So dito sa Pilipinas, why not work with kids, ‘di ba?”

Nakikita ba niyang mahina pa ang larong football sa bansa?

“Hindi mahina, starting pa lang, e.

"It’s not yet sikat like the other country, but it’s getting much bigger.

"Yung main sports kasi rito, basketball so football is getting bigger.

“Five years ago, wala pa, ‘di ba? Ngayon lang yung Azkals, tuloy-tuloy ang games nila.

"And they’re doing very good.

"Football is starting to be more famous and people are starting to know more about football here in the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN