Dalawampu’t limang bata na recovering cancer patients mula sa Philippine Children’s Medical Center ang pinaligaya ni Edu Manzano noong Miyerkules, December 10.
Ang mga bata ay pasyente ng Adrian Manzano Cancer Wing, ang out-patient facility ng PCMC.
Project ni Edu ang Adrian Manzano Cancer Wing bilang tribute sa kanyang pumanaw na ama.
Active sa charity works si Mr. Adrian Manzano noong nabubuhay pa ito, at ipinagpapatuloy ni Edu ang passion ng kanyang ama sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Pormal na binuksan ang AMCW, na kinikilala bilang nag-iisa na chemotherapy at blood transfusion ward para sa mga bata, noong February 3, 2011.
Kamakailan, dinala ni Edu ang recovering cancer patients sa Enchanted Kingdom dahil sa kanyang paniniwala na, “You just don’t treat the ailment, you also treat the spirit.”
Kasama ni Edu sa theme park sa Sta. Rosa, Laguna, ang mga magulang, doktor at nurse ng recovering cancer patients.
Dahil kay Edu, naranasan ng young patients mula sa AMCW na maging normal at gawin ang mga ginagawa ng mga bata na walang karamdaman.