Jennylyn Mercado wishes good health for herself and compassion among Filipinos this Christmas

IMAGE Noel Orsal

Bilang isang ina, mahalaga raw kay Jennylyn Mercado ang magandang kalusugan ngayong Pasko. Ito ang kanyang tanging hiling sa Diyos upang patuloy daw siyang makapagtrabaho para sa pamilya.


Maituturing daw na most memorable Christmas ni Jennylyn Mercado ang taong 2008.

Ito kasi ang taon ng kapanganakan ni Alex Jazz, ang anak nila ng ex-boyfriend na si Patrick Garcia. Nitong nakaraang Agosto ay six years old na ang bata.

Kuwento ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro yung first Christmas ko with Jazz, that’s the most memorable. Kasi kumpleto talaga, even yung mga ibang lugar, talagang nagpunta to see Jazz.”

Bilang isang ina, paaano ba niya ipinapaliwanag sa anak ang tunay na diwa ng Pasko?

Saad ng 27-year-old single mom, “Christmas is birthday ni Baby Jesus, and Christmas is a season na kung saan masaya ang lahat ng mga bata.

“Magkakasama ang pamilya, may handaan, gift-giving.”

Wala pa raw maisip si Jen na ireregalo sa sarili, kay Jazz kaya?

Tugon nito, “Nahihirapan ako sa ngayon kasi parang lahat ay nasa kanya na.”

CHRISTMAS WITH THE FAMILY. May mga Christmas traditions ba sila sa bahay kapag araw ng Pasko?

Sagot ng singer-actress, “Laging relatives, kailangang kumpleto, hindi puwedeng kulang.

“Sa house lang. Ganun pa rin, the usual, kailangang magkakasama yung buong pamilya.”

May Christmas wish ba siya para sa sarili?

Lahad nito, “Good health kasi kung hindi maayos yung pangangatawan namin, wala kaming magagawa, lalo na ako.

“I’m working too hard, working almost every day, so hindi ako makakapagtrabaho lalo na kung hindi maganda yung pangangatawan. So good health, okay na ako dun.”

May wish ba siya para sa bansa ngayong kapaskuhan?

Dasal niya raw na magtulung-tulong ang lahat ng mga Pilipino.

Dagdag pa niya, “Wish ko maging maayos ang Pasko ng lahat ng mga Pilipino, lahat ng tao magtulung-tulong siyempre para makaraos din yung iba galing sa sakuna.

“Magtulung-tulong lahat ng mga tao para yung mga hindi rin pinagpala, kailangan kahit papano maka-experience sila ng magandang Pasko. “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa December 25 naman, ipapalabas ang pinagbibidahang pelikula ni Jen kasama si Derek Ramsay, ang English Only Please, na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN