Rocco Nacino and mom bring Christmas cheer to children with cancer

IMAGE courtesy of Mrs. Linda Nacino

Rocco Nacino: “Kahit no’ng hindi pa ako artista, ginagawa na namin ito. Naging advocacy na namin since my mom is a cancer survivor."


Sinorpresa ni Rocco Nacino ang mga batang may sakit na cancer sa National Children’s Hospital sa Quezon City.

Nangyari ito noong December 21, kung saan namigay ng mga regalong laruan ang actor na may kalakip ding cash gift sa bawat isa sa limampung pasyenteng naroon.

Bakas sa mga mukha ng mga paslit ang hirap ng pakikipaglaban sa kanilang karamdaman.

Pero nang makita si Rocco dala-dala ang mga pamasko para sa kanila ay nagliwanag ang kanilang mga mukha.



ADVOCACY. “Kahit no’ng hindi pa ako artista, ginagawa na namin ito,” sabi ni Rocco nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Parang naging advocacy na namin ito since my mom nga is a cancer survivor.

"So every year, kapag birthday ko o ganito ngang Christmas season, we choose a location.

“Basta every year, kailangang magawa namin ‘yong ganito, to share the love,” nangiti pa niyang sabi.

“It’s our way of giving back dahil maraming blessings na dumarating sa akin.

“Napakaliit na bagay lang ito pero as you can see, tini-treasure ng mga bata even if they are really in pain.

"Kahit paano ay napapasaya natin sila at masarap sa feeling na you see them smile.

“And these kids, ‘yan ang age na dapat naglalaro sila at nakikipaghalubilo sa ibang mga bata sa labas.

“But they are spending their Christmas here in the hospital.

“Kaya nga napag-usapan namin ni Mommy 'tsaka ng mga high school friends niya at ng Roccofellas (tawag sa hukbo ng kanyang tagahanga) na puntahan sila.

“Para kahit paano ay mabigyan namin sila ng tuwa at makalimutan nila ‘yong sakit na nararamdaman dahil sa treatment procedures na ginagawa sa kanila.

“’Yong nakikita kong nakakaantig na kalagayan nila, that makes me realize kung gaano kahalaga ang buhay.

"It gives me this sense of fulfillment na dapat ginagawa ko ito dahil lahat ng natatanggap ko, galling kay Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ito is just temporary. So i-share dapat sa mga nangangailangan.”

Kahit busy si Rocco sa trabaho ay gumawa raw ito ng paraan para makapaglaan ng panahon sa mga batang may cancer sa National Children’s Hospital.

At bale ang naging pahinga niya ay noong December 24 at 25, na siyang break ng taping niya para sa Hiram na Alaala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN