Rocco Nacino's mom Linda on Lovi Poe: "Mabait siyang bata... Para na siyang family member."

IMAGE courtesy of Mrs. Linda Nacino

Does Linda Nacino (inset) see Lovi Poe as a future daughter-in-law? “Wala pa sa isip nila ‘yan! Mga bata pa sila. Matagal pa siguro ‘yon," she says.


Masaya si Rocco Nacino sa relasyon nila ni Lovi Poe, kaya happy rin ang mommy niyang si Mrs. Linda Nacino.

“Ang magulang kasi, you just want what is best for children, 'di ba?” aniya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa gift-giving nila sa mga batang cancer patients sa National Children’s Hospital.

Dagdag na pahayag pa ni Mommy Linda tungkol kina Rocco at Lovi, “’Yong mga bagay na iyon, pinag-pray ko talaga.

“Na ibigay ni Lord ang tama, bigyan sila ng guidance.”

One hundred percent na boto ba siya kay Lovi?

“Walang problema do’n, kung saan masaya ang anak namin.

“Si Lovi, mabait siyang bata and, the good thing is, they go to Church together.

“Actually kapag nakaka-miss sila ng Church service, nag-i-email pa ako ng podcast para magkaroon sila ng guidance.

“Para na siyang family member, nakakasama pa namin siyang kumain kung minsan.

"Lagi namin siyang naisasama sa Victory Church.

“Okey naman. I’m happy for them.”

Future daughter in law na ba ang tingin niya kay Lovi?

“Wala pa sa isip nila ‘yan!” natawang sagot ni Mommy Linda.

“Mga bata pa sila. Matagal pa siguro ‘yon.

“Kumbaga, they enjoy muna kung ano ‘yong stage ng relationship nila ngayon.

"And sinasabi rin naman nila na bukod sa kanilang trabaho ay may iba pa silang mg priorities na gustong unahin.”

FAMILY ADVOCACY. Kita sa mukha nina Mommy Linda, Rocco, at iba pang nakasama sa kanilang gift-giving, ang kasiyahan nung napangiti nila ang mga bata sa National Children’s Hospital.

“Advocacy na namin ‘yan, to help kids battling cancer.

"In the past years, ginawa na rin namin ang ganito sa Philippine Children’s Medical Center, 'tapos sa Cancer Warriors Of The Philippines.

“Ano rin kasi ako, cancer survivor, kaya talagang alam ko ‘yong ordeal ng mga cancer patients."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sixteen years na raw siyang cancer-free, pero hndi raw makakalimutan ni Mommy Linda yung hirap na dinanas niya sa treatment process.

"Talagang my heart is with them.

“Biruin mo, dapat naglalaro ang mga batang ‘yan.

"Paskong-Pasko pero nandiyan sila at nagki-chemo therapy.

“So at least kahit papa'no, mapasaya namin sila.

“Ten years na naming ginagawa ito, taun-taon.

"Hindi pa artista si Rocco nang simulan namin ito, 'di ba nurse si Rocco?

"I always tell him na kaya rin siguro siya na-bless ng magandang takbo ng kanyang career o profession is to be a channel of blessings.

“So feel na feel namin iyon.

"Na talagang kapag nag-share siya ng blessings, bumabalik sa kanya a hundred fold.

“Talagang ito from the heart kasi iba ‘yong joy of giving, 'di ba?

“Para sa amin, iyon ang true meaning of Christmas.

"Nagsimula lang kami sa maliliit na goodie bags na kapag ma-traffic namimigay kami sa mga streetchildren.

“Ako nga na-amaze na umabot sa puntong ganito na pati high school friends ko at mga fans ni Rocco, with just one post na sabi ko, 'we are giving gifts to the kids who are battling cancer...'

“Hayan, ang dami nilang sumuporta at tumulong sa amin.

"Kaya nakakatuwa talaga,” pagtatapos ni Mommy Linda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN