NEWBIE. Miggy Jimenez waits for chance to be leading man: “Hindi naman po tayo nagmamadali.”

IMAGE Courtesy of GMA-7

Newcomer Miggy Jimenez would like to follow in the footsteps of his Kapuso idols: “Pero kung may chance na mabigyan po tayo ng break, siyempre po, gusto ko po na katulad nila Kuya Dingdong, Kuya Dennis at Kuya Tom. Sila ang mga nagiging inspirasyon namin sa pagiging artista.”


Matinee idol-in-the-making na ang former Kapuso child actor na si Miggy Jimenez.

Una siyang lumabas sa QTV-11 cooking show na Daddylicious with Chef Nino Logarta sa edad na 10 years old.

Ngayong 15 taong gulang na siya, nakalabas na si Miggy sa ilang shows ng GMA tulad ng Tropang Potchi, Futbolilits, One Day Isang Araw at With a Smile.

Ngayon ay kasama siya sa bagong primetime series ng GMA na Once upon a Kiss kunsaan bida sina Miguel Tanfelix bilang Prince Almario at Bianca Umali bilang Ella.

Gagampanan ni Miggy ang papel ni Micky, best friend ni Prince, pero magkakagusto rin siya kay Ella.

“Parang magkakaroon kami ng love triangle of sorts. Sa story po kasi ay maku-comatose si Prince dahil naaksidente sila ni Ella.

“Magkakagusto ako kay Ella. Tapos biglang magigising si Prince.

“Doon na kami parang magkakaroon ng problema dahil na-in love na ako sa girlfriend ng best friend ko,” kuwento pa ni Miggy sa press launch ng Once upon a Kiss noong December 19 sa GMA Annex Building.

BEST FRIENDS. Okey lang daw siya sa mga roles bilang best friend si Miggy dahil wala pa naman daw siyang masasabing ka-loveteam niya.

“Hindi naman po ako nagmamadali. Ini-enjoy ko muna itong mga roles na binibigay sa akin ng GMA-7.

“'Tsaka si Miguel at Bianca po ang bini-build up ngayon ng network. Pinapalakas nila yung BiaMi loveteam.

“Pareho ko pong kaibigan sina Miguel at Bianca, kaya okey lang na sumuporta ako sa kanila.

“Si Miguel nakasama ko siya noon pa sa Futbolilits. Si Bianca naman ay matagal kong nakasama sa Tropang Potchi.

“Kaya masaya ako para sa kanilang dalawa dahil natutupad na ang mga pangarap nilang maging bida sa sarili nilang teleserye,” ngiti pa ni Miggy.

SHEDDING BABY FAT. Puwede na ngang ma-build up si Miggy bilang future leading man dahil bukod sa guwapo ay matangkad ito para sa edad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon po at 15, I am already 5’8". Sana po umabot ako sa pagiging 6-footer!” tawa pa niya.

“Akala nga po nila hindi ako tatangkad. Kasi noong bata po ako, mataba ako 'tapos pandak.

“Pero noong nag-13 years old na ako, doon medyo tumangkad na ako, tapos nawala na yung ibang baby fat.

“Kailangan ko pa rin magpapayat. On January 23 po, I will be turning 16 years old. Kaya nagbibinata na po tayo,” pagmamalaki niya.

LEADING MAN MATERIAL? Ready na ba siyang ma-build up bilang next Kapuso leading man tulad nila Dingdong Dantes, Dennis Trillo o Tom Rodriguez?

“Masyado pa pong maaga para isipin na puwede akong maging leading man.

“Pero kung may chance na mabigyan po tayo ng break, siyempre po, gusto ko po na katulad nina Kuya Dingdong, Kuya Dennis at Kuya Tom.

“Sila ang mga nagiging inspirasyon namin sa pagiging artista.

“Magagaling po silang umarte at ang ma-build up na tulad nila ay isang malaking challenge para sa tulad naming mga nagsisimula pa lang.

“Marami naman pong nauna sa akin, kaya willing naman po akong maghintay ng chance ko.

“Sa ngayon, okey po na support muna tayo. Tulad po nang sinabi ko, hindi naman po tayo nagmamadali,” diin pa ni Miggy.

CRUSHES. Kung sakali nga raw na mabigyan siya ng big break, ang gusto raw niyang maging leading lady ay ang kanyang showbiz crushes na sina Heart Evangelista at Anne Curtis.

“Kunwari lang naman po, ‘di ba?” sabay tawa niya.

“Matagal ko na pong crush ang dalawang ‘yan. Si Heart ilang beses ko na pong nakikita dito sa studio ng GMA-7. Si Anne naman po, napapanood ko siya sa TV at pelikula.

“Gusto ko pong leading lady si Heart sa isang teleserye, at si Anne naman po sa isang pelikula.

“Libre naman po ang mangarap, ‘di po ba?” ngiti pa ni Miggy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO GIRLFRIEND YET. Kahit na mukhang pilyo sa chicks si Miggy, wala pa pala itong naging girlfriend. Hindi pa raw nito nararanasan ang manligaw.

“Huwag daw po muna sabi ng parents ko.

“Bata pa naman daw po ako at gusto nila na mag-concentrate ako sa studies ko at sa work ko sa TV.

“Gusto ko rin po minsan na manligaw na, kasi yung ibang mga kaibigan ko ay may mga girlfriends na.

“Pero natotorpe po ako, e. Hindi pa ako ready na manligaw.

“Tsaka magugulo lang daw po ang pag-iisip ko kung ipilit kong magkaroon ako ng girlfriend ngayon,” tawa pa niya.

SCHOOL WORK. Naka-home study program si Miggy simula noong 2nd year high school dahil nagkasunud-sunod ang mga trabaho niya sa TV.

Pero ang maganda ay graduating na siya sa March 2015.

“College na po ako next year. Pinagpipilian ko po ang tatlong courses: Mass Communication, Aeronautical Engineering or Culinary Arts.

“Marami po akong gustong gawin kaya hindi po ako makapili.

“Pero kung may napili na po ako, yun ang pinakagusto ko talaga.

“Gusto kong maging proud ang parents ko na matatapos ko ang pag-aaral ko kahit na nasa showbiz po ako,” pagtatapos ni Miggy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN