Janice de Belen gives love advice to daughters: “Huwag kang paalipin sa pag-ibig.”

IMAGE Noel Orsal

With experience as the best teacher, Janice de Belen encourages her daughters not to be consumed by their relationships. She says, “Huwag mong ibase ang mundo mo sa kung ano ang gusto ng lalaki. Dapat kung ano yung gusto mo. Kasi, you’re a separate entity. It should always be like that.”


Dalaga na ang mga anak na babae ni Janice de Belen at ang eldest daughter niya na si Inah ay may non-showbiz boyfriend na raw.

Lagi raw ang paalala ni Janice sa mga ito na mag-ingat sa pakikipagrelasyon at huwag munang ibibigay lahat.

Diin niya, “When you say ibigay ang lahat, kasi ako, well, record-holder ako kapag umibig.

“Parang iyon na lang ang mundo.

“Iyon ang sinasabi ko sa kanila… it doesn’t necessarily mean that it's always about sex.


“It’s not always about that. Of course, kailangan i-educate mo sila about sex, but it’s not always about that.

“Huwag kang ano… huwag kang paalipin sa pag-ibig, huwag sundin ang lahat.

“Huwag mong ibase ang mundo mo sa kung ano ang gusto ng lalaki.

“Dapat kung ano yung gusto mo. Kasi, you’re a separate entity. It should always be like that.”

PARENTING STYLE. Si Inah ay nag-aartista na rin at may pahayag ang ex-husband niyang si John Estrada na bawal pa raw makipag-kissing scene ito. Okey ba ito kay Janice?

Saad niya, “Siguro kasi, pagdating diyan, mas ano ako ng konti, I think I’m more liberal.

“Because when you’re chosen to do a job sa pag-aartista, may mga hinihingi ang trabaho natin na mga ganyan na kissing scene.

“E, like I said, I can only practice what I can be credible about.

“Kami ni John, siguro magkaiba kami ng views sa mga bagay-bagay.”

Halimbawang makumbinse si Inah na mag-pose na sexy sa isang men’s magazine, okey ba sa kanya?

Ani Janice, “Hindi naman niya kailangang gawin yun. Yung mga bagay na yun, ang sabi ko, ‘Hindi mo kailangang gawin ‘yan.”

ENCOURAGING KIDS TO TALK. Nag-uusap ba sila, o kaya, may mga nasasabi ba siyang advice sa panganay niyang dalaga, ngayong may boyfriend na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Janice, “Hindi kailangan ng talk yung ganung bagay.

“Actually, hindi kasi ako naniniwala... yung isi-set aside mo, itu-talk mo para sabihan ng mga ganung bagay.

“I’m not incorporated into their daily lives.

“Minsan, the best time, I believe, to talk about serious things is when we’re eating out.

“Kapag magkakasama kaming lumabas, nagkukuwentuhan kami. I’m very open to hearing them speak their minds.

“Kasi if you do not allow them to speak their minds, you will never know what they’re thinking.

“Or kung ano yung mga beliefs nila sa mga bagay-bagay. So sa akin, mas gusto kong naririnig kahit na ano...

“Kung ano ang tingin niya sa ganitong bagay o kung ano ang views niya sa ganyan.

“At least alam ko kung ano ang nasa isip nila, ‘di ba? So our talks start from there.”

TOO YOUNG FOR MARRIAGE. Naiisip ba niya na baka malapit nang mag-asawa si Inah?

“Naku, 'no! Ang bata pa niya para mag-asawa!

“Sinasabi ko lagi sa mga anak ko, “I-enjoy n’yo yung kabataan ninyo. Kasi hindi na babalik ‘yan.

“Kapag na-lost, lost na ‘yan. Wala na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN