Ogie Alcasid and Regine Velasquez happy that Nate gets along well with older sisters Leila and Sarah

IMAGE @ogiealcasid on Instagram

Nitong naraang Pasko, nagkasama-sama sa Australia sina Leila (main, left) at Sarah (main, middle) na mga anak ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren, at Nate (inset), na anak ng TV5 star kay Regine Velasquez.


Itinuturing ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na isa sa pinakamasayang bakasyon nila itong nakaraang Pasko sa Australia.

Feeling ni Ogie, nabitin sila sa siyam na araw na bonding kasama ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah.

“Siyempre, like all vacations e bitin,” bulalas nito nang sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang presscon ng TV5, kung saan kabilang sa mga ini-launch ang bagong talent search niyang The Rising Stars.

Dagdag pa niyang pahayag; “Feeling nga namin, kararating lang namin dito 'tapos aalis na tayo. It’s always hard to say goodbye.

“Pero next year, sila naman ang magbabakasyon dito.”



REALIZATION. Sa huli nilang bakasyon, isa sa mga napagtanto ni Ogie ay ang mabili na paglaki ng kanyang mga anak.

Si Nate nga, nakakasabay na sa usapan ng mga ate niya.

Nag-post si Ogie sa kanyang Instagram account tungkol sa nakuhang P (Provisional) driver's license ng anak niyang si Leila.

Ang ibig sabihin daw nun ay puwede nang magmaneho ng kotse ang anak niyang mag-isa.

Hindi kagaya ng may hawak na L (Learner) na license na dapat ay may kasamang adult na may P driver’s license.

“Siyempre as a father medyo…ang laking realization na ang laki na ng anak mo. Nakikita mo na yung anak mo na kung saan niya gustong pumunta, puwede. Ganun talaga, e,” napapangiti niyang pahayag.

“It’s a nice thing pero meron ding ano…na huwag naman sana siyang lumaki agad. Pero ganun talaga, e.

“Imadyinin mo, Leila will be 18 this year, Sarah will be 13, and then Nate will be four. So, ang bilis ng panahon,” ang medyo senti niyang pahayag.

"BLESSING." Pero kahit ganun na raw kalaki ang mga anak niya, parang baby pa rin daw ang turing niya, lalo na’t nakikita niyang masaya silang nakikipag-bonding kay Nate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay ang ganda! Priceless yun,” bulalas ng singer/songwriter.

"Lalo na si Sarah, 12 pa lang na medyo baby pa rin na sobrang close kay Nate at ang ganda nilang tingnan. Rare yun!

"Isa ‘yan sa masasabi kong sobrang blessings sa family namin.

“Sabi ko nga, ang daming pamilya na nasa sitwasyon namin na nagkahiwalay pero nag-aaway. Ang hirap nung ganun, lalo na sa mga bata.

“I can see that my kids na nakikita nilang nagmamahalan kaming isang pamilya, lumalaki silang maayos. Thank you, Lord!” masayang pahayag ni Ogie.

EXCITED REGINE. Nagkuwento rin ang Asia's Songbird sa presscon ng Ultimate concert na ginanap sa Luxent Hotel noong January 19.

Nagbakasyon rin daw kasi dito nung nakaraang taon si Michelle kasama si Sarah, at doon nila kung gaano ka-close si Nate sa kanyang ate.

Ani Regine; “Kasi, you can really converse with him [Nate] now. Kaya lang his nose is bleeding from English, he’s so funny."

Natatawa pang kuwento nito, “When her ate came here, nagbakasyon kasi sila ni Michelle dito nung mga October yata yun.

“Tinatanong niya si Sarah, ‘Ate Sarah, Ate Sarah you…gusto mo 'to?' Hindi niya kinaya talaga. He’s so adorable.

"The two girls, they’re so crazy about him. Kasi they can converse with him na, ang cute nila.

“And of course Michelle, wala na, nasira na ang ulo ni Michelle sa kanya. Hindi na niya kinaya ang ka-cutean ni Nate.”

Excited si Regine sa pagbakasyon dito nina Michelle sa susunod na Pasko. At dahil tapos na raw ang pagpapaayos ng bahay nila, dapat doon na raw sila titira at hindi na sa hotel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN