Regine Tolentino and Lander Vera Perez reveal how they patch things up: Zumba!

IMAGE Rose Garcia

Regine Tolentino and Lander Vera Perez wish to have a baby boy "in God's time." For now, "...nag-e-enjoy kami sa pagsu-Zumba."


“Alam niyo, kapag asawa niyo si Regine Tolentino, mahihiya kang hindi humataw,” ang nakangiting pahayag ni Lander Vera Perez nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 31, sa Robinsons Manila para sa ikalawang taon ng Z Stars Philippines:Victory Party.

Sa naturang event, nagsama-sama ang mga licensed Zumba instructors, kasama na ang mag-asawang Jopay Paguia at Joshua Zamora.

Dumalo rin si DOH (Department of Health) Assistant Secretary, Dr. Eric Tayag.

Dagdag na pahayag ni Lander tungkol sa asawa, “Big influence siya sa buhay ko para masubukan ko ang Zumba. Actually, first time kong sumubok ng Zumba, doon pa sa studio namin, sa RT Studio.

“Konti lang kasi ang students namin noon, pinilit niya kong sumali and from then on, naging hook na ko sa Zumba.”

FAMILY GOAL. Hindi raw sumasayaw si Lander dati, pero ngayon, isa na siyang licensed Zumba instructor.

Sabi nga ni Regine, sa ilang taon nilang mag-asawa, hindi talaga niya napilit si Lander na sumayaw.

“For our 16 years of marriage, sapilitan talaga. Kaya noong nasubukan niyang mag-Zumba, tuwang-tuwa ako.

"Kasi, all my life, sinasabi ko sa kanya na be my dance partner naman.

“Kaya tuwang-tuwa akong talaga na nagustuhan niya.

"Ngayon, licensed Zumba instructor na rin siya. Nagtuturo siya ng mga classes, umiikot siya sa Pilipinas. So, I’m very proud of him.

“Pati na yung anak namin, si Reigne, Zumba instructor na rin siya and the youngest in the Philippines.”

Ang bunsong anak na lang daw nila ang hindi pa licensed.

Yun ba talaga ang goal niya, ang maging licensed Zumba instructors ang buong pamilya?

“Well, our advocacy is to promote health and fitness. I feel very fulfilled kapag inspiration ako ng mga mommies diyan.

"Busy sa pagiging Mommy, sa trabaho, wala ng time sa sarili, so I just want to share yung mga tips ko, ginagawa ko para ma-inspire rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe na lahat ng babae, dapat blooming sila palagi, sexy, maganda at confident.

"And sa Zumba, I feel that. I feel healthy, I feel beautiful, I feel young. I make so many new friends at mas masaya lalo na kung kasama mo ang pamilya.”

THE MANY BENEFITS OF ZUMBA. Aminado naman si Lander na dahil sa pagsu-Zumba nila ni Regine, mas okay ang bonding nilang mag-asawa.

Sinang-ayunan ito ni Regine sa pagsasabing, “When you work out, you get happy endorphins, naha-hyper ka, you feel more alive and young.

"At masarap na bonding activities kasi, napo-focus ang energy. Yung sama ng loob, galit sa ibang bagay, doon na lang napupunta.”

Natatawang sabi naman ni Lander, “Isayaw mo na lang.”

Pero nag-aaway pa rin ba silang mag-asawa?

“Oo,” mabilis na sagot ni Regine.

“Noong isang araw nga lang may argument kami, pero naayos sa pagsasayaw,” natawa niyang sabi.

DANCE SHOW ON TV? Masayang-masaya naman si Regine na sa ikalawang taon ng Zumba Philippines, mas marami pa raw ang sumasali ngayon.

Nagkaroon din sila sa unang pagkakataon ng mga participants mula sa iba’t-ibang bansa.

“We have participants from all-over the world—Dubai, US, Canada, Japan—na nagpa-participate at nano-nominate for different category.

"Yun lang naman ang purpose namin, mas lalo silang makilala, hindi mawala sa uso ang Zumba.

“At para maipakita ang iba’t-ibang style ng choreography para hindi sila nagsasawa, palagi silang excited.”

Buong isang taon daw ang proseso ng online voting nila.

“I’m very proud na marami po talaga ang nag-participate and we’ve been sold-out for two weeks na.

"Sayang, maraming hindi nakasama kaya we’re eyeing for bigger and better venue next year.”

Posible rin naman daw sa tamang panahon, makapag-produce din ang RT Studio ng isang dance show sa telebisyon o puwede rin reality show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon nga lang daw, talagang marami pa silang ginagawa.

“Sa ngayon po kasi, ang dami talagang schedules, all around the Philippines.

"Marami po talagang plano, sa health, sa fitness. Pero yung producing, siguro oo, in the future.”

BABY PLANS. Dahil 14 years old na ang bunso nilang anak, wala ba silang plano na magkaroon ng baby number three?

Si Lander ang sumagot, “Gusto namin talaga.”

Pero ayon kay Regine, “Maybe someday. So, bahala na kung ano ang mangyari. Basta kami, nag-e-enjoy kami ngayon.

"Hayaan na lang, siguro in God’s time. Basta ngayon, nag-e-enjoy kami sa pagsu-Zumba.

“Pero 14 na ang bunso namin, so kung mabubuntis ako, magkakaroon ulit kami ng baby, siguradong maninibago 'ko kaya parang ayoko na nga, e.

"Pero right now, huwag muna. Nag-e-enjoy ako sa fitness.

“Kung magkaroon, why not! Gusto ko rin ng baby boy,” natatawa na lang na pahayag ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN