Ronnie Liang celebrates birthday with cancer-stricken kids in Philippine Children's Medical Hospital

IMAGE Courtesy of Instagram (@ronnieliang)

Ronnie Liang on spending his birthday with cancer-stricken kids at The Philippine Children's Medical Center: "Pang-six years na namin na nagsi-celebrate dito, and I promised them na babalik ako lagi every year, especially nga, 'pag birthday ko."


Nag-celebrate ng birthday si Ronnie Liang sa Philippine Children's Medical Hospital (PCMC), Quezon Avenue, Quezon City noong February 2.

January 31 ang totoong araw ng kanyang kapanganakan, at mas pinili niyang makasama ang mahigit 70 cancer patients ng PCMC kaysa magbigay siya ng isang party.

Anim na sunud-sunod na taon na pala itong ginagawa ni Ronnie kaya kapansin-pansing malapit siya sa ilang batang naroroon, pati na sa staff ng ospital.

ANNUAL TRADITION. Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkuwento ito tungkol sa mga nakahandang pagkain, palaro, at programa para sa mga bata.

Pahayag ng VIVA contract artist, "Ipinangako ko 'yan sa kanila [sa mga batang may kanser].

"Before kasi, I was invited to grace their show, that was six years ago.

"Pang-six years na namin na nagsi-celebrate dito, and I promised them na babalik ako lagi every year, especially nga, 'pag birthday ko.

"At heto nga, nagkikita-kita kami ulit pero, siyempre, ang nakakalungkot, e, yung ibang nakasama ko six years or three years ago, nawala na sila."

May kurot daw sa puso ni Ronie ang mga batang ito na sa murang edad nila ay dumaranas na ng sakit hindi lamang sa aspetong pisikal kundi maging sa emosyonal.

Aniya, "Kung titingnan mo ang pain nila, yung iba, two years old, yung iba four years old 'tapos may kanser na sila.

"Napakabata pa nilang lahat para dumanas na ng ganitong klaseng pain, 'di ba?

"At karamihan sa mga naririto yung alam mo na, wala, wala magandang pamumuhay ang kanilang pamilya.

"So, gusto ko silang mapasaya, kahit man lang tuwing birthday ko.

"I know the pain, because I know some friends na may kanser din.

"Sila nga ay mga may edad na pero hindi kinakaya ang pain so what more itong mga bata, 'di ba?

"So yung mapasaya ko sila, alam ko na nakakatulong ako na maibsan kahit papaano yung pain na yun na nararanasan nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GONE TOO SOON. Meron nga raw isang cancer patient na naging malapit sa kanya pero, ilang linggo bago siya dumalaw sa ospital ay namatay na.

Sabi ni Ronnie, "Yeah, I was informed na yung batang babaeng naging close sa akin six years ago, namatay na pala siya two weeks ago, bago naayos yung event na ito.

"Ang name niya ay si Kimberly, at nakakalungkot na hindi man lang kami nagkita bago siya sumakabilang-buhay.

"Yung iba rito, I was informed na six months na lang na nabubuhay, yung iba ngang pupuntahan namin sa loob ng ospital, yung iba'y one month na lang ang buhay.

"So, at least, bago man lang sila pumunta sa ating Creator, ay mapasaya ko sila."

Bukod sa kanyang pangako, ito na rin daw ang isang paraan para maibahagi niya ang blessings na natanggap noong nakaraang taon.

Saad ng Pinoy Dream Academy alumnus, "This is also one way of sharing my blessings last year, and in the past.

"Pasasalamat na rin ito projects na na-achieve ko last year. Nagkaroon ako ng album sa Universal Records.

"'Tapos, yung movie with Direk Elwood [Perez], yung Esoterica de Manila.

"Nagpapasalamat din ako kay Boss Vic del Rosario, nag-renew ako ng another three-year contract with them.

"Maganda yung plans nila sa akin and kapag may shows abroad, like sina Sarah [Geronimo], lagi naman nila akong isinasama.

"Kaya very grateful ako na I'm still with them."



PDA BATCHMATES. Nabanggit namin sa kanya na sa original batch ng Pinoy Dream Academy (2006), silang dalawa na lang nang "Grand Star Dreamer" na si Yeng Constantino ang active sa local music industry.

Pasulput-sulpot din ang ka-batch nilang si RJ Jimenez.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Sabi ni Ronnie, "Oo nga ano?

"I think, kahit may kanya-kanya na kaming career paths pero I know yung pagiging artist ay nasa puso pa naming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe, sa ibang way ay active din sila and alam ko na kumakanta pa rin sila kung saang place naroon man sila ngayon.

"We are all artists and singers.

"Happy nga ako kay Yeng 'cause she's finally getting married.

"Yun ang biggest happiness na nararamdaman niya ngayon sa kabila ng kanyang successful career.

"Happy kaming lahat for her."

Si Yeng ay ikakasal sa kanyang fiancé na si Vicot "Yan" Asuncion sa February 14, sa Tagaytay City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN