Joseph Doruelo to represent the Philippines in Mister Global 2015 pageant

IMAGE Nikko Tuazon

Joseph Doruelo on his advantage in competing for Mister Global: "Kapag nurse, you need to establish rapport and yun yung maipagmamalaki ko na meron ako na katangian as a nurse and as Joseph Doruelo."


Hindi na maitago ng registered nurse na si Joseph Doruelo ang excitement sa papalapit na 2nd Mister Global pageant na gaganapin sa March 7, sa Bangkok, Thailand.

Kagabi, February 20, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Joseph sa kanyang send-off party, na kasabay rin ng victory party ng itinanghal na Mister International 2014/2015 na si Neil Perez, sa One Esplanade, Pasay City.

Sabi ni Joseph, “Sobrang excited na ako, actually hindi na nga ako makatulog, e.

“Parang, every now and then, I always think na gusto ko na magpunta ng Thailand.

“Excited na akong ma-meet yung delegates of other countries.”

Ito ang unang beses na sumali si Joseph sa isang male pageant, kaya naman laking-tuwa niya na maiuwi ang isa sa mga titulo ng Misters of the Philippines at ang tsansang kumatawan sa Pilipinas sa isang international pageant.

Kaya naman hindi na raw bago ang pressure para kay Joseph at nais na lang nitong i-enjoy ang kumpetisyon.

Aniya, “Handling the pressure… actually, yung pressure, matagal na.

"Kasi, when I was started to join Misters of the Philippines, talagang yung pressure kasi nun, sobrang bigat, dahil all over the Philippines yun and then…

“Iba-ibang representatives and, at the same time, meron pang candidates from UK and from US, so pressure na sa akin yun.”

Patuloy ni Joshua, “And then, nung nanalo nang Mister Global Philippines, medyo gumaan na yung pakiramdam ko.

“Why? Dahil alam kong hindi naman ako pinili ng Prime Events Productions [PEPPs] and yung mga panel of judges to be the representative as Mister Global [kung hindi ko kaya].

“And I think, kakayanin ko naman siya na mag-compete and naniniwala naman ako sa kakayahan ko.

“Like what they said to me, enjoy lang, just be yourself and mingle to every candidates.”

PREPARATIONS. Sa kanyang presscon, nabanggit ni Joseph na mataas ang kanyang kumpiyansa sa magiging performance niya sa pageant dahil tuluy-tuloy ang kanyang paghahanda para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “And then, kasi kailangan natin makipagsabayan.

“We all know na yung Latin Americans and Europeans, talagang very natural, maganda na talaga yung built nila.

“And then, we’re Asian, slim type tayo, so I need to build some muscles para kaya nating umangat and then kaya natin makipagsabayan sa mga international.”

Dagdag pa ni Joshua, “Nagkaroon din ng proper training sa walk, sa mga languages dahil gusto nating hindi tayo mapapahiya internationally.

“That we can compete internationally, globally.”

Ano naman kaya ang ginagawa niyang paghahanda para sa question-and-answer portion?

Sagot ni Joseph, “Yung question and answer, hindi ko siya masyadong iniisip.

“Ayoko kasi ng parang aral yung pagsagot sa question and answer [portion].

“Mas maganda yung magiging natural on how you’ll deliver the answer in a good manner.

“Mahilig lang ako makipagkuwentuhan sa mga friends ko, sa PEPPs family, kasi it’s a way kung paano mahahasa yung speaking skills mo.”

Hindi 'tulad ni Neil, nais ni Joseph na siya mismo ang sumagot sa itatanong sa kanya sa Q&A portion.

Paliwanag niya, “Siguro po mas magiging confident ako or mas magiging panatag ako kung I’ll answer with myself, from the heart.”

Kilala na kaya niya ang kanyang mga makakalaban?

“Updated ako sa website, so lumalabas yung mga updates, kung sinu-sino na yung mga nagko-confirm for the Mister Global.

“Nakikita ko… excited akong ma-meet kung sino yung mga other candidates.

“Gusto ko sila makilala and, at the same time, may opportunity para maging friends din sila, e.”

Hindi naman nagbigay si Joseph ng pangalan kung sino sa tingin niya ang kanyang magiging mahigpit na kalaban, ngunit sa tingin nito, magiging malapit silang magkaibigan ni Mr. Thailand.

Aniya, “I think, yung isa sa mga makakasundo ko si Mister Thailand.

“Parang sa profile, sa photos, parang feeling ko magkakasundo kami, feeling ko lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagmalaki rin ni Joseph na Pinoy ang nag-design ng kanyang national costume at formal wear na gagamitin niya sa finals night.

Si Albert Andrada ang nag-design ng kanyang formal wear, habang si Edwin Uy naman ang nagdisenyo sa kanyang national costume.

Unang beses na nakita ni Joseph ang kanyang national costume na Philippine Eagle warrior at inamin niyang nagulat din siya sa kinalabasan nito.

Aniya, “Na-shock din ako, actually, nakita ko yung accessories lang, yung mismong sa ano lang neck piece.

“Neck piece lang yung nakita ko.

“Excited akong masuot na siya, hindi ko alam kung paano ko siya gagawan ng theme para lalong maging maganda yung pagsuot ko ng national costume na 'yan.

“Kasi nakita naman natin iprinoject ni Neil Perez yung national costume niya.”

PROUD NURSE. Ang pagiging nurse ang isa sa itinuturing na advantage ni Joseph na magagamit niya sa nasabing male pageant.

Sabi ni Joseph, “I think yung masasabi ko na meron ako, na maipagmamalaki ko, siguro yung pagiging nurse ko rin.

“Yung pressure kasi, nandiyan na 'yan, and then masasabi nga na kapag nurse ka, you can handle all kinds of pressure.

“Kapag nurse ka na, nararamdaman mo yung hindi ka kumakain, nararamdaman mo yung 24 hours kang gising.

“Isa na rin yun, and siguro ang mga nurse kasi, kaya makipag-mingle to everybody.

“What I’m saying is, kapag nurse, you need to establish rapport and yun yung maipagmamalaki ko na meron ako na katangian as a nurse and as Joseph Doruelo.”

Bilang nurse, nais mag-focus ni Joseph sa HIV at Ebola awareness para sa kanyang advocacy.

Paliwanag niya, “Dahil alam natin na marami nang… tumataas yung case ng HIV and, at the same, yung Ebola, yun yung pandemic all over the world.”

Bukod dito, nais din niyang makatulong sa pagpapalaganap ng healthy lifestyle sa mga kalalakihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll focus more on that sa advocacy ko and, at the same time, tuturuan ko din… yung focus ko din [sa advocacy], more on health—how to adapt a healthy lifestyle.

“We all know na yung mga lalaki, mas mataas yung risk sa mga sakit dahil nga more on workaholic and, at the same time, mas focused talaga compared to women.”

Sa ngayon, hindi muna nagtatrabaho si Joseph ilang isang nurse dahil na rin sa mas pinili nitong sumali muna sa pageant.

“Before, nag-undergo ako ng mga training pero hindi ako…

“Dahil alam naman nating mahirap ma-absorb yung mga nurse dito as a staff nurse, kasi sobrang dami ng mga nurse dito.

“But before, dapat for hiring na ako, kaso hindi natuloy because of the male pageantry.

“And maganda naman yung mga opportunity kahit hindi ako nakapagpatuloy dun.”

Nais naman niyang gamitin aang kanyang napag-aralan at ipagpatuloy ang pagiging nurse kung sakaling magkaroon ng oportunidad.

Aniya, “Kapag may opportunity after my reign, and after I compete, siguro hindi mahirap na papasukin ko ulit yung pagiging nurse.”

Bukas din sa showbiz si Joseph kung sakaling mabigyan man siya ng offer.

Nang tanungin naman kung sino ang nais niyang maging kapareha kung sakali, sagot ni Joseph, “I’m looking forward, yung pinakasikat siguro, it’s either Anne Curtis or Kim Chiu.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN