NEWBIE. Child star Clarence Delgado to finish studies after he "graduates" from Goin' Bulilit

Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg">

Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg">

IMAGE Rose Garcia

Child star Clarence Delgado says he has no ambitions of being a big star. He says, “Ayoko po kasing lumaki ang ulo ko. Gusto ko po, kung sumikat man ako, sabi po ng Mommy ko, gusto raw po niya, hindi mag-iiba ang ugali ko. Yung ugali ko na simple lang dapat.”


Apat na taon na ring naging mainstay ng Goin’ Bulilit ang 10-year-old child star at commercial model na si Clarence Delgado. Kadalasan, kapag sumasapit na sa ika-12 taon na edad ang mga bulilit ng kiddie gag show na ito, pinapa-graduate na sila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Clarence sa taping nila sa Studio 5 ng ABS-CBN kunsaan, sa buong Linggo ng buwang ito ay ipinagdiriwang nila ang kanilang ika-10 year anniversary.

Sabi nga namin kay Clarence, dalawang taon na lang pala, posibleng grumadweyt na rin siya sa Goin’ Bulilit.

Tanggap na niya yun?

“Konti lang po,” pag-amin naman niya.


Pero tanggap niyang kapag naging 12 years old na siya, ga-graduate na nga siya sa programa nila?

“Opo, tanggap naman po,” saad niya.

BACK TO SCHOOL. Kumpara naman sa ibang mga batang artista ngayon na gustong tuluy-tuloy lang ang pagiging artista nila, iba naman si Clarence dahil titigil muna raw siya sa pagiging artista.

Bukod sa Goin’ Bulilit ay mainstay rin ng pang-Sabadong sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home si Clarence bilang kapatid ni Toni Gonzaga.

Ayon kay Clarence, “Kapag nag-graduate na po ako sa Goin’ Bulilit, hihinto muna po akong mag-artista.

"Magko-continue muna po ako sa pag-aaral. Kapag nakapagtapos na po ako ng pag-aaral, doon na lang po ako.

“Pero kung tatagal pa rin po ang Home Sweetie Home, sige pa rin po.”

Ang desisyon daw ni Clarence na huminto muna sa pag-aartista kapag wala na siya sa Goin’ Bulilit ay sarili niyang desisyon at hindi ng mga magulang niya.

Rason niya, “Minsan po kasi natataranta po ako or naguguluhan po ako kapag pinagsabay ko po ang pag-aaral ko at pag-aartista.

“Pero tinutulungan naman po ako ng parents ko sa pagde-desisyon kung ano ang makabubuti sa akin.”

Matalino si Clarence at isa sa nagta-top sa klase nila. Plano niyang pagtungtong niya ng high school, sa Philippine Science High School daw siya mag-aaral at gusto raw niyang maging doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD TO BE BULILIT. Masaya ba siya bilang isa sa mga bulilit?

“Happy po, dito po sa Goin’ Bulilit, naglalaro lang po kami, para kaming magkakapatid.

"Pero kapag take na po, siyempre po, trabaho na,” pagmamalaki niya.

Hindi ba niya mami-miss ang showbiz?

Ani Clarence, “Mami-miss po, lalo na yung staff, mga kasama ko pong bulilit.”

Kung sakali at nag-pokus na nga siya sa pag-aaral niya, sino naman ang pinakamami-miss niya?

Sagot niya, “Si Direk Bobot [Mortiz] po, kasi siya po ang dahilan kung bakit ako nandito. At saka, mabait po siya,

“Kasi po, noong sumali po ako sa Star Circle, noong manalo po ako, pinasok niya po ako sa Goin’ Bulilit.

“Pangarap ko rin po noon ang makasama sa Goin’ Bulilit.”

NO GRAND AMBITIONS. Sa isang banda, tinanong din namin si Clarence kung hindi ba niya pinapangarap na kapag binata na siya, maging katulad din niya ang ilang sikat na Kapamilya actors tulad nina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at iba pa.

Aniya, “Hindi po, hindi ko naman po pinapangarap na maging ganoon kasikat. Ang gusto ko, simple lang ako.”

Sikat na ba siya ngayon?

“Opo,” inosenteng pag-amin niya.

“Pero yung hindi naman po aabot sa hundred thousand na, yung thousand lang na fans.”

Ilan na ba ang fans niya?

“Hindi ko po maalala e,” nakangiti niyang sagot.

STAYING HUMBLE. Bakit ayaw niyang magkaroon ng hundred thousand na fans?

“Ayoko po kasing lumaki ang ulo ko. Gusto ko po, kung sumikat man ako, sabi po ng Mommy ko, gusto raw po niya, hindi mag-iiba ang ugali ko. Yung ugali ko na simple lang dapat,” lahad niya.

Bilang pinangarap nga niyang maging bahagi ng Goin’ Bulilit, ano ang pakiramdam niya na sa pagdiriwang ng show ng ika-sampung taong anibersaryo nito ay isa siya sa regular cast?

“Masaya po kasi, 10 years old na ko, nandito pa rin ako at yung show po na Goin’ Bulilit, hindi pa rin nawawala,” pakli pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg">


Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg"> Goin' Bulilit" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30567/newbie-child-star-clarence-delgado-to-finish-studies-after-he-graduates-from-goin-bulilit" data-desc="Clarence Delgado dreams of becoming a doctor someday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/3ca946232.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN