Samantha Lopez plans to set up own real estate business in the Philippines

IMAGE BORROWED FROM INSTAGRAM @samanthalopeznyc

Samantha Lopez on leaving showbiz: "Love ko naman talaga ang showbiz, but then, iba na talaga ngayon."


Nasa Pilipinas ngayon ang dating "Showdown Girl" ng Eat Bulaga! na si Samantha Lopez, o mas kilala sa pangalang Gracia.

Sampung araw lang siyang mananatili rito at babalik din siya kaagad sa Amerika.

Taong 2002 nang magdesisyon si Gracia na iwanan ang ating bansa pati na ang kanyang showbiz career para hanapin ang kanyang kapalaran sa bayan ni Uncle Sam.

Noong mga panahon din na yun ay nakilala niya si Warren Edwards, isang shoe designer, manufacturer, at retailer na merong isang shoe retailer store sa Manhattan, New York, na naging asawa niya kinalaunan.

Ikinasal sina Gracia at Warren noong 2007.

Siya naman ay naging isang real-estate broker, kung saan siya ay nagbebenta at nagpaparenta ng mga apartments, condominiums, at townhouses sa New York din.

Taong 2010 naman nang pansamantalang bumalik siya rito sa Pilipinas para gawin ang Sine Serye Presents: Mar's Ravelo's Basahing Ginto kasama sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Nitong nakaraang linggo, siya ay muling nasilayan ng mga televiewers sa isang episode ng The Ryzza Mae Show, kung kaya marami ang nag-akalang babalik na siya sa showbiz for good.

Nang eksklusibong nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng AVL Talent Circuit, na siyang may hawak ng kanyang local TV at movie career, last February 23, itinanggi niya ang tungkol sa bagay na ito.

Paliwanag ni Gracia, "Love ko naman talaga ang showbiz, but then, iba na talaga ngayon.

"Nandito lang talaga ako for business trip.

"Nagkataon lang na nag-'Hi' ako kina Ma'am Malou [Choa-Fagar, senior vice-president ng TAPE Inc.] kasi, siyempre, Eat Bulaga! family.

"'Tapos, meron silang "Throwback Friday" portion sa The Ryzza Mae Show kaya, hayun.

"Sabi ko nga, 'Kung puwede 'wag na akong sumayaw,' pero sumayaw din ng konti para pagbigyan ang bagets [ang host na si Ryzza Mae Dizon].

"Siyempe, pagbigay-pugay sa nag-discover sa iyo, kaya dumaan lang ako, business trip talaga ang purpose ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAYBE, MAYBE NOT. Kahit ayaw na niya munang mag-showbiz, sinigurado naman niya na hindi pa naman niya tinutuldukan ang kanyang pagiging isang artista.

Mariing sabi ni Samantha,"No, hindi naman!

"I'm not putting an end kasi, depende.

"Sa trip ko ngayon, may mga kliyente ako na coming from Asia at Philippines na gustong mag-invest o mamili o magbenta sa New York, so pabalik-balik pa rin ako.

"So, while nandito ako, why not, 'di ba? I'm not putting an end [sa showbiz career]."

Buong akala ng lahat ay sasabayan niya ang dating sexy actress na si Anjanette Agbayari na 'nagpaparamdam' naman ngayon ng kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Ayon sa kanya, "Sabi nga sa akin, nandito siya. "No, not really.

"Sa akin naman, masuwerte ako na I really have a good manager [Arnold Vegafria] na nagba-back up sa akin.

"Na anytime na sabihin ako na uuwi ako, na kailangan ko ng work, at mag-i-stay ako sa Manila, ay always there for me.

"They've done it to me before, binigyan nila ako ng work, kaya wala akong problema dun.

"Isang sabihan ko lang diyan kay Arnold, ganun sila kagaling."

Patuloy pa ng dating actress-dancer, "Luckily, hindi talaga ako, e.

"Full time ako ngayon, focus ako sa real estate, may mga kliyente ako sa New York na kailangan kong asikasuhin, may buyers ako

"Busy talaga ako like, the real estate market ngayon sa States is really booming, talagang, 'Wow, it's crazy!'

"I'm really busy, nagkataon lang na kailangang pumunta rito for some meetings."

OWN BUSINESS. May plano rin naman daw siyang dalhin ang kanyang expertise dito sa Pilipinas para magtayo ng sarili niyang real estate business.

Pag-amin niya, "That's actually the plan, that's the goal three or four years from now.

"I wanna put my own brokerage firm as well, dun yun papunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So hopefully."

Sabi pa niya, "Actually, yun ang naging advantage ko being in showbiz.

"Kasi like, sa Eat Bulaga!, iba-ibang hosts, iba-ibang ang guests, so kailangan yung PR mo ay okey.

"'Tapos naghu-host ka and you deal with a lot of peopleā€¦ masa, senador, malalaking artista.

"So nakatulong talaga sa akin yung being in the showbiz industry for a few years.

"Pagdating ko kasi sa New York, nag-start ako sa restaurant as a hostess, naging bar tender then, naging manager.

"And same thing, you deal with clients.

"So nagamit ko talaga yung...tayo namang mga pinoy laging nakangiti kahit pagod o inaantok, basta lagi tayong nakangiti.

"Baon natin 'yan at 'yun ang magandang trait na dinala ko.

"My work now being a real estate broker, one, I love the city itself, I love New York.

"I've been there for many years at alam ko na ang pasikut-sikot but, there's always something new that you will learn everyday, every neighborhood."

Sa ngayon ay hiwalay na si Gracia sa kanyang asawang si Warren at nasa divorce process na raw ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN