Sunshine Dizon talks about how travelling strengthens a marriage

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Dizon on how having home-based businesses makes it easy for her and husband, Timothy Tan, to pack their bags and travel on a whim: “Parang naging tradisyon na namin ni Tim na everytime na may bagong work, umaalis muna kami sandali. Medyo flexible din naman yung oras ni Tim because nga home-based po yung mga negosyo namin.”


Madalas magbiyahe ang mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan.

“Siguro kasi, you know, we’re so busy din with the kids, with work, parang ganyan. Parang naging tradisyon na namin ni Tim na every time na may bagong work, umaalis muna kami sandali.

“Ang business namin is andun din po sa house kasi ang family business po nila is yung supermarket.

"And then, we also have a water station din po so medyo flexible din naman yung oras ni Tim because nga home-based po yung mga negosyo namin,” kuwento ni Sunshine.

Kaya hindi nagkakaproblema sa schedules kapag nagdedesisyon silang umalis muna para magbakasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa presscon ng Pari Koy noong Lunes, March 2 sa GMA Network Center.

JEALOUSY ISSUES. Bilang isang asawa, selosa si Sunshine, lalo pa nga at guwapo at may kaya ang mister niya.

“Siguro selosa ako. Grabe akong magselos pero I’m just very thankful that there is no reason to be jealous.

“Maayos naman po ang asawa ko, sa awa ng Diyos.

“I’m just very lucky na, as of now ha, kasi alam mo mahirap magsalita nang tapos. Hindi mo naman alam kung anong mangyayari bukas.

“Marami namang mga bagay talaga na dumarating sa buhay ng tao, 'di ba?

“Pero as of now, I’m very peaceful, and thank you naman na nakatagpo ako ng asawa na very good family man and a very good provider,” pagpapasalamat niya.

Si Tim ba ay seloso?

“Hindi ko naman po siya binibigyan din ng reason.

“I mean it’s a conscious effort also on my side that I do not want to put my husband in a situation na maaalangan siya.

“Respeto po iyon, 'di ba?” lahad niya.

CULTURAL DIFFERENCES? Maayos din daw ang sitwasyon niya marrying into a Chinese family kahit hindi Chinese si Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Well, before we got married, actually the family of Tim is very… iyon nga, parang traditional.

"Nasuwertehan ko na lang din po talaga na by the time we got married, medyo si Angkong, yung lolo niya, parang open na rin sa ganun.

“'Tsaka thank you din naman. Sobrang, 'Lord, thank you talaga,' kasi alam mo yun, I’ve always dreamed of having my own family na yung smooth-sailing.

“Hindi man sobrang yaman whatever, basta yung mapu-provide lang lahat pero masaya kayo.

“Yung saktung-sakto lang. Nakuha ko po yun and then masasabi ko naman na feel na feel ko din naman na mahal ako nila Angkong, nila Ama, ng father-in-law ko.”

Close raw siya sa kanyang mga in-laws.

“Sobra po,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN