Glydel Mercado says "five greens" juice diet is her fountain of youth

IMAGE Noel Orsal

Glydel Mercado swears by the miraculous benefits of her "five greens" juice diet, which is comprised of ampalaya, green bell pepper, cucumber, green apple, and celery. She says, “Walang palya ‘yon, every morning, habang wala pang laman ang tiyan ko.”


Marami ang nagtataka kung paano napapanatili ni Glydel Mercado ang kanyang slim figure pati na rin ang kanyang youthful looks kahit 40 years old na siya.

Bukod sa regular exercise at healthy diet, malaking tulong din pala para kay Glydel ang juice diet na naging bahagi na ng kanyang daily rituals.

Kaya agad namin siyang tinanong kung anu-anong gulay at prutas ang kabilang sa kanyang juice diet.

“Ampalaya, green bell pepper, cucumber, green apple—yun ang pinaka-sugar mo—'tapos celery.

“Walang palya 'yon, every morning, habang wala pang laman ang tiyan ko,” kuwento ni Glydel.

Pitong taon na raw niyang ginagawa ang “five greens” ritual na ito.

“Even nung buntis ako sa pangalawa ko, iniinom ko pa rin yun.

“Ang portion niya for one glass, kailangan freshly juiced, yung ampalaya mga one-third, 'tapos half ng cucumber, 'tapos one green apple, three stalks ng celery, 'tapos yung bell pepper mo kung malaki, isa lang. Kung maliit, puwedeng dalawa.

“'Tapos sobrang wash mo thoroughly, 'tapos para huwag ring masira yung blade ng juicer mo, tanggalin mo na rin yung mga buto, yung mga seeds.

“'Tapos 'tsaka mo i-juice, 'tapos i-stir mo lang siya, 'tapos drink it first thing in the morning before you take your breakfast.

“'Tapos ako nun, hindi ako nagbe-breakfast masyado, water lang, one glass of water. After that, yung bowel movement ko regular siya. Before, constipated ako.

“Once a day lang siya, before breakfast 'yan, 'tapos 'tsaka ka mag-breakfast kung ano ang gusto mo,” detalye pa niyang kuwento.

HOW IT ALL STARTED. Paano niya natutunan ang pag-inom ng juice na ito?

Ayon kay Glydel, “Before my bridal shower e Chinese yung friend ko. May Chinese kaming kaibigan na akala ko, that time mga 33 years old ako, sabi ko, ‘Lily, ilang taon ka na?’

“Akala ko mga 33, 34. Fifty four na pala siya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ay! Anong ginagawa mo?’

“'Tapos 'yon, sinabi niya sa akin kung ano yung sinabi ko sa inyo ngayon. Simula no'n, ginawa ko siya, ‘tapos okay naman siya.”

Kahit raw ang mister niyang si Tonton Gutierrez ay ginagawa ang juice ritual na iyon.

“Si Ton ‘pag may natitira ako, pero very seldom,” at natawa si Glydel.

STILL “JUNKING OUT.” Malaki raw ang naitutulong ng juicing ritual na ito kay Glydel.

“Kasi ang hilig ko sa sweets, hindi ako makatulog nang walang Tim Tams. Bago matulog, kakain ako nun 'tapos 'tsaka ako makakatulog,” pag-amin niya.

Ang Tim Tams ay isang brand ng chocolate biscuit.

Kumakain pa rin daw siya ng junk foods, pero pambalanse niya ang “five greens” ritual niya.

NO TO SEXY PICTORIALS. At dahil nga hot momma si Glydel, papayag ba siya kung sakaling alukin siyang maging sexy cover girl ng FHM?

“Ayoko,” at tumawa si Glydel.

“Ayoko, kasi… ewan ko, yung anak ko, naaano ako… parang, kakantiyawan ako, lagi akong inaasar,” pagtukoy ni Glydel sa 10-year-old niyang anak.

Lumapit na raw sa kanya noon ang FHM.

“Dati-dati pa yun, ha? May asawa na ako nun. Pero parang, ayoko talaga. Simula nung nag-asawa ako, parang, hindi ko alam.”

Ang ilan sa mga hot mommas na naging sexy cover girls ng FHM ay sina Jean Garcia, Eula Valdes, at Alice Dixson, kaya puwedeng-puwede pa si Glydel.

“Keri pa nila, ako ayoko, parang hindi ko keri,” at muling tumawa si Glydel.

Sayang naman ang “five greens” ritual niya.

“Well, for my health na lang,” at muli itong tumawa.

“Hindi ko yata keri talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN