Miguel Tanfelix graduates from high school; vows to go to college and work in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix on the value of education: “Para po sa akin, malaking achievement na po ang makatapos ng high school. Gusto ko po talagang makatuntong ng college, kasi pangako ko 'yan sa mga magulang ko.”


Magandang ehemplo sa mga kabataan ngayon ang Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix dahil kahit na sobra siyang busy sa kanyang dalawang shows sa GMA-7 na Once Upon A Kiss at Ismol Family, hindi niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.

Sa katunayan ay kasama si Miguel na magma-martsa sa March 23 bilang kabahagi ng graduating high school class ng Cavite School of Life sa Dasmariñas City, Cavite.

Pinagsikapan ni Miguel na magawa niya lahat ang kanyang mga requirements at assignments sa paaralan, at ang makapasok sa klase kapag wala siyang taping.

Kaya naman mabibiyayaan ang kanyang sipag at tiyaga ng isang high school diploma sa darating na graduation day.

“Importante po sa akin ang pag-aaral ko.

“Kahit na puyat at pagod po tayo sa taping at sa mga out-of-town shows, hindi ko nakakalimutan ang parating mag-review at gawin ang mga assignments ko.

“Kaya para po sa akin, malaking achievement na po ang makatapos ng high school.

“Gusto ko po talagang makatuntong ng college kasi pangako ko 'yan sa mga magulang ko,” masayang kuwento pa ni Miguel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang dance rehearsal sa GMA Annex Building noong March 6.

COLLEGE. Pinaghandaan din ng batang aktor ang pag-kuha ng National Achievement Test or NAT na siyang unang hakbang para sa pagtuntong niya sa kolehiyo.

Gusto ni Miguel kumuha ng engineering, o di kaya’y aeronautics.

“Kahit ano po sa dalawa ay okey po sa akin.

“Pareho ko pong gusto ang dalawang kurso na ‘yan at kung ano ang ibigay po sa akin ni Lord, yun po ang kukunin ko.

“Kung maging engineer po ako o maging pilot, labis na ikatutuwa iyon ng mga magulang ko.

“Pangako ko po sa kanila na darating ang araw na may iaabot na akong college diploma sa kanila,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING STUDENT. Hinahanda na nga ni Miguel ang kanyang sarili sa mas matinding pag-adjust sa buhay ng isang college student at kasabay pa nito ay ang kanyang pagtrabaho bilang artista.

“Alam ko po na mas magiging mahirap para sa akin kapag nag-college na ako 'tapos sabay nagtatrabaho po ako.

“Pero dahil gusto ko pong pareho ito, pagsisikapan po natin.

“Wala naman pong imposible kung magdarasal po tayo parati at maniwala na kaya natin lahat.

“Susuportahan naman po tayo ng GMA-7. Sila na po ang mag-aayos ng magiging schedules ko sa trabaho para maayos ang pag-attend ko sa aking pag-aaral,” ngiti pa ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN