Binibining Pilipinas candidate Janicel Lubina: from mopping floors to walking on pageant runways

IMAGE Mark Atienza

Ilan sa mga pageant watchers ang nagsasabing isa si Janicel Lubina sa strongest contenders sa Binibining Pilipinas pageant sa taong ito.


May mga nag-aabang na masungkit ng candidate #11 na si Janicel Lubina ang korona sa 2015 Binibining Pilipinas Beauty Pageant sna gaganapin sa March 15.

Sa audition at screening of candidates pa lang, may mga nagsasabing isa si Janicel sa standouts hindi lamang dahil sa kanyang morena beauty kundi dahil na rin sa kanyang life story.

Ang kanyang ama na siyang nagpo-provide para sa kanilang pamilya ay nakaranas ng mild stroke.

Habang nagpapagaling ito, hindi nahiyang magtrabaho si Janicel bilang maid tulad ng kanyang ina.

Isang paraan daw ito para makatulong siya sa panggastos nila sa gamot ng kanyang ama at sa gastusin nila araw-araw.

Kinuwento ni Janicel sa isang VTR interview ang insidenteng pinaulit ng kanyang amo ang paglalampaso niya ng sahig.

“One time, I mopped floors for an entire day and my boss made me do it all over again hindi raw kasi malinis ang paggawa ko,” pagbalik-tanaw pa ni Janicel.

Pero hindi naging sagabal ang kanyang sitwasyon para isiping hindi siya habang-buhay na magiging maid.

HOW SHE WAS DISCOVERED. Nadiskubre siya ng isang local make-up artist sa Palawan habang naglalakad sa kalsada.

Dahil sa kanyang tangkad na 5 feet 8 inches at slim figure, pang-beauty-queen material daw siya.

Ang unang beauty pageant na sinalihan niya ay ang Mutya Ng Palawan, kung saan siya ang nanalo ng titulo.

Ang kanyang premyo na P3,000 ay naging malaking tulong sa pambili ng gamot ng kanyang amang maysakit.

Sunud-sunod ang mga beauty pageants na sinalihan ni Janicel noong sumunod na taon: Slimmers World Miss Bikini Philippines, kunsaan siya ang nanalo, at Miss Scuba International in Jakarta, Indonesia, kunsaan siya ang 2nd runner-up.

Ang first national pageant na sinalihan ni Janicel ay ang 2013 Miss World Philippines, kunsaan naging 1st runner-up siya sa winner na si Megan Young.

Malaking tulong sa kanyang pamilya ang mga premyong napanalunan. Kabilang sa naaalalang regalo ni Janicel sa mga magulang noong naging runner-up siya sa isang beauty pageant ay isang malaking TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatawa nga kasi hindi pa nga siya flat-screen TV, but my parents were so happy with it.

“They were used to [watching] TV sa kapitbahay namin sa Palawan.

"Ngayon they can watch anytime dahil sa binili kong TV for them.”

DUCK WALK. Na-master na raw ni Janicel ang tinuro sa kanyang “duck walk” sa training camp nila sa Kagandang Flores ni Rodin Gilbert Flores.

Si Flores din ang nagturo ng mga pamosong pageant walk nila MJ Lastimosa (Diyosa Walk), Ariella Arida (Ariba Walk), at Shamcey Supsup (Tsunami Walk).

Ayon pa sa 1985 Bb. Pilipinas-Universe winner na si Joyce Ann Burton-Titular, isa sa mga nakasama sa screening committe ng Binibing Pilipinas, malakas ang impact ni Janicel dahil nagdadala nga raw ito ng pag-asa sa maraming tao, lalo na sa mga babaeng may buhay na tulad niya.

“It’s a cultural thing that starts with the admiration of beauty.

“Pageants these days are a great equalizer because you can come from the poorest of the poor and still win.

“In our country, pageants are empowering.

"Pageants are relevant. Women can use them as channels for their advocacy.

“You help the community, and be beautiful at the same time. And that’s the tough part."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN