NEWBIE Prince Villanueva flattered by remarks saying he resembles Daniel Padilla

IMAGE www.gmanetwork.com

Kapuso newbie Prince Villanueva, a talent of German Moreno, is set to star in InstaDad.


Unang regular show ng Kapuso male newcomer na si Prince Villanueva ang Walang Tulugan With The Master Showman ni German Moreno.

Unang serye naman niya sa telebisyon ang InstaDad na pagbibidahan ni Gabby Eigenmann at eere na sa Abril sa GMA.

Wala pang isang taon sa showbiz si Prince pero nabibigyan na siya ng break ng GMA Artist Center at ng manager niyang si Kuya Germs.

“Siyempre sobrang saya po! Iba po sa akin yung pakiramdam na ganito, makakasama mo yung mga dating artista na, sina Tita Matet de Leon 'tsaka si Tito Gabby Eigenmann.

“So sobrang saya po sa akin. Para sa akin po, madadala po ako sa istorya ng InstaDad po kasi sila po yung kasama ko,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince, na gaganap bilang si Ikot, sa presscon ng InstaDad noong Martes, March 10, sa GMA Network Center.

“Ako po yung kaibigan ng triplets. Ako po yung may lihim na pagtingin kay Mayumi,” dagdag pa ni Prince.

Gaganap naman bilang Gracia si Matet de Leon na siyang tita ng triplets na gagampanan naman ng Kapuso young female stars na sina Gabbi Garcia bilang si Marikit, Jazz Ocampo bilang si Maaya, at Ash Ortega bilang si Mayumi.

Nasa cast rin ang Kapuso heartthrob na si Juancho Triviño bilang si Dwight.

Ang InstaDad ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

Magiging ka-love triangle ni Prince sina Ash at Juancho.

Kaya tinanong namin si Prince kung kaya niyang labanan ang abs ni Juancho na isang Kapuso hunk.

“Ah, hindi pa po,” at tumawa si Prince.

“Sixteen pa lang po kasi ako so ayun po."

CLOSE TO JAKE VARGAS. Bukod kay Prince ay alaga rin ni Kuya Germs si Jake Vargas.

Handa ba si Prince na maikumpara kay Jake?

“Handa naman po,” at muling tumawa ang male newcomer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Close bilang magkaibigan sina Prince at Jake.

“A sobra po!” lahad pa niya.

Hindi kaya nai-insecure sa kanya si Jake?

“A hindi naman po. Hindi naman po.

“Sa tingin naman po ni Tatay Germs sa amin, pantay-pantay lang po kami.

"So kung sino yung may project, ano lang po, dun lang po siya tututok,” banggit pa niya.

Para ba sa kanya ay advantage na ang manager niya ay si Kuya Germs?

“Sobrang laking advantage po sa akin yun dahil po siyempre, marami na pong experience sa showbiz so iyon, parang sinasabi niya po sa akin yung mga advice tungkol po sa showbiz.”

Mabait daw ang papel niya bilang si Ikot.

“Napakabait po nitong character ko na ito. Bagay na bagay po sa akin, ganun,” at muling natawa si Prince.

“Iyon po, mabait po si Ikot, sobrang caring niya po sa tatlong magkakapatid, sa triplets.”

DANIEL LOOK-ALIKE. Kapansin-pansin ang pagkakahawig ni Prince kay Daniel Padilla.

Aniya, “Siyempre po, flattered! Masaya naman sa akin po dahil siyempre ito yung ibinigay ni Lord, e.

“Iyon po.”

Nakita na niya nang personal si Daniel sa isang awards night ng Star Awards ng Philippine Movie Press Club.

Pero hindi raw sila nagkaharap nang malapitan, at hindi raw siya nakapagpakuha ng litrato kasama ng sikat na teen actor.

Ang idolo ni Prince at nais niyang sundan ang mga yapak bilang artista ay si Dingdong Dantes.

“Gusto kong maging Dingdong Dantes in time, na Primetime King, 'di ba? So iyon, gusto kong dumating sa mga ganung stage, in time.

“Sana po maging ganun ako,” asam niya.

Ang crush naman ni Prince ay si Jazz na kasama niya sa InstaDad.

Aniya, “Kasi po yung mata niya po medyo chinita 'tapos maputi, iyon po.”

JUGGLING SCHOOL AND WORK. Kasalukuyang college student si Prince sa Adamson University, kung saan freshman siya sa kursong Marketing Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman raw conflict sa pag-aaral niya ang pag-aartista.

Ani Prince, “Hindi naman po dahil konting units lang po, mga 15 po, ganun.”

Tuesdays, Thursday, at Saturdays ang pasok ni Prince sa eskuwela. Mondays, Wednesday at Fridays naman raw ang tapings niya kaya walang conflict.

FIVE-YEAR CONTRACT. Anong pakiramdam niya ngayong certified Kapuso artist na siya.

“A, siyempre sobrang saya nung pumirma po ako [ng kontrata] noong December 18 po. So sa akin po, isa pong achievement sa akin ito.

“Sobrang ganda po sa pakiramdam na isa na po akong Kapuso artist na sobrang dati ko pa pong pangarap,” pahabol pa niya.

Limang taon ang kontrata ni Prince sa GMA Artist Center na co-manager ni Kuya Germs sa pagpapatakbo ng showbiz career ni Prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN