Mariel Rodriguez reveals how hubby Robin Padilla opened her eyes to the benefits of a healthy lifestyle

IMAGE Noel Orsal

Thanks to her husband Robin Padilla, Mariel Rodriguez has made juicing fruits and vegetables part of her healthy lifestyle. “Ako naman before, health buff din ako, pero hindi kasing hardcore niya (Robin). Hindi na rin kami kumakain ng junk food. Instead, fresh fruits na lang. Kaya ako natuto mag-juice ng mga fruits kasi it’s really much healthier.”


Hindi raw nahirapang ma-convince ng TV5 si Robin Padilla na payagan niyang maging isa sa tatlong hosts ng morning-lifestyle show na Happy Wife, Happy Life ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Ayon kay Mariel, gusto raw ni Robin na maging happy siya kahit na masakit ang pinagdaanan nito noong makunan ito sa kanilang first baby.

“Robin wants me to move on—he wants me to smile again.

“Ang tagal kong iniyakan ang nangyari sa baby namin at sabi nga ni Robin sa akin, it’s time that I be productive again.

“Oo nga naman. Naiyak ko na nga lahat. Ano pa ang kasunod, ‘di ba? So I need to move on and start anew.

“Kumbaga, new beginnings ulit,” ngiti pa ni Mariel sa media launch para sa second season ng Happy Wife, Happy Life sa Annabel’s Restaurant on Tomas Morato Avenue, Quezon City, last April 13.

Natuwa raw si Mariel nang inalok siya maging isang host sa naturang programa. First time daw niyang makakatrabaho sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag.

Wala naman naging problema sa kanyang mister dahil natuwa pa nga raw ito sa bagong show niya.

“I am so happy that TV5 offered me to host Happy Wife, Happy Life. This show will be helping me a lot. Sure 'yon dahil sa first episode pa lang ay ang saya-saya na.

“Mas excited si Robin kesa akin. Totoo 'yan!

“We opened our home for the show and Robin was very happy about it. Natuwa siyang makita akong masaya ulit sa ginagawa ko.

“Sabi nga niya, matagal na raw niya akong hindi nakita na gano’n kasaya at kasigla since the miscarriage.

“Kaya sabi ko, nawalan man kami ng baby, nagkaroon naman ako ng bagong baby with this show,” masayang tugon ni Mariel.

HEALTHY LIFESTYLE. Pinakita nga sa show ang pagiging expert juicer ni Mariel. All-natural daw kasi ang mga pagkain sa bahay nila ni Robin kaya natuto siyang pagsamahin ang fresh fruits at vegetables para gawing juice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naibahagi din ni Mariel ang sinusunod nilang eating habits ni Robin para manatiling healthy sila.

Lahad niya, “Kami kasi ni Robin, we are very concerned with our health. Kaya parang naging wellness expert na rin ako dahil sa kanya.

“Si Robin kasi, he’s very active in different sports. He’s into martial arts. Tinuruan na niya ako sa mga ginagawa niya.

“Ako naman before, health buff din ako, pero hindi kasing hardcore niya.

“'Tapos pati sa pagkain, disiplinado siya. Kaya nahawa na rin ako. Kung ano ang hindi niya kinakain, hindi ko na rin kakainin.

“Like pork, it’s been five years na since I last ate pork. Si Robin kasi, bawal talaga sa kanya ang pork because of his religion.

“Hindi na rin kami kumakain ng junk food. Instead, fresh fruits na lang.

“Kaya ako natuto mag-juice ng mga fruits kasi it’s really much healthier. Hinahaluan ko na lang ng konting veggies para may variety.”

HEALTH BUSINESS? Ini-encourage nga si Mariel na gawing business na ang kanyang pagiging mahusay sa paggawa ng healthy juice.

“Actually, sinabi na rin sa akin ni Robin na gawin ko na raw negosyo.

“Bahala na, kasi maraming kailangan asikasuhin when you start a business, ‘di ba? Nakaka-stress ‘yon.

“Ayokong ma-stress kasi gusto nga naming mag-try ulit na magka-baby.

“So tama na muna ang magkaroon ako ng bagong show. Yun muna ang harapin ko bago ang magkaroon ng business,” tawa pa niya.

STILL HOPING TO HAVE A BABY. Naghihintay na lang ng tamang panahon si Mariel para muli silang mag-try ni Robin na magka-baby.

Kuwento ni Mariel, “The doctor said na hindi pa muna puwede.

“One month ang pahinga kasi nagparaspa ako.

“Konting tiis na lang and we will try again.

“Hindi naman kami nawalan ng pag-asa ni Robin, e.

“I know that God will soon bless us with our baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN