Monique Lhuillier unveils Spring/Summer 2016 bridal collection in New York

Renowned Filipina designer Monique Lhuillier launches her Spring/Summer 2016 bridal collection that showcases her distinct trademarks of pastel shades, romantic embellishments and satin sashes.


Ni-launch kamakailan ng Pinay designer na si Monique Lhuillier ang kanyang Spring/Summer 2016 bridal collection na inspired ng fairy tale na Alice in Wonderland.

Ipinakita nito ang kanyang bagong collection ng wedding gowns sa harap ng ilang fashion editors sa Grand Salon ng Baccarat Hotel sa New York City.

Imbes na ipakita niya ito sa tradisyonal na runway, nagtipun- tipon sila sa isang banquette area ng Baccarat Hotel at doon nag-unveil si Monique ng kanyang collection kasama ang fashion editor na si Hal Rubenstein at ini-explain nila ang detalye ng mga gowns.

FANTASY THEME. Pinili ng designer ang Alice in Wonderland inspiration dahil pinapakita ng kanyang collection ang naging fantasy ni Alice.

Modern allure at playful grandeur ang pagkaka-describe sa collection kung saan naka-highlight ang trademark ni Monique Lhuillier na pastel shades, romantic embellishments at satin sashes.

NEW STYLES. Mas extreme nga raw ang mga designs ni Monique sa bago niyang collection.

“If the back was low before, now it’s even lower.

“V-necks are lower than other seasons, but they’re done with a very elegant and fine touch to it so it’s still appropriate,” ayon pa kay Monique sa interview niya with Yahoo Style.

“I think a low back is a great place where you can feel more sensual by pushing the lower back detail.

“If I do a low back I always put a Chantilly lace over it so you’re still covered, and it’s the lining that is lowered.”

Hindi pa rin daw mawawala ang classic ball gown design para sa mga brides na naghahanap nito sa kanyang collection.

“When I decided to go full this season it’s extremely full, really not in the middle,” dagdag pa niya.

LEGACY. Nakilala si Monique Lhuillier dahil sa kanyang mga wedding gowns na sinuot na ng pop music icon na si Britney Spears noong ikasal ito kay Kevin Federline noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Monique Lhuillier wedding gowns din ang piniling isuot ng ating local celebrities tulad nila Lea Salonga sa kasal nito kay Robert Chien in 2004 at ni Regine Velasquez sa wedding nila ni Ogie Alcasid noong 2010.

Maging ang U.S. First Lady Michelle Obama ay nakapagsuot na ng creation ni Monique Lhuillier.

Paborito ring isuot ng ilang Hollywood celebrities ang mga creations ni Monique sa mga red carpet events.

Kabilang dito ang mga Hollywood celebrities na sina Taylor Swift, Rihanna, Eva Longoria, America Ferrera, Catherine Zeta-Jones, Julianne Hough, Chrissy Tiegen, Kristen Bell, Drew Barrymore, Mandy Moore, Julie Bowen, Kristen Stewart, Kaley Cuoco-Sweeting, Marcia Cross, Scarlett Johansson, Emma Stone, Anne Hathaway, Anna Kendrick, Sofia Vergara, Leslie Mann, Amanda Seyfried, Emmy Rossum, Julia Louis-Dreyfus, Nicki Minaj, Paula Patton, Padma Lakshmi, Ginnifer Goodwin, Kristin Davis, Lily Collins, Nina Dobrev, Kerry Washington, Gwyneth Paltrow, Mila Kunis, Fergie at Halle Berry.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN